Chapter 3

32 21 0
                                    

_____________________________________________

"Hoy, gising na.... wake up.....wake uuuuuppppp....." sigaw at alog sakin ni Yale.

"What the...... Ano ba Yale? Can you please shut up and let me sleep?" sabay tulak ko sa kanya. Narinig ko na lang ang paglagabog niya sa sahig.

"Aray ko naman....Pakiusap gumisingka na" sabay alog niya ulit sakin... "Pinapatawag na tayo ng Council".

"What!!!!!!"

"What ka diyan" singhal niya sakin. "Kanina pa po kaya kita ginigising at panay padala ng mensahe ang mga Heads".

Imbis na sagutin ko siya, dali-dali akong pumasok sa banyo at naligo.

Tahimik ang buong Council ng dumating kami. Iginala ko ang buong paningin at nakita kong halos kami na lang pala ang hinihintay. Nang makaupo na kami sa saril naming upuan, nagsimula na ang pagpupulong. Maraming bagay pa ang mga pinag-usapan pero ang tanging bingyan ko ng pansin ay ng sinimulang tinalakay ang mundo ng mga tao. Marami na rin kasing mga Heatherians, Heatherians ang tawag samin, ang nagtangkang pumunta sa mundo ng mga tao at doon na nanirahan at iba naman daw ay doon na binawian ng buhay pero wala pa ring katibayan ang nagpapatunay doon.

"Fierre, Whynd, Yale at Neon".

Nakuha namin ang buong atensyon ng mga Head, Head ang mga tawag sa mga kasapi ng Council, ng isa-isa kaming tinawag ni Head Serin.

Dahil sa mga tingin na ipinupukaw sa amin ni Head Serin bigla akong nagka-ideya na parang may balak silang ipagawa sa amin. Magsasalita na sana ako ng inunahan ako ni Neon.

"Huwag niyong sabihin na balak niyo kaming papuntahin doon sa mundo ng mga tao".

"Ganun na nga Neon" wala sali-salitang binanggit ni Head Marcus. And Head ng Frost Valley.

"Hindi maari, may mga kaakibat
kaming tungkulin dito".

"Pero paano na ang responsibilidad namin dito? Kami ang itinalaga bilang maging Guardians at may nakaatas sa amin na mga tungkulin" sabi naman ni Whynd.

Nanatili akong tahimik habang ang tatlo kong kasama ay nakikipag diskusyon sa mga Heads.

"Alam ko... Hindi dahil sa nais naming kayong papuntahin sa mundo ng mga tao upang makihalubilo sa kanila at ipagpaliban ang mga tungkulin niyo dito kundi ang matuklasan ng isa sa inyo ang kanyang pangalawang kapangyarihan at ikaw ang tinutukoy ko, Fierre" paliwanag ni Head Serin. Si Head Serin ay isang fire elemental at ang namumuno sa Council.

"Pero bakit sa mundo pa ng mga tao. We can help Fierre to know what his secondary power is" sabi ni Yale.

"Hindi na mababago pa ang desisyon ng buong Council"sabi naman ni Head Psypher.

"Kung ganun, kailan kami aalis?" Biglang sambit ko.

"Sa lalong madaling panahon".

"Pwedeng ngayon na" sabi ni Yale.

*Pak*

"Aray!!!" sigaw ni Yale.

"Tumahimik ka" sabay naming tatlo.
He just pout his lips.

"Yuuck..." sabi ni Whynd.

"It doesn't suits you" dagdag ni Neon.

"Tssssskkkk..."

Pagkatapos ng pagpupulong ay lumabas agad kami ng biglang.......

"Aaaaaaaaaahhhhhhhhh......Hahahahahahahha".

Napatakip kami ng aming tainga dahil sa biglang pagsigaw ni Yale. Ay mali pala, hindi ang sigawang ginawa niya kundi tumawa pa siya ng mala demonyo at ang mas nakakahiya pa ay halos layuan kami ng mga tao.

