50

14K 295 16
                                    

Matapos yong kainan namin ay nag kanya-kanya kami ng balik sa mga cabins kung saan kami mag s-stay.  


Magbibihis kasi kami for swimming. Naka-upo lang ako sa kama dahil wala naman kasi akong dalang swimming attire. I only have short shorts at t-shirts. 








Napa buntong hininga naman ako. Wag nalang kaya ako lumabas ? E dahilan ko nalang kaya na matutulog ako ? Pero si Mom ! Aish. Napatingin ako sa pinto ng cabin na ito nong may kumatok sa labas. 








" Saglit !" 


Sigaw ko. Lumapit ako don at pinag buksan yong taong yon. Nagulat ako ng makita ko si Mom. Naka-ngiti ito at may dala na paper bags. 


" I bought you this. Alam kung di ka nagdala eh. Hehe, tinignan ko kasi bag mo at base palang sa maliit mong bag di ka nagdala masyado " 





Napakamot naman ako sa ulo at inaya siya papasok. She handed me the  paper bags na tinanggap ko naman. 





" Its a one piece and a two piece. Pumili ka nalang " 





Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya at agad itong tinignan. Seriously ! Bawal ba mag short at t-shirt dito ?! 





" But Mom pwede po bang mag sho--"


"No. Ihja mag papatalo ka ba don sa Ellaine na iyon ? So dali na sukatin mo na " 


Tinulak-tulak niya pa ako papasok sa cr. I have no choice but to try this on. Una kung sinuot yong one piece. Kulay itim ito na may silver designs. Hapit na hapit rin ito sa katawan ko. Nang makuntento ako sa itsura ko ay lumabas ako at nakita ko si Mom na nakaupo lang at halatang naghihintay. 





" Mom.." Tawag ko rito. Ngumiti naman ito sa akin at nilapitan ako. " I knew it. Ang ganda talaga ng katawan mo. Haha para kang dalaga pa at wala pang anak " 








Namula naman ako sa sinabi niya. " Pwede naman sigurong lagyan ng shorts it--" umiling ito agad kaya di ko na natuloy yong sasabihin ko. " Try the other one. Baka yon mas maakit mo si Tyron hahaha " 


Natatawa niyang sabi. Mas namula naman ako don. " Mom kapag nagkataon mukhang makakapatay si Ty !" Mas lalo itong natawa sa sinabi ko. 





Pumasok na ako ulit sa cr at hinubad yon. Kinuha ko yong isang paper bag. Kinuha ko yong two piece at pinag masdan ito. Kulay pula naman ito at di ko maiwasang mapalunok. Actually, sanay akong mag suot ng ganito but shit..nawawala ang confidence ko ngayon. 


Sinuot ko na ito at tinignan ang sarili sa salamin. Di ko i d-deny na bumagay yong pula sa akin. Dahil na rin siguro sa maputi kung balat. Yong buhok kung pinakulot ko nong nasa ibang bansa pa ako at may pagka blond ito. Lumabas naman ako para matignan ni Mom. 








" Oh my ! You look so gorgeous and at the same time seductive ihja ! " 


Napayakap naman ako sa katawan ko dahil sa hiya. Kung tignan ako ni Mom ewan ko nalang ba. " No need to be shy ihja. Hahaha here ipatong muna lang " 





Kinuha ko yong inabot niyang manipis na long sleeve na puti. See through ito at ramdam ko yong lambot ng tela sa balat ko. 





" Perfect. So let's go ?" 





Aya niya. Wala naman akong choice kundi ang sumunod sa kanya.





--- 


Di ko maiwasang mailang habang naglalakad kami patungo sa kinaruruonan nilang lahat. Napapatingin kasi yong ibang tao sa amin eh. 





" Oh there they are !" 





Sabi ni Mom ng matanaw na sila sa di kalayuan. Nakita ko yong mga boys na naka swimming shorts at sleeve less shirts. Except kay Terrence at Liam na naka topless. Ang ganda ng katawan nila. Pero mas hot si Ty sa paningin ko. 


Si Ellaine naman ay naka higa sa beach chair habang may malaking payong sa katabi nito. Naka two piece lang ito. Yong mga bata naman ay naglalaro. 








" Scarlet is that you ? Wow, nagsusuot ka pala ng ganyan ! Hahaha " 





Natatawang sabi ni Liam ng makalapit kami. " I wish I could find a woman like you Scarlet..so gorgeous and kind " 





Natawa nalang ako sa sinabi ni Zeke. Mga baliw rin pala ang mga ito. At dahil hapon ngayon di na masyadong mainit. I saw Tyron na seryosong nakatingin sa akin. Si Terrence nginunguso si Ty na ang sama na ng tingin sa akin tapos natatawa pa ito sa amin. Napailing nalang ako. 





" Ihja aalis na muna kami ng asawa ko, guys kayo muna bahala sa bisita ko " 





Saad ni Mom sa amin. Tumango nalang ako sa kanya. " Copy Tita, walang makakalapit na ibang lalaki jan " 








" Marami kaming susuntok so trust us " 





Napailing nalang si Dad at natawa ng bahagya si Mom. Bakit ba ang babaliw nila ngayon ?! Nagpaalam na ito kaya ito ako naupo sa isa sa mga beach chair. Katapat ko si Terrence habang sila Liam at Zeke ay nasa ibang beach chairs. 








" Kids wag kayong pupunta sa malayo ! " 





Sigaw ko rito sa mga naghahabulan na mga bata. Tumigil naman sila at napatingin sa akin. " Okay po !" Sigaw ni Tres. 


" Hon paki lagyan naman ako ng sun block oh. Baka kasi masira yong kutis ko " 





Rinig namin na sabi ni Ellaine kaya bahagya kaming napalingon sa dalawa. Tumayo lang si Tyron at umalis na parang walang nadinig. Napangiti naman ako ng konti don. 








Napatitig talaga ako kay Terrence na siya mismo yong tumayo at lumapit kay Ellaine saka kinuha sa kamay yong lotion. 





" Hey ! Give it back--"





"I'm doing you a favor..ayaw kung napapahiya ka kaya tumahimik ka nalang " 








Mahina pero rinig namin na sabi ni Terrence sa kanya. Di naman kasi sila masyadong malayo. Irita namang umupo si Ellaine pero agad rin na tumayo at sumunod kay Tyron. 








Napabuntong hininga naman si Terrence. Halatang naiinis na siya. 





" That woman !" 








May diin na pagkakasabi niya. " Hayaan mo muna bro bakit ang malas mo kasi at sa kanya ka pa tinamaan ! Hahaha " 





" Pag-ibig nga naman oh !" 





Natatawang sabi ni Liam at Zeke. Akala ko magagalit si Terrence dahil tahimik lang ito habang nakatingin sa babaeng mahal niya pero mas nagulat ako ng sabay silang tumawang tatlo na ipinagtataka ko. 








Mga baliw talaga ! 

The Billionaire's Secret Wife - ( COMPLETED) Where stories live. Discover now