May 21, 2018
Mabilis ang pagdaan ng mga araw pero hindi pa rin nagbabago ang pagtingin ko sa kanya. Ngayong araw na 'to ay naghahanda kami ng sorpresa para sa darating na kaarawan niya, I want everything special for her.
"Bro, everything we're all settle.... Siguro naman ay maaari ka na
niyan makapag-relax..." sabi ni Neon."Syempre kami rin" sabay inat-inat ng kamay si Yale dahil ang matulungin kong kakambal ay ayun natutulog sa ilalim ng mesa kulang na lang kabaong, bulaklak at kandila....Ang sama ko bang kakambal... hahaha
"Sige..." sabi ko.
Nang matapos naming ligpitin ang lahat ng mga ginawa at kalat namin ay pumasok agad ako sa kwarto. Umupo ako sa kama at tingnan ko ang isang rosas ng ginawa ni Yale gawa mismo sa kapangyarihan niya, ipinorma niya itong rosas at sa loob nito ay may apoy na galing mismo sa akin. Nung una, nahirapan kaming gawin sya dahil sa tuwing ilalagay na namin ang apoy ay unti-unting natutunaw ang yelo kaya ilang beses na rin kami umulit. Sa totoo lang, suggestion yan ng dalawang kaibigan ni Ionne. Speaking of them, halos magdadalawang Linggo na silang di ko nakikita at pati na rin si Ionne pero hindi pa rin nawawala ang komunikasyon namin sa kanila. Kung tatanungin kaming dalawa ni Ionne, maayos naman kami and I started to court her.
"Hey, Zether...ano na kaya ginagawa ng amo mo?" Mukha tuloy akong tanga kausap yung tigreng inaalagan ni Ionne. Since naging close na kami pinaubaya na nya sakin ' to.
Haaaaayyyy.... kailangan ko na sigurong magpahinga Kung anu- ano na lang Kasi Ang iniisip ko.
YOU ARE READING
I Fell In love With A Hot Alien
Fanfiction"A star shine, a star bright That shines brighter at the night There is light, there is gloom There is gloom, there is light A star's shine fade, a star's bright die A star says goodbye..." "A star will never say goodbye. A star will be a star even...