ALAM ni Joey na nasa isang panaginip lang siya. Dahil impossibleng mapunta siya sa ganoong lugar.
Ang huli kasi niyang alam ay nasa loob siya ng sasakyan ni Aidan at sa pagmulat niya ay nakatayo na siya sa isang mahabang kalsada.
Sa sobrang haba ng kalsada ay hindi niya matanaw kung ano ang tinutumbok niyon. Mapuno naman sa magkabilang gilid ng kalsada. Tanging kadiliman din lang sasalubong ka kaibuturan ng kagubatan kaya marahil wala ring tao.
Sa lawak ng kagubatan, kahit isang huni ng ibon ay wala siyang marinig. Sa sobrang tahimik, nagsisimula na siyang makaramdam ng takot.
Naramdaman na niya ang ganitong takot noon. Nangyari iyon sa kanya nang mamatay ang kanyang mga magulang. at naulit na naman ngayon.
Dahil ba sa pagkawala ni Aiden? Probably. O baka naman daan na iyon sa lugar kung nasaan ang magulang niya at si Aiden.
She started to run. Kung saan patungo hindi niya alam. Basta ang gusto niya ay matagpuan kahit isang tao para malaman lang niyang hindi siya nag-iisa.
And there he was.
Kahit malayo ay kilala niya ang tayo at ngiti na iyon. She struggled to run faster pero ang ipinagtataka niya, himbis na lumiit ang distansya nilang dalawa mas lalo pa siyang lunayo. Papalayo nang palayo si Aiden sa kanya.
"Den! Wait! Hintayin mo ako!" sigaw niya sa binata pero walang tinig na lumabas sa kanyang lalamunan.
She knew he heard her dahil ang nakabukang mga braso nito ay bumagsak sa magkabilang gilid bago ito kumaway sa kanya.
Was he saying his goodbye? Siguro nga dahil na rin sa malungkot na ngiti nito at pagtalikod nito sa kanya bago naglakad na palayo.
Lalo tuloy nataranta si Joey. Lalo tuloy niyang pinag-igi ang pagtakbo pero kung ano ang bilis ng takbo niya iyon din ang bilis ng paglayo ni Aiden hanggang sa mawala na ito sa paningin niya.
Doon na tumulo ang luha niya.
She screamed his name. She screamed everyone's name pero walang lumapit sa kanya. She felt so hopeless. So alone.Kaya himbis na maglakad muli mas ninais na lang niyang tumayo roon. Hindi na nga niya napansin na tila isa siyang kandila na naupos. Naramdaman na lamang niya ang malamig na kalsada at ang mainit na basa sa kanyang pisngi.
Nasa ganoong posisyon siya nang may mainit na palad na humawak sa kanyang balikat. Hanggang sa maramdaman niya ang init ng katawan nito.
Ayaw niyang imulat ang mga mata at ayaw niyang tingnan ang nagmamay-ari ng init. Ayaw niyang makita dahil baka pati iyon ay mawala rin tulad ng nangyari kay Aiden kanina.
"Joey," anang ng baritono ngunit malamyos na tinig nito. "open your eyes." udyok pa nito.
Nang hindi niya iyon buksan, noon niya naramdaman ang pagdampi ng mainit na labi nito sa talukap ng kanyang mata habang patuloy na sinasabi na buksan niya ang kanyang mata.
It took a while befote she opened her eyes and when she did, she couldn't believe her eyes. Si Aiden!
"Den?" may pagtatakang saad niya rito.
Ngumiti naman ito bago muling idinampi ang labi sa kanyang noo. "Hindi ako si Aiden, Joey. Si Aidan ako."
Oo nga pala. May kapatid si Aiden at hindi lang kapatid kundi kakambal pa. Kaya dapat hindi na siya nagulat na maging kamukha ito ni Aiden.
Marahan niyang inihilig ang ulo sa dibdib nito. Ang takot niya kanina ay tila lumipad na tila isang ibon. Ang kanyang alalahanin ay nawalang parang bula.
"'Wag mo akong iiwan, ha?" aniya rito. "Dito ka lang sa tabi ko." Patuloy pa niya.
Narinig niyang tumawa ito. "Hanggang sa kailangan mo ako. Hangga't gusto mong andito lang ako sa tabi mo." bulong nito.
"Promise?"
"Pangako."
Naramdaman niya ang paghalik nito sa kanyang ulo at paghigpit pa ng yakap nito sa kanya. And she felt so cared. Cherished. Loved.
The last tine she felt that was when she was with Aiden. Ayaw mn niyang maramdaman pero ganoon ang ibinibigay ng mga yakap at presensya ni Aidan. Maybe because he was Aiden's twin. Or maybe because it was different.
Hindi na niya nagawa pang pag-isipan pa uli dahil muli na naman niyang narinig ang pamilyar na musika. Iyon na ang ikalawang beses na narinig niya iyon kapag nasa panaginip siya. Mula rin noon hanggang ngayon ay iisa ang epekto niyon sa kanya, nagiging kalmado ang kaluluwa at puso niya.
Nawala sa musikang tumutugtog ang atensyon niya dahil ramdam niyang hindi siya nag-iisa. At hindi na kailanman. Lalo pa niyang isinubsob ang mukha sa dibdib ni Aidan at dinama ang init na nagmumula rito.
And hoped that it was not just a dream.
BINABASA MO ANG
[Completed] What Part of Forever?
RomanceWhen Aiden died, Joey thought she died with him. Until she saw him again...Pero ang kakambal pala iyon ni Aiden na si Aidan. Okay lang naman sana sa kanya na palagi itong nasa paligid pero ang makasama ito sa buong durasyon ng pagluluksa niya ay hi...