Kumain lang ako ng kumain . Limang isaw lang yong pinasugba ko. Marami rin kasi yong laman at alam kung di rin naman nakakaganda sa kalusugan ang ganito kaya lima lang. Dinamihan ko lang ng kain ng kanin at may paa naman ng manok kaya yon din yong nilantakan ko.
Miss ko na to ! Nag bayad na ako at nagpasalamat. Pumasok ako sa 7/11 namalapit sa park. May nakita akong marshmallow at chocolates. Bumili ako non at tumambay. At dahil glass, kitang kita ko yong sa labas.
Maya-maya pa ay naisipan ko na mas magandang tumambay sa labas dahil mas presko yong hangin. Naka upo nalang ako sa may bench habang kumakain ng chocolate bar na binili ko.
Hindi naman ako adik sa pagkain pero kahit ako di ako nakakaintindi. May umupo sa tabi ko na lalaki. Naka hood din ito at may dalang puppy.
Tinataholan ako nong aso kaya di ko maiwasang titigan ito. Mukhang nang hihingi kasi siya eh. Pero imbis na ma cutetan ako ay nakakaramdam ako ng pagkairita. Ang ingay.
" Excuse me baka gusto mo namang patahimikin yong aso mo ?"
Ewan ko kung saan ako humugot ng lakas para magtaray bigla doon sa lalaki. I swear kahit ako nagulat ! Pero arrgh ! Ang ingay kasi. Lumingon naman ito sa akin, kaya pala dahil naka earphones siya. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
" Ows sorry. Luke stop making noise!"
Sita niya don sa aso. Agad naman itong lumapit sa kanya at naglambing sa paa. Umirap nalang ako dahil feeling ko nasira yong gabi ko.
" Dadala-dala ng aso na ang ingay naman ! "
Mahinang sabi ko na mukhang narinig niya dahil tumawa ito bigla. No ! Narinig nga niya ang sinabi ko. Sa tansya ko mag ka edad lang sila ni Terrence.
" Badtrip ? Sorry about luke. By the way I'm RJ . "
Napatingin ako sa kamay niya na nakalahad sa harap ko. Ayaw ko rin namang maging bastos kaya inabot ko narin at nag sorry matapos akong nagpakilala dahil sa biglaang pagkairita ko.
" Anyways, It's getting late you should go home and take rest baka sino pa mabuntungan mo ng pagka badtrip mo "
Sabi niya na patawa-tawa. Aba sakalin ko kaya ito ?
" Maya na "
Sabi ko at binuksan na yong marshmallow ko. Inabot ko sa kanya ang pagkain ko pero tumangi siya, tumahol naman yong aso niya kaya wala siyang choice kundi kumuha para ipakain sa maingay na asong yon.
" So Scarlet, ano ginagawa mo ngayon ? Do you have family already...you know husband and kids.. "
Humugot ako ng hininga saka napatingala sa langit kung saan napakaraminng bituin.
" A yes and A no. Yes I already have a husband and no, we still don't have kids..di pa namin napag-usapan yon. Trabaho muna kasi "
Kibit balikat na sagot ko sa kanya. Napatango-tango naman siya habang hinahaplos yong likod nong aso.
" How 'bout you ? "

YOU ARE READING
The Billionaire's Secret Wife - ( COMPLETED)
Teen FictionScarlet Yu is a simple girl. She's willing to do everything just for her sister's sake ! And one day she made a contract with the very famous business tycoon Tyron Zaires. She agreed to be the Billionaire's secret wife with reason. What if they f...