Scarlet's POV
Nandito na naman ako ngayon sa opisina at inaasikaso yong trabaho. Bukas na pala yong party na dadaluhan namin at nakapag-desisyon na ako na sasama.
Napansin ko na pumasok si Zen kaya nagtaka naman ako. " Scarlet, you have an appointment today with Mrs. Zaires at the coffee shop " Natigilan naman ako. Mrs. Zaires ? Yong asawa ba ni Ty ang tinutukoy nito ? " You mean his wife ?"
Umiling naman ito. Teka, bakit hindi si Hannah yong nagrereport sa akin ? " His mother. At ayaw niya ng late ! Jesus ! 20 minutes nalang Scarlet at kung gusto mong maging maayos ang image mo you have to go now ! "
Nataranta ako nong bigla niya nalang akong hinatak patayo at sigawan. Loka talaga ito kahit minsan. Napailing nalang ako dahil naiinitndihan ko na. Pag si Hannah kasi yong nagsabi, di niya ako mapapataranta ng ganito.
Kinuha ko na yong phone at sling bag ko. Tumakbo na ako palapit sa pintoan ng office ko ng matigilan ako at lumingon ulit sa kanya. " Saang coffee shop ?" Takang tanong ko. " Doon sa coffee shop na madalas na tambayan niyo ni Hannah ! Get lost now Scarlet !"
Kahit ayaw man ay mapipilitan talaga akong pumunta dahil kay Zen ! Bruha talaga . Fifteen-minutes ang lumipas bago ko narating yong coffee shop. Patay late na ako dahil medyo traffic pa ang kalsada.
May nakita akong di katandaan na babae sa pinaka dulo at tago na bahagi sa shop na ito. May lumapit naman sa akin na lalaki. " Ikaw po ba si Miss Scarlet na hinihintay ni Mrs. Zaires ?"
Tumango naman ako agad. " This way po Ma'am " sumunod nalang ako sa kanya. Mas lalo akong kinabahan ng mas palapit na ako sa kaniya. Nakatingin lang sa akin ito ng diretso. Ako parang tatakasan na ng hininga sa kabang nararamdaman ko. " Have a seat ihja "
Mahinang sabi niya ng mapansin nitong nakatayo parin ako. " T-thank you " naka-upo na ako at ito na nga tudo tingin ito sa akin. Shit ngayon ko lang na meet sa personal ang Mommy ni Ty !
" What do you want to eat ihja ? Don't worry, my treat " ngumiti naman ito sa akin kaya wala akong choice kundi ngumiti rin at pumili ng o-orderin. Nang matapos ay agad naman niya itong sinabi sa isang nag-aassist ng orders.
" So tell me about you and the relationship you have with my son ?"
Napalunok nalang ako. Shit. Ito na ba yon ? Sana lamunin nalang ako ng semento. Kasalan ito ni Zen eh ! Di na tuloy ako nakapag-isip. I don't have a choice but to answer her questions. It's better to be clear than to mess around.
Tyron's POV
Kasama ko ngayon ang kambal papunta sa condo ng kapatid ko. Pumayag ako sa paguusap na gusto niya dahil baka may kinalaman ito sa pamilyang binuo ko na winasak lang nila. I can't wait to punch him straightly on his face.
Di ko alam kung saan na naman si Ellaine. Lasing ito nong umuwi kagabi at wala na naman ito pag kagising ko kanina. Pinarada ko agad ang sasakyan pagkarating ko sa isang hotel. Ako ang unang lumabas saka pinag-buksan yong dalawa.
" Daddy , Tito Terrence will not gonna hurt us right ?"
Nag-aalalang tanong ni Tres. Tumango lang ako at hinalikan sila sa ulo. " I won't let him or anyone hurt you kiddos. Daddy will gonna punch them first before they can touch you "
Hinawakan ko na ang kamay nila at pinababa. Sumakay agad kami ng elevator at tinungo yong room na itinext ni Terrence sa secretary ko. Nag doorbell ako at maya-maya pa ay pinagbuksan niya ako.
" Hey bro...I'm glad you came "
Sinamaan ko nalang siya ng tingin na ikina-buntong hininga niya. Pinapasok niya naman kami at napansin ko yong batang babae na nakatingin sa amin at naka-ngiti.
" Who is she ?" Takang tanong ni Travis. Lumapit naman yong kapatid ko rito at hinawakan sa kamay yong bata. Lumapit naman ang kambal sa kanila.
" She's my daughter. Eliza, these are your cousins..Travis and Tres. Twins this is Eliza my daughter "
Pakilala niya rito. Nagulat naman ako ng bahagya sa nalaman ko. I didn't know na may anak na siya. Isinikreto niya pala ito. " Kids, Me and my brother will talk muna ha ? Eliza doon na muna kayo sa room mo "
" Yes Daddy " agad naman tumakbo yong batang babae patungo sa isang kwarto. Nagkatinginan naman ang kambal tsaka tumingin sa akin. Tumango nalang ako bago sila sumunod sa pinsan nila.
Now kami nalang ng kapatid ko. Nakapamulsa ito habang nakatayo malapit sa bintana. Ang lalim ng iniisip niya.
" Say it already Terrence !"
Inis na sita ko ng wala parin siyang balak magsalita. Ginulo niya naman yong buhok niya atsaka tumingin sa akin na parang nagu-guilty na ewan. Bigla nalang nanubig yong mga mata niya.
" T-ty I'm so sorry..tinamaan na kasi ako ng konsesya eh ! Atsaka ayaw kung mawala yong babaeng mahal ko...ayaw kung umabot sa punto na magkakasakitan na at lahat..I'm telling you this dahil gusto kung tulungan mo akong patinuin si Ellaine...I love her so much...at si Eliza yong bunga. "
Umiiyak na sabi niya. Nakakuyom yong kamao ko at handa ng sikmuraan siya but I remained myself silent.
" Dude forgive me when I'm gonna say this...Isa ako sa naging dahilan kung bakit nalayo yong anak mo...isa ako sa naging dahilan kung bakit nasira ang pamilyang binuo mo ! kinuha namin yong anak mo dahil sa pansariling interest ! And Karma just hit me big time ! Di ko napigilan ang sarili kung mahalin siya. And you know what kills me inside?..."
Nanatili akong tahimik habang nakatingin sa kanya na ngayon ay umiiyak at nakaupo na sa lapag.
" ...it kills me inside when I saw her hurting our daughter. It kills me hearing those words na di niya kami matatanggap ng anak ko at mahalin pabalik...because all she wants is you....gusto niya ikaw at hindi ako. "
I admit na nasasaktan ako habang nakikita siyang ganito ka miserable ! He's still my fvcking brother afterall!

YOU ARE READING
The Billionaire's Secret Wife - ( COMPLETED)
Teen FictionScarlet Yu is a simple girl. She's willing to do everything just for her sister's sake ! And one day she made a contract with the very famous business tycoon Tyron Zaires. She agreed to be the Billionaire's secret wife with reason. What if they f...