32

14.6K 280 18
                                    

Saktong pagbalik ko sa bahay namin ay may dumating na isang jeep kung saan kitang-kita ko na nakasakay yong mga pinsan ko. Sa side nila papa. Actually di kami masyadong close sa side nila pero nakakatuwa na nandito sila. Mas close kami sa side ni mama na ngayon ay ilang taon ng di namin nakikita. 


Nagsibabaan naman ang mga sakay ng jeep at nakatingin lang ako. Naka-ngiti yong ibang pinsan ko sa akin pero di ko maiwasan ang makaramdam ng pagka-ilang. 





" H-hello po sa inyo.."





Nahihiyang saad ko. Nakipag beso at nagmano naman ako sa kanila. Asan na ba si Inay ? Dapat siya humarap dito eh ! 





" Laki ng pinag bago ah !"


"Oo nga Neng. Parang ang ganda ng napasukan natin na trabaho ah !" 


I'm expecting this. Napangiti nalang ako. Minamaliit nga nila kami, kaya kami lumubog sa utang dahil ayaw kasi nila kaming pautangin kaya sa iba na natambak yong utang namin. 





" Hello Insan !"


Ngumiti lang ako sa pinsan kung tatlong taon ang agwat sa akin. May pagka OA at Arte silang lahat. Psh. 





" Is this your house na ?" 





Turo niya doon sa bahay namin. Ngumiti naman ako tumango. I saw her rolled eyes and  made a disgusting face.





Naku ! Baka masakal ko ang mga ito. 

Walang pinag bago tsk. 








" Next time medyo palawakin niyo bahay niyo. Ang laki laki ng lupa niyo tapos ang sikip tignan ng bahay niyo " 





Ano bang pinunta nila dito ? Nahihiya ako dahil nandito pa silang lahat at yong iba ay nakatingin lang sa amin.





" My sister's right Scarlet. You have works na so maybe kaya muna diba ---"





"Lilipat naman si Inay sa bahay ko after ng fiesta dito. And please umalis nalang kayo kung puro lait ang gagawin niyo " 





Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad papasok ng bahay. Kung makapanglait akala mo sinong mayayaman. Lumapit ako kay Inay na may kausap sa salas namin. 





" Nay nandito po yong mga side ni papa makikikain !" 


Medyo irita na sabi ko. Nakita ko naman yong pinsan ko na lalaki na mayabang din ang dating. Tumawa lang si Inay ng mahina atsaka sila nilapitan. 





Now what ? Pumasok nalang ako sa kwarto ko at humiga. Dito nalang ako kay sa mabwesit ako ng tuluyan doon. If I know ang pa-plastic nilang mag approah sa amin no ! 


Maya-maya pa ay nakatulog nalang ako sa kwarto ng di ko namamalayan. 


Hannah's POV 





Sa wakas ay natapos rin kami sa paghahanda. Nakahanda narin yong letchon sa lamisa nila dito. Nakahanda nalahat. 





Maya-maya pa ay nagsikain na silang lahat. Kami ni Ma'am Ria at RJ ay nasa salas lang at kumakain din. Yong ibang bisita nasa labas, may upuan rin naman don at mas presko ang hangin. Nag-iingay narin yong videoki na nirentahan nila Dian at Shane. Kanina pa nagkakantahan ang bisita dito sa bahay. 








" Asan nga pala si Scarlet ?" 





Tanong ko. Nag kibit balikat lang sila. Kanina pa yon ah. 


The Billionaire's Secret Wife - ( COMPLETED) Where stories live. Discover now