KULANG ang salitang galit sa nararamdaman ni Joey habang nakatunghay siya sa nakaratay na katawan ni Aiden sa hospital bed. Galit na galit siya sa binata.
He hid everything about his illness. Mayroon pala itong tumor sa utak. Ilang beses itong pinilit ng mga magulang nito na magpagamot pero ayaw nito. And she hated him for that.
Hindi ba nito alam kung ano ang mararamdaman niya kung sakaling mawala ito sa kanya? Hindi ba nito alam kung ano ang mangyayari sa kanya kung mamamatay ito?
Hindi siya mamatay. Hindi ako papayag. Galit niyang sigaw sa isip. Iniwas na lang niya ang mata mula sa binata at lumayo na lamang rito.
She watched the hustle bustle of the people around the hospital's parking lot from the room's window pero wala roon ang kanyang isip. She was more occupied of the things she would said to Aiden when he woke up.
Gusto ni Joey na isumbat kay Aiden ang lahat ng pagtatago nito. Gusto niyang saktan ito sa ginagawa nito sa kanya. At ayaw man niyang isipin, alam niyang hindi na magtatagal si Aiden sa mundo.
“Damn it, Den, why are you doing this to me?” lumuluha na niyang saad.
“I’m sorry.”
Ang tinig na iyon ang marahas na nakapagpalingon sa kanya. Ganoon na lamang ang daisdis ng luha sa kanyang mukha nang malingunan ang nobyo. Her tall and handsome prince was now laying and dying.
Kagat labing pinagmasdan na lang niya ito. Holding back the tears but try as she may, patuloy pa rin ang pag-agos ng luha niya.
“I’m sorry to give this as a present, love.” paos na saad nito. “Sinadya kong itago sa 'yo ang sakit ko dahil alam kong masasaktan ka lang kapag nalaman mo. But I forgot na masasaktan ka din kung itatago ko sa 'yo tapos bigla na lang ako mawawala. And I’m sorry to hurt you like this, love.” Mahaba at hirap na saad nito.
Dahan-dahan siyang lumapit rito at inabot ang kamay nitong nag-aantay sa kanya. “Sshh, you know I hate you now for making me feel this way. But I love you too much to hate you. Pero gusto kong maintindihan, Den. Gusto kong malaman bakit hindi ka nagpagamot? Bakit hinayaan mong lumala ‘to ng ganito?”
Pinilit na bumangon ng binata pero pinigilan niya ito. Bahagya lang itong tumawa bago ito nagsimula. “I just promised myself na dapat lagi akonh handa kung sakaling kuhain ako ng Diyos. I won’t struggle to extend my life. I surrendered my life to him after I met you.” Anito bago nito inabot ang mukha ni Joey.
“If I stayed away will you let them extend your life?” aniya at pikit matang isinandal ang mukha sa malamig na palad nito. “Will you?” ulit niya ng hindi sumagot.
“No.”
“Why?!” lalong napaiyak na saad niya.
“Because meeting you was my greatest wish.” She heard a smile when he said that. “Nang makilala kita, nagpasalamat ako. Nang maging akin ka, that was the time when I surrendered my life to him. Nakuha ko na ang lahat ng gusto ko sa buhay. Ika nga nila, tapos ko na ang misyon ko sa buhay.” He chuckled again.
“Hindi ka pa tapos,” napamulat niyang saad. “kailangan mo pa akong alagaan. Kailangan mo pa akong bantayan. Kailangan pa kita.”
Ngumiti lang ang binata bago bahagyang umurong at tinapik ang tabi nito. “Halika nga rito.”
She didn’t say anything nagmadali pa siyang tumabi rito at nagpakulong sa mga bisig nito.
“You don’t need me anymore, love. Malakas ka na. Kaya mo nang mag-isa. Kung hindi man, kailangan kayanin mo dahil hindi na kita kayang bantayan.”
Naramdaman niya ang mumunting halik na idinadampi nito sa kanyang ulunan. Naramdaman din niya ang paghigpit ng yakap nito.
“I love you, Joey Clarisse. If I could, I’ll marry you but I can’t. At ayokong itali ka sa akin pagkatapos ay iiwan rin kita sa banding huli,” bulong nito sa kanya.“Nakatali na ako sa 'yo, Aiden Allen. Matagal na,” ganting bulong niya rito at hinarap ito. “and I don’t have any intention of letting go.”
“Then I will,” malungkot nitong saad bago sinakop nito ang kanyang labi. “I love you, Joey Clarisse. Please live your life for me. For your future.”
She didn’t answer to what he said. She just kissed him until they were out of breath.
And still, he didn’t stay.
BINABASA MO ANG
[Completed] What Part of Forever?
RomanceWhen Aiden died, Joey thought she died with him. Until she saw him again...Pero ang kakambal pala iyon ni Aiden na si Aidan. Okay lang naman sana sa kanya na palagi itong nasa paligid pero ang makasama ito sa buong durasyon ng pagluluksa niya ay hi...