Lumipas ang mga araw at nanatiling sekreto lahat yong mga nalaman ko. Nandito kami sa isang resort kung saan yong pagtatagpo ng pamilyang Zaires. Wala pa sila Ty at ang mga bata kami-kami lang nila Gin, Mom, Dad, Liam at Zeke ang nandito ngayon sa restaurant na hindi kalayuan.
Sila Inay at Ate kasi ay umalis na ng bansa. Ewan ko kung kailan sila babalik pero mag s-skype naman daw kami kapag di sila busy o ako.
" Is Ellaine gonna come too ?"
Tanong ni Liam. Nagkibit balikat nalang ako. By the way, na confirm ko talaga na ako lang yong niloko ng lahat. Balak ko sanang magtampo at di sila pansinin kaso wala eh. Masyado akong mapapatawadin at mabait.
" Maybe. You know her guys.."
Sagot naman ni Zeke. Napatango naman si Liam. " Sana matapos na lahat " sabi ko nalang. I felt Mom's hand on my shoulder. Tinapik niya ako ron at nginitian.
" Everything will put into places dear, we just have to wait "
Ngumiti nalang ako. Maya-maya pa ay dumating na sila Ty at yong mga bata. Kaya lumabas kami ng resto. Sasalubong na sana ako sa kanila ng lumabas rin ng sasakyan si Ellaine dahilan para mapatigil ako. Hinawakan naman ni Ty yong dalawa habang si Ellaine ay halatang nag papapansin sa mga lalaki sa paligid na nakatingin sa kanya dahil sa suot nito. Tsk.
" Son ! Mabuti at nandito kana ! Woah, are they your kids ?"
Salubong ni Mom sa kanila. Napailing nalang ako kahit papaano ay mapapaniwala mo sila na wala itong alam. Nakita kung kumapit si Ellaine kay Ty. Bitch !
" Yes Mom ! They're our sons. Guys meet your grandma " Napa ikot talaga yong mata ko sa actingan sa harap ko. Seryoso lang yong iba.
" Hello po / Hello "
Sabay nong dalawa. Hinalikan naman nila si Mom sa pisngi na ikinangiti ko. Nakipag bro fist naman ang mga bubwit sa mga tito nila at ginulo lang ni Dad yong mga buhok nila.
" Hello babies.. "
Bati ko sa kanila at hinalikan sila sa pisngi nila. Ngumiti lang ang mga ito at bumati pabalik. Medyo nainis ako sa inasal ni Ellaine ng hatakin niya sa braso si Tres palayo sa akin.
" Don't you dare touch my son bitch ! "
Inis na sigaw ni Ellaine sa akin. Di naman ako umimik. Tsk. Pinapahiya yong sarili eh. Napatingin naman ako kay Tres na namumula at napapa-ngiwi sa higpit siguro ng hawak ni Ellaine.
" I always dare Ellaine. And can't you see ? Nasasaktan yong ANAK mo ng dahil sa pagpapansin ! "
" Aba't---"
"Enough ! Ellaine stop making a scene. Nandito ang pamilya ko wag kang bastos ! Bisita siya nila Mom at Dad !"
Awat ni Ty ng akmang hihilahin ako sa buhok. Umirap naman ito sa akin at ngumiti ng matamis sa magulang ni Ty. Psh. Plastic.
Nag-aalalang tumingin naman ako sa kambal at sinamaan ng tingin si Ty na iniwas lang ang mga mata niya. Gusto ko mang yakapin yong anak ko at tanungin kung okay lang ba siya,alam kung di pwede.
May tumigil naman na sasakyan only to see Terrence and his daughter. Agad naman na tumakbo yong bata sa direksyon namin.
" Mom---"
"Kaninong bata yan ?"
Putol agad ni Ellaine ng akmang tatawagin siyang Mommy nito. Nakita ko kung paano samaan ni Ellaine ng tingin yong bata. Walang hiya talaga !
Dumiretso nalang sa akin ang bata at namumula na. " Mommy..." Tawag nito sa akin. Di na ako nagulat. Hinahayaan ko kasing tawagin akong Mommy or Tita ng batang ito. Gusto ko kasing maramdaman niya yong mga bagay na pinagkait sa kanya ng sariling ina.
" Yes baby..I'm here " sabi ko nalang at kinarga ito. Nakalapit na rin si Terrence .
" Hey guys... " tumingin naman ito sa direksyon ni Ellaine na halatang mahigpit ang kapit sa braso ni Ty. Trying to make him jealous huh !
" Anak niyo pala yan ni Scarlet..I'm glad nagkatuluyan kayo "
Sabi ni Ellaine kay Terrence. Natigilan naman si Terrence na agad din ngumiti. " She's a perfect mother and wife compare to you na walang ginawa kundi maging selfish "
Diretsong saad ni Terrence. Akmang magsasalita pa si Terrence ng lumapit ito sa akin at hinawakan ako sa bewang.
" Let'go ? Gutom na kami eh. Mom, Dad ? Guys ? "
Tawag na pansin nito sa kanila. Naiilang parin ako sa mga hawak ni Terrence kung titignan parang mag-asawa kami at anak namin itong karga-karga ko.
" Hehe. Bawal away dito. Kaya lets go at ipagpatuloy yong pagkain. "
Sabi ni Mom at pumasok na ulit sila. Sinamaan muna kami ni Ellaine saka sumunod sa kanila habang hawak si Tres at Travis sa mga kamay nito. Napatingin pa ang kambal sa akin. Napa buntong hininga nalang ako. Lalakad narin sana kami ni Terrence ng magsalita si Tyron sa likuran namin.
" I'll let you borrow my wife Terrence but don't you fvcking dare touch her. Hands off asshole !"
Inis na sabi ni Ty na agad ko naman itong sinamaan ng tingin. Nasa gilid niya lang yong mga kaibigan nila. " Ty! Yang bibig mo, kita mong may bata !"
Nag-aalalang tumingin naman ako kay Eliza na naka-tingin lang kay Tyron at nakikinig . " It's okay, Eliza won't take it seriously because I already explained everything to her..how my brother being possessive to you." Sagot ni Terrence at nginitian ako.
" But still ! I don't want each one of you to cuss kung may mga bata..specially when our sons are around Ty. Masasampal kita! Lets go."
Umirap muna ako bago nagsimulang mag lakad. Narinig ko pa na natawa sila Liam at Zeke dahil sa sinabi ko na agad rin naman yon natigil. Baka sinamaan ng tingin ni Ty.
That man ! Di niya ba iniisip na sobra na yong dinadala ng bata ? What if mag-isip ito ng mag-isip kung bakit yong parents niya ay inaaway.
Babae pa naman ito. Kahit na sabihin nitong okay lang ito pero kung naiinitindihan niya--iisipin niya talaga yon hanggang sa lumungkot ang loob nito and I don't like that to happen. I want her happy..I want these kids happy.
Tumabi nalang kami sa kanila at nag order ng dagdag na pagkain. Yong kambal nasa gitna nila Mom at Dad. Nag kwentuhan lang sila habang naghihintay at kumakain.
Pero wag niyo kalimutan na nagpapakitang gilas si Ellaine the great ! Tsk. Sakalin ko siya eh. Nakakainis talaga.

YOU ARE READING
The Billionaire's Secret Wife - ( COMPLETED)
Teen FictionScarlet Yu is a simple girl. She's willing to do everything just for her sister's sake ! And one day she made a contract with the very famous business tycoon Tyron Zaires. She agreed to be the Billionaire's secret wife with reason. What if they f...