55

13.7K 306 20
                                    

Dedicated to JanetMarquez4 SoraDomondon JairaLuzetteAque rillacuteganda

( A/N: Ek. Di ko ma mention yong ibang nag c-comment dahil di naka follow sa akin 😣 di ko mahanap. Pero thank you )
---

Hannah 's POV 








Nandito ako sa bahay namin ni Rex. Kasal narin kami at okay naman ang lahat. 





Di ako pumasok ngayon sa trabaho at nagpaalam na ako kay Scarlet dahil ang sama talaga ng pakiramdam ko. Ewan ko basta di ko din alam talaga kung may nakain lang ba ako or what. 





Pumunta ako sa kusina at dumiretso sa ref. Kumuha ako ng chicken legs at dineep fry ito. Nang matapos ay hinanda ko na ito. Nagsimula narin akong kumain. May katabi pa akong gatas at rice cooker dahil nakaramdam talaga ako ng matinding gutom. Para akong isang taon di pinakain ni Rex kasi yong sikmura ko ayw papigil sa gusto. 





Ewan ko kung nakailang dagdag ako ng kanin basta busog na busog ako. Napasandal naman ako sa upuan still di pa nililinisan yong lamisa sa harap ko. Nakakalat parin yong mga buto at pinang-gamitan ko. 





" woah ! Plano mo nang magpataba ? " 


Natatawang sabi ni Rj pagkapasok na pagkapasok sa kusina. Sinamaan ko nalang siya ng tingin na ikinatawa niya. Tinignan naman niya yong pinagkainan ko. At kinagatan yong natirang fried chicken leg. 


" Hello Babe, akin na ito ah " 





Sabi niya matapos niya akong yakapin. Natulak ko naman siya agad dahil may naamoy akong dikaaya-aya at nagulat din siya sa ginawa ko.





" What ? " 





Takang tanong niya at inamoy yong sarili. " Babe, kakaligo ko lang kung maka react ka...hug mo ako bilis--" 


Akmang yayakapin niya ako ng agad akong tumayo dahil sa perfume na gamit niya. Tumakbo ako sa lababo at nag susuka. Grabe ang sama talaga ng pakiramdam ko mas nilalaan niya lang.





" H-hey are you okay ?.." 


Nag-aalalang tanong at di na lumapit. Nang makita kung gumalaw siya at akmang lalapit sa akin ay sinamaan ko na agad ito ng tingin. 





" Magkakamatayan talaga tayo Rex kapag lumapit ka sa akin ! Mag bihis ka nga nasusuka ako sa pabango mo !" 





Inis na sigaw ko sa kanya. Habang iniiwas yong mukha ko sa kanya kasi parang papasok talaga yong pabango. Ano bang nilagay nya don bat ang baho ?  Shit. Ang sama talaga ng pakiramdam ko ! Nakita ko naman siyang gulong-gulo kaya no choice siya at umalis. 





Ilang minuto ulit ng bumalik siya at mukhang naligo pa ito at nagbihis. May inilapag itong maliit na kahon at nanlaki ang mata ko ng makita ko kung ano yon. 





" Try it..binili ko yan dahil nagtataka na ako " 





Sabi niya referring to the pregnancy tester. Napalunok naman ako, shit di malayong...








" Ghad ! ...." 


Tili ko at agad na dinampot yon at pumasok sa cr.  Nanginig talaga yong kamay ko nong mag positive ito. 





The Billionaire's Secret Wife - ( COMPLETED) Where stories live. Discover now