40

15K 528 17
                                    

Scarlet's POV





Nandito ako sa mall ngayon. Naglilibot-libot lang. Wala namang problema sa company at nandoon si Boss ngayon don kaya hinayaan niya muna akong gumala. Namiss ko rin kaya yong mga malls dito. 











Napadaan ako sa kid's world. Nakikita ko yong mga batang masayang naglalaro ng arcades together with their parents. Napangiti nalang ako. 








Pero naagaw ng isang batang lalaki yong atensyon ko. Namumula na ito sa kakaiyak habang tumitingin sa paligid. Mukhang nawawala ito. Agad naman akong lumapit sa kaniya nong mapansin kung tinitignan lang siya ng mga tao. 





" Hey baby.." 








Tawag ko nito. Lumingon naman ito at nakita kung nagulat ito sa akin. Mas naiyak siya nong makita ako. Nataranta naman ako. Shit ! Gaano na ba kasama ang mukha ko para mas matakot ang bata sa akin ? 








" I'm safe now cause you're here..." 








Mahinang sabi niya. Kumabog yong puso ko nong niyakap niya ako ng mahigpit. Parang kilala niya ako na ewan. Huminahon ito sa mga balikat ko. Tumingin ulit ito sa akin at ngumiti. 








" I'm lost. Can I come with you ?" 





Tanong niya. Lumingon-lingon naman ako sa paligid. Tumayo ako at saka siya hinawakan sa maliliit niyang kamay. 








" Sino kasama mo pag punta rito baby ?" 





Tanong ko at nagsimula na kaming maglakad. Base sa tindig niya mukhang matalinong bata ito pero halatang baguhan lang siya sa mall dahil nakita ko yong takot niya kanina.








" Si Daddy and my twin. " 








Napatango nalang ako sa sinabi niya. Parang nakita ko na ang mukha ng batang ito eh. Di ko lang maalala kung saan at kailan. 








" Gusto mo punta tayo sa Information Office para mas mapadali tayo ng hanap sa Daddy mo ?" 





Umiling naman siya at humigpit yong hawak sa kamay ko. 





" Later. But can you treat me a food..I'm hungry.." 





Bigla naman siyang namula habang sinasabi yon. Ang cute at ang gwapo pa !  Natawa naman ako ng mahina at pumasok sa jollibee. Naupo kami sa gilid. Inutos ko nalang yong order ko dahil ayaw ko naman maiwan itong batang ito. 





" Nga pala..what's your name baby ?" 








" Travis " 





Bahagya naman akong nagulat sa sinabi niya. Maybe ka name niya lang atsaka baka iba yong pangalan ng anak ni Ty. 





" Kanina ka pa ba nawawala ? "





Bahagya naman itong tumango. Ang cold naman ng batang ito pero halatang mabait. 





Di na ulit ako nagsalita kumain lang kami nong dumating na yong pina order ko. Natawa ako ng makita kong may ketchup yong gilid ng bibig niya. 





" wait baby may ketchup ka.." 





Lumingon naman siya sa akin na may pagtataka kaya agad kung pinunasan yong dumi sa gilid ng cute niyang lips. 





" T-thank you.." 





Awee. Too formal ! Anak mayaman ba ito ? Pero kung titignan mo siya parang normal lang siya na bata na biniyayan ng magandang mukha. 








" Eat up. Shopping tayo..gusto mo ?" 








Agad naman siyang tumango kaya magana itong kumain. Nang matapos kami ay tumungo agad kami sa iba't -ibang boutique.  Pinamilhan ko siya ng mga gamit. Kahit di ko ito kaano-ano di parin ako magdadalawang isip gastusan at pakisamahan ito. Ang cute kasi eh. 





Tumingin kami ng accessories. Tumingin siya don sa bracelets at kanina pa siya nakatulala don. Bahagya akong umupo para makapantay siya. Tumingin rin ako don sa tinitignan niya. 








" You want that ?" 





Tanong ko. Umiling naman siya agad at iniwas ang tingin don. 








" You're giving me too much stuffs. W-we're not even related.  " 





Nahihiyang saad na naman niya. I pat his head. Nginitian ko naman siya. 





" It's okay. Pinasaya mo naman ako ngayon...so tell me saan diyan para mabili natin ? Samahan na natin yong kambal mo " 








Masayang tanong ko. Actually di problema sa akin yong pera ngayon. I just want to see him happy this moment. Alam kung nagpapalipas lang kami ng oras dahil sa nangyare sa kanya kanina. 








" Nah. No need you're just wasting your mo---"





"Kung sayo ko lang naman pagsasayangan ang pera ko I would be more glad dahil alam kung nabigay ko yong gusto mo..Gusto ko lang mapasaya yong batang katulad mo dahil di ko naranasan makapiling yong anak kung namatay sa loob ng tiyan ko..." 





Sabi ko sa kanya. Nagulat ako nong hawakan niya yong mukha ko at punasan yong luha ko. Sana di nalang namatay yong anak ko ! Edi sana nararamdaman ko itong ganitong saya kasama ang batang ito. 








" That baby will be so happy to have you as a mother T-Tita. We just met but you treated me as your own. You bought things for me even though you have no Idea of who I am..." 








Tinuyo ko naman yong luha ko at ngumiti sa kanya. Tumingin kami sa bracelet at pumayag naman siyang bilhin ko yon para sa kanila ng kambal niya. Ang gaan talaga ng loob ko sa batang ito. 








Isinuot ko na yong bracelet sa kanya at nilagay niya naman sa bulsa yong isa. 





" Ayan. " 


Sabi ko matapos kung isuot sa kanya. Ngumiti naman ito at niyakap ako. Sa pangalawang pagkakataon na ito ang lakas ng kabog ng puso ko. Hinalikan niya rin ako sa pisngi. 








" Thank you po !" 





Ngumiti lang ako at inayos yong buhok niyang mas malambot pa kesa sa akin. 





" You're welcome. " 





Tumayo na ako at hinawakan na siya sa kamay para umalis. Nang saktong pagharap ko ay agad akong natigilan ng mapansin kung may nakaharang. Tumingala ako at grabe nalang yong kaba ko ng makita ko siya na serysong nakatingin sa akin at may hawak na bata sa kabilang kamay. 








" Daddy ! " 





Agad namang bumitaw si Travis at tumakbo palapit kay Ty. Sinamaan naman ito ng tingin ni Tyron dahilan para mapa pout ito at mapayuko. 








" I'm sorry Daddy ! " 








" We'll talk at home later " 





Seryosong sabi niya sa anak niya. Tinignan ko naman siya habang nakataas ang isang kilay ko. Bakit naiinis ako sa tono na gamit niya sa anak niya. Halatang natakot kasi ito eh. 








" Long time no see Scarlet.. "








Nakatiim bagang niyang sabi sa akin..

Yong puso ko para akong aatakihin dahil sa nalalaman at nakikita ko. I missed him ! 


" Yeah. Long time no see...Mr. Zaires " 

The Billionaire's Secret Wife - ( COMPLETED) Where stories live. Discover now