Rex's POV
Di ko maiwasang maawa kay Scarlet. Kung pwede lang sanang sabihin sa kanya lahat para maibsan man lang yong nararamdaman niya edi sana matagal ko ng sinabi. Pero hindi eh, kailangan namin pagkatiwalaan lahat si Tyron para maging successful yong plano.
Para mabuo na nila ulit yong mga nawasak na puso.
FlashBack>>>
Nandito ako sa hotel kung saan naka check-in si Ellaine. Balak ko sanang kausapin siya baka may magbago pa.
Nang makarating ako sa floor kung saan ang room niya ay hinanda ko ang sarili ko. Pero agad akong nagtaka when I saw Ellaine na may kausap sa phone niya at mukhang di pa niya ako napapansin. Seryso siyang nakikipag-usap rito, di ko man marinig yong boses ng kausap niya pero rinig ko naman lahat ang sinabi niya.
" Okay...good-good ! Yes...I want that alive...of course...any machine that make that baby live ....oh yes , incubator.... Just name your price ...thank you bye "
Nagtaka naman ako. Agad akong tumalikod at pasimple na umalis gamit ang Fire exit. I hope di niya ako napansin.
Kinakabahan akong bumalik sa parking lot. Like wtf ?! Ano yong narinig ko ? Incubator ? Baby ?
Nanlamig ako ng unti-unting may bumubuo sa isipan ko. No ! Di naman siguro inutos ni Ellaine na kunin yong fertilized egg sa loob ni Scarlet at palabasin na namatay diba ? Kung tutuo man ang hinala ko kailangan malaman ni Tyron eto .
End of Flashback ...
Narinig ko yon matapos yong ganap sa probinsya. Na confirm ko naman rin yong hinala ko when I saw Terrence na nakilala ko dahil kapatid ito ni Tyron. Magkasama sila at nasa coffee shop. Pumasok din ako ron at nakinig. Gusto ko man magwala don pero pinigilan ko ang sarili ko at nagpasalamat na bubuhayin nila yong anak nila Scarlet.
Sinabi ko rin agad yon kay Tyron at aware ang lahat na nasa paligid ni Scarlet sa nangyayare. Sinabayan nalang ni Tyron yong galaw nila Ellaine at ng kapatid niya dahil takot itong baka mabuntong sa anak yong galit nong dalawa.
At sa ngayon maayos naman ang lahat.
" Ano Rex tapos kana sa kakaisip at kakatulala diyan ? "
I snapped back to reality when I saw the two ladies in front of me. Nakapamewang pa yong babaeng mahal ko habang tinaasan lang ako ni Scarlet ng kilay.
" Mahal kanina kapa namin tinatawag. Nangyayare sayo ? Alam ko namang nagagandahan ka sa amin kaya there's no need to be mesmerized by our looks "
Mahina akong natawa atsaka siya nilapitan at hinalikan sa pisngi. I saw Scarlet na napapailing.
" Nah. I'm hungry that's why I'm thinking something to eat "
Palusot ko. Pinitik niya lang yong noo ko kaya napailing ako. Inaabuso niya talaga ang kabaitan ko. Pasalamat siya mahal ko siya.
" Oh .."
Narinig ko si Scarlet kaya napatingin ako sa kanya na nakaalis na pala sa likod ni Hannah. May hawak itog magazine kaya nagtataka naman kaming dalawa ni Hannah sa kanya.
" What's the matter ?"
Tanong ni Hannah sa kanya. Nagkibit balikat lang ito at pinakita yong magazine habang naka-ngiti. But I saw a glint of pain in her eyes.
" I just saw him in this magazine. I'm happy for him dahil nagkabalikan na pala sila...at sobrang saya niya together with his sons..."
Malungkot na sabi niya. Nagkatingin naman kami ni Hannah. Alam naming lahat na gabi-gabi umiiyak si Scarlet dahil rinig na rinig naman namin. At halata sa mga mata niya yong pagod.
Kung alam mo lang...
Agad niyang nilagok yong isang basong tubig na hawak niya at agad na pumasok ulit sa kwarto niya. I bet iiyak na naman yon.
" Nagi-guilty na ako Mahal. Sabihin na kaya natin sa kanya ? Awang-awa na kasi ako eh.."
Naiiyak na sabi niya sa akin. Ipinatong niya yong ulo niya sa balikat ko habang mahinang humahagolhol. Hinagod ko nalang yong likod nito.
" Shhh...We'll wait for the right time and in the place. Wag nating pangunahan si Tyron. Alam kung ginagawa niya lahat para makakuha ng ebidensya para mapakulong yong si Ellaine..."
" Sana matapos na...gusto ko na kasing makita yong totoong bestdriend ko Mahal. Kasama nga natin siya pero parang nawalan na siya ng buhay. Di na siya yong matapang na babae'ng nakilala ko... She's a delicate person now, it's like matatakot ka na naman masaktan ito dahil baka tuluyan na siyang masira.."
Hinahagod ko lang yong likod niya.
" Let's just pray. Everything will be put into places. Let's just wait..okay ? Naiintindihan mo ba ako ? "
Napatango-tango naman ito kaya niyakap ko ito ng mahigpit. Lahat naman kasi tayo ay apektado sa pamilya nila. Pero ganon naman siguro talaga kapag mahalaga at malapit yong taong yon sayo.
----
Scarlet's POV
Katatapos ko lang ulit sa pagiyak. Natatawa nalang ako dahil kahit di ako nakakapag-focus sa klase naging valedictorian parin ako. Hays.
Tumayo na ako. At nagbihis ng damit. Next week na pala yong balik ko sa pilipinas. Nga pala yong trabaho ko sa DDC ? Patuloy parin naman kami ni Hannah pero through online. Sini send namin yong projects using email or gmail.
Aalis ako ngayon. Gagala ako sa park. Gusto ko libutin yong lugar bago ako makatapak ulit sa pilipinas at ewan ang bansang ito.
Nagpaalam na muna ako sa kanila bago nagsimulang gumala... Matapos akong tumambay sa park ay pumasok ako sa Mall dahil ang init kasi sa labas.
Nag libot-libot at nagtitingin ako sa mga jewelry. May pang baby na bracelets kaya napatingin ako rito. Actually dalawang parehong design nalang yong natira.
" Ah Miss Can I take a look of this ?"
Turo ko sa bracelet na naka print sa brochure.
" Okay sure. Wait for a minute.."
Tumango lang ako at umalis naman siya. Di naman siguro impossible na ipangalan ni Tyron yong mga sinabi niyang baby names sa akin noon kapag nagkaanak kami ng lalaki.
Nagka anak na siya ng lalaki..pero ang masakit ay hindi sa akin nanggaling. Napapangiti ako when I remembered the names he said to me nong pinapapili niya pa ako...
Travis and Tres
If girl naman ako yong nag desisyon noon..sinabi kong .. Samantha or Scyrel lang.
Pero....
Napaka labo...
Sobrang labo mangyare...

YOU ARE READING
The Billionaire's Secret Wife - ( COMPLETED)
Teen FictionScarlet Yu is a simple girl. She's willing to do everything just for her sister's sake ! And one day she made a contract with the very famous business tycoon Tyron Zaires. She agreed to be the Billionaire's secret wife with reason. What if they f...