Chapter 14

1 1 0
                                    

May 24, 2018

Louiese's POV

Dalawang araw na ang nakakalipas ng huli naming makita si Fierre, hindi rin namin matawagan ang cellphone ni Fierre, maging ang tatlo niyang kasama ay hindi alam kung nasaan siya at alam na rin nila kung ano na ang sitwasyon ni Ionne. Simula ng umalis si Fierre ay saka naman ang paggising ni Ionne. Kinausap naming si Ionne tungkol sa biglang pagpunta ni Fierre. Nakita ko ang lungkot na bumalatay sa kanyang mukha at nararamdaman namin ni Cisum na sinisisi niya kung bakit hanggang ngayon walang Fierre na napapakita.

"Cisum, Louiese" biglang sabi niya. "I'm sorry, guys"

"For?" tanong ni Cisum.

"Not staying with you, forever" sinasabi niya ito habang pinipigilan ang nagbabadyang tumulo ng anyang mga luha.

"Ionne..." sabi ko.

"Ang sabi ng doktor hindi na daw kaya ng katawan ko ang lahat ng ibinibigay nila sakin pero kung titingnan naman ang katawan wala pa rin namang nagbabago...hahaha..." pagak n tawa niya. "At ang resulta nun hindi na daw ako magtatagal pero ang mas nakakainis pa sa mismong birthday pa ko mawawala kung saan balak ko siyang sagutin" kasabay nito ay tuluyan ng kumuwala ang kanyang luha na kanina pang nagbabadyang tumulo.

Agad kaming lmapit at yinakap siya, 'yun lang ang tangi naming magagawa. We want her to stay not to leave us. Naiinis ako sa sarili ko kung bakit wala ako magawa para madgdagan pa ang kanyang buhay. Ionnne is like my younger sister to me. Ngayon pa na nahanap na niya ang taong makakasama niya habangbuhay. Naging masaya kami ng malaman naming na si Fierre is starting to court my bestfriend at doon ko rin nakita kung gaano siya kasaya sa tuwing kasama niya ito. They build their own happy memories with each other pero ang mas masakit lang kung saan masaya ka na doon pa dadating ang problema.

Fierre's POV

Nakabalik na ako sa mundo ng mga tao at imbis na dumito muna ako sa bahay ay lumabas at pumunta sa hospital. Gabi na ako ng makarating sa kwarto niya, naabutan kong may kung ano-anong bagay silang ginawa at nakita ko siyang halos saktan na niya ang kanyang sarili. Ngayon ko lang siya nakitang ganito, sa kabila ng mga ngiti at tawa na ipinapakita niya kapalit naman nita ang lungkot at sakit na nararanasan niya. Ayokong nakikita siya ng ganito, sa bawat palahaw at iyak niya, doble ang sakit na nararamdaman ko. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang kanyang kamay.

"I'm sorry" the only words that I can say. The last thing I knew I started to cry. "Don't worry, My Star.... You will never feel the pain anymore" sabi ko sa isip ko.... At kasabay nito ay ang unti-unti na niyang isinara ang kanyang mga mata.

I Fell In love With A Hot AlienWhere stories live. Discover now