Sa sumunod na araw ay bakante pa rin ako at pa chill-chill lang dahil nandito na naman si Boss. Bali tinutulungan parin kasi ako ni Boss para sa pag manage pero kayang-kaya ko naman yon.
" Boss, I'm going then "
Paalam ko rito. Tumango lang ito and waved his hand at me. Lumabas na ako ng office at napadaan kina Hannah at Zen. Tinawag naman nila ako kaya lumapit ako.
" Saan ka pupunta ?" Tanong ni Zen. " I'm going to visit ate and mother. Bakit ?" Tanong ko pabalik sa kanila.
" Wala. Buti ka pa makakagala ngayon kami ito may tataposin pa" Natawa naman ako sa reklamo nito. Humalukipkip pa si Hannah at umirap. Di kasi sila pwedeng sumama sa akin not to mention na secretary si Hannah at tulungan silang dalawa sa trabaho nito.
" Girls. It's better to stay here baka maging monster si Boss. Atsaka I want to spend time alone with them. " Sabi ko. Bumuntong hininga lang si Hannah at tumango nalang ang mga ito. " So alis na ako. Bye "
Pero bago pa ako makalayo ay tinawag ako ulit ni Hannah. " Mamayang gabi. Yong party, don't forget. " Tumango naman ako dito atsaka ngumiti " I won't. Kita nalang tayo don. "
At lumabas na ako sa kompanya. Tumungo agad ako sa sasakyan ko at pinaharurot agad yon ng makasakay na ako. A minutes later ay nakarating na ako sa bahay na niregalo ko kay ate. Yep. Nakapag-ipon ako kaya yon. Dahil din kay Boss ito, pinaaral niya ako kapalit ng patuloy kong pagtatrabaho. Na obviously ginawa ko naman.
" Anak ! Pasok. Kanina pa ang ate mo na hinahanda yong luto niya !" Masayang salubong ni Inay sa akin. Nagyakapan muna kami bago tuluyang lumakad papuntang kusina.
I saw my sister wearing an apron with a baked cake on her hands. Inilapag niya naman ito habang naka-ngiti sa akin.
" Hey Scarlet..I'm glad you came " Lumapit naman ito agad at niyakap ako. Siya yong nasa hospital na inaalagaan ni Dr.Wang, akala ko talaga pati siya mawawala nong pinadala siya ni Tyron sa ibang bansa at doon ginawa ang heart transplant. Buti nga kinaya niya pa eh. Si Tyron din ang gumastos ng lahat. I really love that man ! Nagulat nalang kasi ako nong matagal na palang siyang may alam sa kaso ng kapatid ko. Hinintay niya pala akong humingi ng tulong na hindi ko naman ginawa kaya siya na mismo ang gumawa ng paraan.
" I promised that I'll visit you if nakauwi na ako " paalala ko naman sa kanya. Napailing nalang ito at hinatak na ako paupo sa upuan. " By the way, May good news ako !"
Masayang sabi niya sa amin. Sinalinan naman ako ni Inay ng pagkain. I mouthed thank you na sinuklian niya lang ako ng ngiti. " What's the good news ate ?"
Tanong ko at nagsimula ng kumain. " Natanggap ako bilang isang model doon sa gusto kong kompanya na pasukan!"
Masayang sabi niya na pati kami ni Inay nagulat sa ibinalita niya. Wow ! Sa kompanya kung saan si Gretzel ay nagta-trabaho din. Maganda kasi yong company na yon dahil ma d-develop talaga yong talents mo. At masaya ako para sa kapatid ko. Ang hirap kayang makapasok don.
" Woah. That's...awesome ! " ang tanging nasabi ko nalang. Niyakap naman siya ni Inay na ngayon ay proud talaga sa na achieve ni Ate. Isa kasi yon sa pangarap niyang makapasok don.
" Yeah ! Next week I'll be starting my training sa ibang bansa. Mamimiss ko kayo !" Natigilan naman si Inay. " Sa ibang bansa ?" Tumango naman si Ate.
" Pwedeng dito nalang ? Ayaw kung malayo sa iyo ulit baka ano na naman ang mangyare --" nagsimula ng manubig ang mga mata niya na agad naman pinutol ni ate ang sasabihin niya para kumalma si Inay. " Ma. You can come with me if you want "
Agad naman itong sumaya kaya tahimik lang ako na nakatingin. Bumaling naman sila sa akin na may pag-aalala. " Paano ka ? Sasama kabang titira do--"
" Nay. I have my life here and its okay with me kung sasama ka kay Ate. I can take care of myself..don't worry. "
Agad kung sabi sa kanya. Tumango nalang ito at nagpatuloy na kami sa pagkain at tinuloy ang kwentuhan sa salas habang nanonood ng movie na isinabak ni Ate sa DVD player. Ito yong moment na di ko pwedeng kalimutan kasama sila. I wish nandito si Itay. Siguro kung hindi namatay si Itay edi sana mas masaya kami ngayon at buo.
Nag vibrate naman yong phone ko kaya napatingin ako dito matapos kung kunin sa bulsa ko. Nag text na si Hannah. Napatingin naman ako sa bintana at pagabi na nga.
" Ahh...Nay at Ate, may event pa pala akong pupuntahan "
Sabi ko sa kanila. Tumingin naman si Ate sa wrist watch niya. " Mga anong oras ba magsisimula ?" Tanong niya habang nakatingin parin sa wrist watch niya. Inalala ko naman yong sinabi ni Hannah nong nakaraan. " Mga 7 ata.." Di ko sure na sagot.
Napatango-tango naman ito habang nakatingin lang sa amin si Inay. " Tumuloy ka na Anak baka ma traffic ka pa.. "
" Mas mabuti pa nga Scarlet, di ka pa naman sigurado sa oras " iling na sabi ni Ate..napakamot nalang ako sa ulo ko. " Sige. Una na ako " paalam ko at niyakap sila. " Sige Ingat sa byahe Scarlet "
" Wag masyadong maglasing anak at umuwi ng maaga " Natawa nalang ako. " sige po "
Kahit kailan talaga si Inay. Tumungo na ako sa kotse ko at pinausad paalis sa bahay ni Ate. May nag text na naman kaya tinignan ko naman ito habang sinusulyapan yong daan. Bumilis yong tibok ng puso ko ng mabasa ko yong registered number sa phone ko. It's Tyron. Di pala siya nag palit ng number.
'Have you receive the dress ? If yes. I want you to wear it this evening and I hope you like it '
Dammit Ty ! Pangalan mo palang kilalang-kilala ka talaga ng puso ko! Binilisan ko nalang ang byahe ko dahil baka nasa condo ko na yong dress na pina delivered niya. Kahit nagtataka ako ay isina-walang bahala ko nalang yong mga tanong sa utak ko.

YOU ARE READING
The Billionaire's Secret Wife - ( COMPLETED)
Teen FictionScarlet Yu is a simple girl. She's willing to do everything just for her sister's sake ! And one day she made a contract with the very famous business tycoon Tyron Zaires. She agreed to be the Billionaire's secret wife with reason. What if they f...