Nandito kami sa Mall ni Hannah dahil nag g-grocery kami for stock sa bahay. Sabado kasi ngayon at nag pag desisyonan kung gumala at isama si Hannah. Wala rin naman itong kinakabisihan eh.
Habang pumipili ako ng fresh milks ay napalingon ako sa pinang-galingan ng newspaper. Naiwan kasi ito sa isang cart kaya napatingin ako. Kinuha ko yon at binasa.
Kahapon yong date so it means kahapon pa ito ni released. Nag kibit-balikat lang ako dahil mukang nakalimutan itong balikan.
Di ko rin alam kung bakit ko pinapakialaman pero may nag-sasabi kasi na tignan ko. Nang matignan ko ay di ko alam kung paano ako mag r-react. It's Tyron and a girl na naka dine sa isang restaurant sa Europe.
Tapos ang nakalagay pa na headline ay " Spotted dating ". Ang sabi ni Ty sa akin ay may aasikasuhin lang siya..pero bakit ganito ? May mga litrato pa na nasa mall at iba't-ibang place sila kung titignan sila parang ang saya-saya nila...I mean nong babae, di ko kasi nakitang ngumiti si Ty seryoso naman palagi yon.
Agad kung tinignan yong sa front page may maliit na details doon na naka-uwi narin kahapon sa bansa si Ty. Kaya kinabahan ako, bakit di man lang niya sinabi ?
Agad kung binitawan ang newspaper ng mahagip ko si Hannah na papalapit sa akin habang tinitignan yong mga pinapasali niya.
" Isali mo na rin ito. Basta ako gagawa ng dessert para sa pyesta. "
Tumango ako at kumuha ng dalawang malalaking lalagyan ng fresh milks.
" Pinupurga mo sarili mo Scarlet ?"
"H-huh ?"
Takang tanong ko sa kanya. Masama na bang kumuha ng dalawang litro ng fresh milks ?
" Wala. Pansin ko lang na lage kang umiinom ng gatas hindi na kape "
" Ah yon ba ? Para kasi makatulog ako eh kaysa sa kape gising na gising ako "
Pagdadahilan ko sa kanya. Ayw ko pang sabihin sa kanya na buntis ako baka usisain ako kung sino ang ama. Di pa naman na niniwala na asawa ko yong Boss sa kabilang kompanya.
" Ah sabi naman sayo eh. Tsaka agahan mo rin kasi ang tulog mo para di ka masanay na matagal nagpapahinga "
"O-okay. "
Napa buntong hininga ako nong tumalikod na si Hannah. Tinulak na niya ang cart patungong cashier. Habang nagpipila siya ay kinuha ko ang card ko at ibinigay sa kanya. Tinanggap niya naman yon.
" Teka Hannah may tatawagan lang ako "
" Sige "
Tumango ako at medyo lumayo sa kanya. Agad kung kinontact si Ria. Agad niya namang sinagot yong tawag ko.
" Hello Ria, totoo bang nakauwi na si Ty ?"
Diretsahang tanong ko sa kanya.
" Ah y-yes. "
Bakit parang di siya sure sa isasagot niya ?
" Ria salamat. Yon lang yong sadya ko. "

YOU ARE READING
The Billionaire's Secret Wife - ( COMPLETED)
Teen FictionScarlet Yu is a simple girl. She's willing to do everything just for her sister's sake ! And one day she made a contract with the very famous business tycoon Tyron Zaires. She agreed to be the Billionaire's secret wife with reason. What if they f...