"Hindi po namin siya kilala:" sabay taas ng kanyang dalawang kamay habang ginagalaw ito na ipinapahiwatig na itinatanggi niya ang kanyang sariling kakambal. "Kayong dalawa kilala niyo siya", sabay turo at baling niya samin ni Whynd. Sinakyan n lang namin ang trip ni Neon.

"Hindi rin" sabi ko.

"Takas siguro galing kawalan" dagdag ni Whynd..

"I think he's crazy" sabi ni Neon.

"No, he's lunatic" sabi naman ni Whynd.

"No, a psycho" dagdag ko.

"Hoy..hoy.. anong pinagsasabi niyo hindi ako ba....liiiw".

"Really??".

"Are you sure?"

"Sigurado ka ba talaga?"

"Alam niyo hindi ko alam kong kaibigan ko ba kayong dalawa " sabay turo sa aming dalawa. "O kapatid ba talaga kita Neon?"

"Nagtataka nga ako kung bakit naging kapatid kita. hindi naman sintu-sinto sia mama at papa. Pero alam mo Kuya Yale" sabay akbay niya kay Yale. "Malapit na kitang itakwil".

"Ano!!!!??? Ang sama mo".

"Pero sa totoo ang Yale, tama si Neon, iginagalang ng lahat ang
mga magulang mo pero bakit ikaw ", sabay turo ko sa kanya.

"Hindi naman kagalang-galang" dagdag ni Whynd.

"Ang sama niyo...waaaaaahhhhhh.......ang sakit sakit dito" sabay turo niya sa kanyang dibdib. " You're hurting me physically ..." bigla niyang ginawang tambol ang kanyang dibdib. ".....and emotionally".

"He's totally a crazy" sabi ko.

"No, a lunatic" sabi naman ni Whynd.

"Nope, a psycho" sabi naman ni Neon.

"Better!!!!" sabay-sabay naming tatlo at bigla kaming nag-apiran.

"Pwede ba tama na, ah. Itinuturing ko kayong kapatid, eh ba't parang iba ang pagturing niyo sakin"

"Ikaw na mismo ang nagsabi na you treat us like your own brother" sabi ni Whynd.

"Kaya nga kami nagpapakatotoo" dagdag ni Neon.

"It is better to say hurtful words than feed you all lies" usal ko.

"Oo na, oo na. You won okay. In the end ako naman lagi ang talo...."

"Kuya Yale!!"

"Hoy!!!! Huwag mo nga akong matawag na kuya, 30 seconds lang naman ang pagitan natin, Neon"

"Kahit anong anggulo mas matanda ka sakin, cut that na ikaw ang pinakamatanda sa ating apat"

"Fine, ako na angg matanda..... Okay na"

"Hahahahaha...." sabay-sabay naming tawa.

"Pssssshhh.... Ngayon pinagtatawanan niyo ko. So..."

"So???"

"Ako ang nakatatanda kaya sundin niyo ako"

"Okay" sabay naming sabi.

"Kailangan na nating mag-impake"

"Ngayon na???" biglang tanong ni Whynd.

"Opo, kaya tara na. Hala!!! Sige Ariva!!!" sabay kembot niya.

"Anong lenggwahe 'yun?" tanong ni Whynd.

"Wala na talagang pag-asa hindi na kailanman natin siya mababago" sabay iling naming tatlo.

"Susubukan kong kausapin sila mama kung ano ba talaga ang ginawa nila diyan. Minsan ay este madalas ko pa lang naiisip kung kakambal ko ba talaga 'yan" biglang sabi ni Neon. Tango na lang ang naging sagot naming ni Whynd.

Sinundan namin si Yale papunta sa bahay at ng makarating ay kanya-kanyang pasok sa kwarto. Sa kabia ng anunsyo ng pag-alis namin upang tumira sa mundo ng mga tao imbis na kami ay mangamba ay parang mas lalo pa kaming ginanahan. I can't wait to see what kind of planet, the Earth is?

________________________________________

Please vote and comment...

I Fell In love With A Hot AlienWhere stories live. Discover now