Xennon’s POV
---Flashback---
Halos magdadalawang buwan na ako dito sa mundo ng mga tao at galing pa ako sa mundo namin, ang Heather Planet. Mababait ang mga tao ,masayahin pero sadyang maingay lang talaga katulad na lang ng ginagamit nilang sasakyan. Nakakabagot talaga dito sa bahay na tinitirhan ko dahil sa mag-isa lang talaga ako kaya ang ginawa ko pinalabas ko ang aking kapangyarihan ng may marinig ako ng mga ingay na galing sa may bintana kaya agad-agad kong pinalaho ang liwanag at dali-dali akong lumabas para tingnan, mahirap na at baka di pa ako sa mundo ng mga tao mamamatay. Nabigla ako ng makita ko ang tatlong batang babae na tuwang-tuwa na makita ako.
“Anong gingawa niyo dito?”
“May powers po kayo?” imbis na ako ang sagutin, ako pa ‘yung tinanong.
"Tsk..tsk..tsk....mga bata nga naman" Sabi ko na lang sa isip ko.
“Oo” simpleng sagot ko at tsaka bata pa sila, baka makalimutan na
nila ng....... bigla akong itulak nung batang may dalang aso at dire-diretsong pumasok sa loob ng bahay at saka niya ibinaba ang aso ng makarating siya sa may sofa at doon pumanhik at tumalon-talon.“Dette, ang lambot ng sofa niya. Pumasok ka na.....daliiii.....hihihihi” sabi nung batang may dalang aso. Pumasok ang bata na siguro siya ay si Dette.
“Ano pong pangalan niyo?” sabi nung isa pang bata habang sinusubo niya ang pagkain na…
“Marshmallow po ‘to… gusto nyo po… teka po kukuha ako ng isa ta tikman niyo”
“Mind reader ba ‘to” sabi ko sa isip ko.
“Hindi po ako mind reader …. Sadya po talagang nakatitig kayo sa kinakain ko…ahhh... heto po… oh... tikman niyo?” sabay abot niya sa aking kamay at sinenyasan ako na isubo na.
“Uhmmm… Ako po pala si Ionne, yun pong may dalang tuta ay si Cisum at ‘yung isa po na nagtanong sa inyo kung may powers po kayo ay si Dette o Louiese po bahala po kayo kung ano ang tawag nyo sa kanya.
“Ang cute niyang tingnan…. Maaari ko kaya syang isama sa mundo namin” sabi ko sa isip ko habang tumatango.
“Huwag nyo po sana akong isama sa mundo niyo. Kung nagtataka po kayo sadya at masyadong obvious po kayo. Pero po hindi pa po kayo nagpapakilala”
“I’m Xennon…. Xennon Zeinne from Heather Planet”
---End of flashback---
Cisum’s POV
“Ahhhhhh… ganun pala ‘yun” sabi ni Yale at tinanguhan naman ng tatlo pa niyang kaibigan.
“At tsaka Tito Xennon, don’t lie to us, they are not your sons” sabi ni Ionne at sabay turo ko sa kanilang apat."Ionne talaga, oh" Sabi na lang ng isip....Iba ng klase ba naman talagang babae 'to. Minsan na nga lang magsalita, sobrang prangka ba naman niya.
“Hahahaha… hindi ka pa rin talaga nagbabago, Ionne” sabi ni Tito Xennon.
Ngiti na lang ang isinukli ni Ionne ng biglang tumunog ang cellphone nya.
🎶Binnaneun geotteureun mana
Geu ane jinjjareul bwa bwa
Call me baby, call me baby (oh)
Call me baby, call me baby
(You know my name girl)
Neol hyanghae keojeo gan mama
Neo malgon geu muneul dada
(You know I'm here girl)
Call me baby, call me baby
Call me baby, call me baby
Myeot beonirado call me girl🎶
YOU ARE READING
I Fell In love With A Hot Alien
Fiksi Penggemar"A star shine, a star bright That shines brighter at the night There is light, there is gloom There is gloom, there is light A star's shine fade, a star's bright die A star says goodbye..." "A star will never say goodbye. A star will be a star even...