"HOY!"
Napabalikwas ng upo si Joey nang marinig niya ang biglang pagsigaw na iyon ni Hanna. Nakatambay kasi sila noon sa bahay niya. Pinapunta niya ang mga kaibigan dahil nabobore na siya sa bahay niya.
Hindi siya makapunta sa bookstore dahil naalala niya ang simpleng pagsulpot-sulpot roon ni Aid. Hindi rin siya makapaglakbay kung saan-saan dahil si Aidan ang nakikita niya. Kaya nagkukulong siya ngayon sa bahay dahil iyon lang yata ang tanging lugar na hindi pa na-invade ni Aid.
"Bakla ka ng taon, papupuntahin mo kami rito tapos tititigan mo lang kami?" yamot na saad ni Hanna.
"Pabayaan mo nga s'ya," awat naman ni Karen dito. "pakialam mo kung nag-eemote s'ya?"
"May paki ako, kasi mas malala s'ya kaysa noong namatay si Den." himutok ni Hannah. "Ano ka ba naman, girl? Mahal mo ba talaga si Aid kaya ka nagkakaganyan?" baling nito sa kanya.
"Yata. Siguro." walang ganang saad niya rito.
Para kasing nawala ang buong buhay ni Joey nang bigla na lang mawala si Aidan. Kung dati ay namatay lang siya sa pagkawala ni Aiden. Ngayon, para siyang may malubhang sakit na unti-unting pinapatay. Mas masakit dahil unti-unti niyang nararamdaman ang hapdi at hirap.
"O, tingnan mo, tulala na naman," pumalatak na saad ni Hanna.
"Ikaw ba naman ang mawalan ng love sa loob lang ng halos tatlong buwan. Hindi ka ba matutulala?" malungkot na saad naman ni Bim.
Sabay-sabay naman silang napabuntong hininga sa sinabing iyon ng kaibigan. Para kasing ang hirap nga naman noon.
Yah. You love and lost. You fought tapos iiwan ka na naman. Buhay pag-ibig, ang hirap 'no?
Napahinga na naman siya ng malalim. Para kasing may malaking butas at kulang sa pagkatao niya. At hindi iyon mawala-wala.
"Mahal mo ba si Aid?" biglang saad ni Hanna. "Kung mahal mo si Aid, paano na si Den?"
"Mahal ko siya. Mahal na mahal," malungkot na sagot ni Joey. "But I realized na wala na siya dito. Mahal ko siya and he would always stay here," pagturo pa niya sa dibdib. "But it's al in the past. Wala na siya sa present ko at maging sa future ko."
"Anong gagawin mo kung biglang sumulpot si Aid?" napapangiting saad ng kaibigan.
"Yayakapin ko siya ng mahigpit na mahigpit," napapangiti na rin niyang saad. "kung pwede ko lang siyang itali sa sarili ko gagawin ko. 'Wag lang ulit siyang mawala."
"Ibig bang sabihin n'yan, nakikita mo si Aid sa present at future mo?"
Saglit na natahimik si Joey bago bahagyang napangiti. "Siguro. Oo. Ewan. Basta ang alam ko, gusto kong nandiyan siya sa tabi ko."
"Talaga?" nakangisi ng saad na kaibigan. Napangiti na rin lang siya rito dahil alam niyang kinikilig na naman ito sa mga sinasabi niya.
"Oo nga."
"Aid narinig mo 'yon ha? May dala ka bang tali diyan?"
Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang sundan niya nang tingin ang kausap ng kaibigan.
"Wala akong tali pero okay na bang ipasok ko na lang siya sa loob ng damit ko?" Malapad ang ngititing saad ni Aid habang ibinuka na nga nito ang T-shirt.
Nababaliw na yata siya para makita niyang nakatayo sa harap nila si Aid. Kampanteng nakatayo sa pintuan ng backdoor ng bahay niya. Looking so damn handsome. Medyo bumagsak nga lang ang katawan nito nevertheless guwapo pa rin ito.
"A-anong ginagawa m-mo rito?" nautal niyang saad. Lalo pang nagwala ang mga cell niya sa katawan nang ngumiti ito. The smile she loved so much. The smile that she missed so much.
"Hindi ba pwedeng dalawin kita?" anito. At bago pa siya nakasagot, nahatak na siya nito patayo at nakapaloob na siya sa mga bisig nito.
"I missed you. So much," bulong nito. Naramdaman din niya ang pagdampi ng labi nito sa kanyang buhok.
"I missed you, too," ganting saad niya rito. As if it was the most natural thing to do.
Bahagya naman siyang inilayo nito and looking at his face was heaven. Ang masakit sa dibdib niya ay naglaho. She felt so safe again. She felt so light.
Inihilig ni Joey ang ulo niya sa palad ni Aid nang haplusin ng binata ang kanyang mukha. Nang maramdaman niya ang hininga nito sa mukha niya ay saka lamang niya iminulat ang mga mata.
His face was too close for comfort but she didn't mind. Sa halip ay muling ipinikit ang mata at inantay na dumampi ang labi ng binata sa kanya.
Hindi naman siya nabigo.
The moment his lips touched hers, it was something that she can't explain. Kung pwedeng i-rate ang naramdaman niya baka abutin siya ng siyam-siyam. Dahil habang tumatagal na magkalapat ang labi nila ay mas lalong tumataas ang rating niya.
Ramdam na ramdam niya sa halik at yakap nito kung gaano kalaki ang pangungulila nito sa kanya. She answered his hugs and kisses the same impact. She missed him. She longed for him and she loves him.
Parehas nilang habol ang hininga ng maghiwalay ang kanilang labi. Pinagdikit nito ang kanilang noo habang hawak pa rin nito ang kanyang mukha.
"God, I miss you," bulong nito at muling dinampian ng halik ang kanyang labi.
"Bakit ka nawala?" sumbat niya rito. "Saan ka nagpunta? Bakit mo ako iniwan? May kasalanan ba ako para iwan mo ako?" paglalabas niya ng mga naipon niyang tanong at saloobin.
Narinig naman niya ang bahagyang pagtawa nito bago muli pa siyang hinalikan. Bahagya siyang inilayo nito para lang ikulong sa mga bisig nito.
"I'm sorry," bulong nito sa kanyang ulunan. "mahabang istorya. But I'm here now. I'll make it up to you. And I won't leave you until you said so. I'll stay until you don't need me." Sabay halik nito sa kanyang bumbunan.
"I'll cling into that," nakangiti na niyang saad.
By those simple words she felt alive again.
BINABASA MO ANG
[Completed] What Part of Forever?
RomanceWhen Aiden died, Joey thought she died with him. Until she saw him again...Pero ang kakambal pala iyon ni Aiden na si Aidan. Okay lang naman sana sa kanya na palagi itong nasa paligid pero ang makasama ito sa buong durasyon ng pagluluksa niya ay hi...