Tyron's POV
I'm in the cabin. Dumiretso agad ako dito kanina and I didn't expect na susunod yong babaeng yon dito. I don't care anymore kung magalit si Ellaine sa akin.
Nakaupo lang ako dito sa kama habang nakatuko yong mga braso ko sa tuhod. Nag-iisip kasi ako kung papaano ako makawala kay Ellaine mamaya.
Natigilan ako when I felt Ellaine's hands around my waist. At yong mukha niyang nakapatong sa balikat ko. Inalis ko agad yong mga kamay niya at tumayo bago siya hinarap. Hindi talaga ako comfortable kasama siya sa iisang lugar.
Natawa naman ito ng mapakla. Makikita mo sa mga mata niya yong inis at lungkot.
" Psh. Di mo talaga ako mahal no ? Di mo nga kayang matulog sa tabi ko. You always distance yourself when I'm around. I saw a glint of happiness earlier when you saw her. Siya pa rin di ba ? HAHAHHAHA"
Ewan ko ba kung saan yong nakakatawa sa sinabi niya. I can't find it tho.
" I know you have an idea about everything Hon. But I won't let her to be happy.."
Hinawakan ko siya sa braso saka niyogyog ng bahagya. Ito yong unang pagkakataon na nagkausap kami na may idea na sa bawat pangyayare.
" You're crazy ! Ano ba talaga ang gusto mo ?!"
Tumawa naman ito ng napakalakas. Nababaliw na talaga ito.
" Choose..yong anak mo o yong babaeng mahal mo ?" May nakakalokong ngisi ito sa labi. Inis ko siyang binitawan at tinulak sa kama.
" Ano ang ibig mong sabihin ?!"
Nagkibit balikat naman ito na ikinainis ko talaga ! Sarap sakalin ng babaeng ito ! Tumingin ito sa wrist watch niya at ngumisi.
" Three...two...one "
Kasabay ng huling numero na binitawan niya ay ang pag bukas ng pintoan dito at nakita ko sila Liam at Zeke na hinahangos. Kinabahan naman ako bigla. Namumutla sila at kinakabahan rin.
" B-bro..kailangan mo itong malaman..tinangay ng mga lalaki yong anak m-mo.."
"A-at si S-scarlet...."
Nagdadalawang isip pa si Zeke kung sasabihin ba niya or hindi. Napapatingin kasi siya kay Ellaine ngayon na seryosong nakatingin sa kanila.
" Shit ! Just say it ! What about her ?!"
Inis na sigaw ko.
" S-she got poisoned "
And with that agad akong tumakbo sa kung saan kami naroon kanina. Nakita ko lang yong securities na nakapalibot. Nandito na rin pala yong parents ko.
" M-mom...Where the fvck are they ?!"
" Son calm down !"
Napasabunot naman ako sa buhok at lumingon-lingon. Agad akong lumapit sa isang gilid nong may makilala ako na umiiyak. Fvck its Tres ! Inaalo-alo ito ng kapatid ko.
Agad kung kinarga at niyakap ng mahigpit yong anak ko na humihikbi. Nanginig naman ito sa takot.
" D-daddy...my T-twin...and M-mom.."
I keep cursing myself for leaving them earlier ! Shit. Hinagod ko naman ito sa likod para tumahan.
" hush, everything's gonna be alright..trust me "
Humigpit lang ang kapit nito sa akin. Napatingin naman ako kay Terrence na yakap ang anak nito. Sinamaan ko nalang ito ng tingin. Kung di dahil sa asawa niya edi sana okay pa ang lahat !
" Bro I didn't know anything..di ko na alam ang takbo ng utak niya " I just hissed atsaka lumapit kina Mom at ibinigay kay Mom si Tres.
Alam kung wala ipapagawang masama si Ellaine sa bata. She's just trying to scare me and I hate that shit !
Walang paalam na umalis ako don at bumalik sa cabin . Nakaupo lang siya at nakangiti sa akin ng pumasok ako. Agad akong lumapit sa kanya atsaka siya sinampal sa kanyang pisngi. Wala na akong pakialam kung babae siya. Kung totoosin mas sobra pa ang gusto kung ibigay sa kanya !
" Fvck you ?! Saan mo pinadala ang anak ko ?! At bakit mo pinalason si Scarlet !!"
Inis na tanong ko. Tumawa lang siya at pinahid yong konting dugo na pumutok sa gilid ng labi niya.
" Alam kung mamamatay si Scarlet dahil walang kahit na isang gamot ang makakawala sa poison na yon except sa antidote na pangutra don. At yong anak mo ? Isang tawag ko lang mamatay yon "
Sasampalin ko sana siya ulit ng duriin niya ako.
" Sige ! Sige ! Kung gusto mo mamatay agad yong dalawang mahal mo ?!"
Galit na sigaw niya sa akin..sinuntok ko nalang yong pader ! Tangina ! Lumapit naman ito sa akin at hinaplos yong mukha ko habang may ngisi sa mga labi.
" Piliin mo ako Ty. Yon lang. Alam ko namang naglolokohan lang tayo eh. Ano bang mali sa pagmamahal ko sayo ?! Ano ba yong hindi mo makita sa akin ? Ano bang meron ang babaeng yon na wala sa akin ?"
Napatitig lang ako sa kanya habang may nagbabadyang luha sa mga mata niya. " Di naman ito hahantong sa ganito kung ako parin pinili mo eh..."
Tinulak ko naman siya palayo sa akin. " Don't compare yourself to my wife Ellaine dahil kahit kailan hindi na kita mamahalin. If you're asking me kung anong meron sa kanya, kung bakit pati si Terrence ay napa-ibig niya ? Why Liam and Zeke are wanting to find a woman like her ? Easy. Because she's way more better and worth it than you !"
Sinampal naman niya ako and this time ay umiyak na talaga siya.
" She's lovable, kind and true to everyone even to herself. Ikaw ? Nilalamon ka ng mga insecurities mo ! Makasarili ka ! Kung gusto mong may mag-mahal sa iyo tumingin ka sa paligid mo Ellaine ! Maraming nagmamahal sayo ! Mahal ka ni Eliz at Terrence . Mahal ka ng pamilya mo ! So please stop ?"
Nagulat siya sa sinabi ko. Maybe she never expected na malalaman ko yong sekreto nila ng kapatid ko. Umiling naman ito at natawa.
" Terrence never love me. Nakikita niya lang yong babaeng yon kaya masasabi niyang mahal niya ako. And that Eliz ? I don't care about her...sana nga namatay na rin yon eh !"
Hinawakan ko siya sa braso niya at niyogyog.
" Wake up Ellaine ! Nababaliw ka na !"
" Alam ko. So think twice Ty. Mamayang gabi, dito sa cabin..kapag bumalik ka it means pinipili mo ako..papakawalan ko yong dalawa kasabay non aalis tayo...mamumuhay tayo sa malayo at tahimik..magiging masaya tayo "
Tinulak ko siya at umatras.
" Napaka desperada mo !"
Atsaka ako umalis don. Kapag talaga may nangyare sa kanila patawarin sana ako ng panginoon sa magagawa ko.

YOU ARE READING
The Billionaire's Secret Wife - ( COMPLETED)
Teen FictionScarlet Yu is a simple girl. She's willing to do everything just for her sister's sake ! And one day she made a contract with the very famous business tycoon Tyron Zaires. She agreed to be the Billionaire's secret wife with reason. What if they f...