Chapter 13

1 1 0
                                    

May 22, 2018

Cisum's POV

Nandito kami ngayon sa hospital at halos dalawang Linggo na naming di nakikita sila Fierre pero hindi naman napuputol ang komunikasyon naming tatlo sa kanila. Nandito kkami ngayon para bisitahin si Ionne, nandito na siya dalawang Linggo ang nakalilipas. Sabi kasi ng doktor hindi na gaano kinakaya ng katawan niya ang mga sessions na isinagawa nila kay Ionne tuwing gabi pero hanggang ngayon hindi pa rin nila tukoy kung ano talaga ang sakit niya at sa kasamaang palad wala ng maaaring gamot ang makakapagpagaling sa kanya. Hindi rin namin masabi kay Fierre kung anong sitwasyon ni Ionne ngayon ....pero si Ionne mismo ang nakiusap sa amin na huwag na munang sabihin. Alam namin kung gaano kahalaga sa kanya si Fierre at ayaw rin niyang mahirapan si Fierre katulad ng paghihirap na nararanasan niya ngayon. I understand her at alam kung hindi ang pagkagusto ang nararamadaman niya para kay Fierre kundi she really love that man.

Naabutan naming si Ionne na mahimbing na natutulog at tila wala siyang karamdaman. I miss my cheerful and innocent bestfriend. I know na malalampasan mo rin 'to.
Napansin namin ni Loiuese ang dahan-dahang pagbukas ng pinto at tumambad sa amin ang taong pilit naming itinatago sa kanya ang katotohnan.

Fierre's POV

Nakita ko ang sasakyan nila Cisum at Louiese na tila nagmamadali sila kaya nagpasya akong sundan sila. Galing ako sa bahay nila Ionne para kamustahin siya pero sabi ng kasambahay nila ay wala sya roon at halos dalawang Linggo ng hindi umuuwi. Habang binabaybay ko ang daan hindi ko maiwasn na di kabahan, nakita kong lumiko sila sa may hospital.

Bago ako pumasok, pinarada ko muna ang sasakyn kung saan malayo sa sasakyan nila. Pagkapasok ko sa hospital, nakita kong pumasok sila sa isang kwarto, nang nasa harapan na ako tumindi pa lalo ang kabang nararamdaman ko. Pinihit ko ang doorknob at nakita sila Cisum at Louiese na nabigla sa pagdating ko. Hindi ko gaano nakikita ang taong nakahiga subalit tila kabog na lamang ng dibdib ko ang naririnig ko, hindi ko na naririnig ang mga sinasabi nila Cisum sa akin. Nabigla ako sa nakita ko, nakita ko ang isang taong matagal ko ng hinihintay na makita. Narinig ko na lang ang paghingi ng tawad nila Cisum at Louiese. Imbis na dumiretso ako sa tabi ni Ionne ay dali-dali ako lumabas ng hospital at pumunta sa likod nito at doon ako sa garden napunta, doon ko ibinuhos lahat, doon ako umiyak. Napansin ko ang isang ibon na naghihingalo na, lumapit ako at kinuha ko ito. Makalipas ang ilang minuto, nabigla na lamang ako ng bigla itong lumipad at tila wala na syang sakit na nararamdaman.

Pagkatapos ng pangyayaring yun ay agad akong umuwi ng bahay at dire-diretsong pumunta sa isng silid kung saan nandoon ang portal, papunta sa mundo namin.

I Fell In love With A Hot AlienWhere stories live. Discover now