Seventeen

1.3K 43 0
                                    

NAPAPANGITING inilibot ni Joey ang mata niya sa musoleo ng mga Escudero. Tatlong puntod lang ang naroroon. Sa patriarka at matriarka ng pamilya Escudero at kay Aiden.

Nakangiti pa rin siya ng haplusin niya ang lapida ni Aiden. “Ang laki ng bahay mo ngayon, ah. Pero mas malaki pa rin bahay n'yo,” kausap niya sa puntod nito. “pero mas gusto mo d'yan, ‘no? You might have stayed kung ayaw mo, 'di ba?”

Muli niyang inilibot ang paningin. Ang buong musoleo ay napakalaki na pwede ng tirahan ng kahit dalawang middle class na pamilya. Sabi ni Aiden sa kanya noon, nakahanda na raw iyon para sa buong angkan nito.

Noong una ay hindi siya makapaniwala sa sinabi nito pero ngayon, nakikita niyang mas madaling tanggapin ng pamilya nito na sooner or later ay may mamatay rin sa kanila. Na mamatay sila at kailangan nila ng lugar at nakahanda na nga iyon.

“Nakahanda na nga. Kaya nga kinuha mo na kagad ang pwesto mo. Akala mo naman may aagaw. Sa laki nito, natatakot ka pang maagawan?” She chuckled and sat beside Aiden’s grave. “Bakit ba kasi umalis ka kaagad? Nahihirapan kasi ako, Den. If you were here I know you can answer every question I have.

“Hindi ko alam ang gagawin ko, Den.” Mariin niyang ipinikit ang mga mata at isinandal ang ulo sa nitso nito. “Hindi ko alam kung tama ba ‘tong nararamdaman ko. I’m sorry. I’m really sorry for falling in love with someone else. And faster than I should have.” Lumuluha na niya saad.

“Hindi ko rin kasi ineexpect.” Patuloy niya. “Hindi ko rin ineexpect na siya. Of all people, Den. Si Aid pa.”

She was crying. Again. Ang akala niya ay nailabas na niyang lahat ng iyon pero hindi pa pala. Or she was wrong. Nailabas na niyang lahat at panibago na naman iyon. She chose the latter.

She was crying not because of the pain of losing Aiden kundi dahil kailangan niyang magpaalam sa pag-ibig na mayroon siya para rito. Umiiyak siya dahil sa wakas ay nakaya niyang sabihin, hindi lang kay Aiden kundi sa sarili, na naka-move- on na siya.

A new streak of tears rolled down to her cheeks. “I miss you, Den. I wish you were here para hindi ako nahihirapan.” Nakangiti niyang saad dito.

Hindi niya alam kung gaano siya katagal sa ganoong posisyon. Naghihintay sa sagot si Aiden sa mga sinabi niya. Ngunit katahimikan lang ang maririnig, lagaslas ng dahon at mahihinang huni ng ibon. Pero walang Aiden.
She wished he could really answer. Parang katulad noon kapag kailangan niya ng advice. The all-knowing-Aiden.

A slight smile formed in her lips as tears rolled from her eyes. Aiden wasnt just her lover but her 'kuya' and her teacher.

Isang bubtong hininga ang pinakawalan niya para pagaanin ang nararamdaman. Napaayos lang siya ng upo at marahang pinunasan ang luha nang marinig niya ang pag-inggit ng sapatos. Napaangat siya ng tingin para matagpuan si Aidan na nakatayo sa entrada ng mosuleo.

Para itong anghel na bumaba ng langit dahil na rin sa tama ng araw sa likod nito. Nakaputing t-shirt pa ito na humapit sa katawan nito at nakamaong na pantalon at rubber shoes.

Napangiti siya nang magtagpo ang kanilang mga mata. Ngumiti naman ito pero hindi umabot sa mga mata nito iyon. Napatayo naman siya nang  lumapit na ito.

“Kanina ka pa?” aniya rito ng makalapit na ito.

“Nah, just arrived.”

Now, she felt awkward. Pakiramdam kasi niya ay kanina pa naroroon ang binata. But she shoved the thought away. Pero makulit din ang damdaming iyon dahil naroroon pa rin. “Dadalaw ka?” aniya na lamang sabay iwas ng tingin.

“Hindi, manliligaw,” nakangiti nitong saad. “Of course dadalaw ako.”

Hahampasin sana niya ito ngunit nahuli nito ang kamay niya. Mabilis naman niyang binawi iyon dahil nailang siya sa naramdaman niya. Sanay na dapat siya pero hindi kasi niya pinapansin ang pagkabog ng dibdib niya. Ngayong, tinanggap niya ang katotohanang si Aidan ang sanhi ng mga kakaibang damdamin, ramdam na ramdam tuloy ng buong himaymay ng katawan niya ang prisensya nito pati na rin ang pagdampi ng balat nito sa kanya.

Kaya siguro ka naiilang. Napatango na lang siya sa tinig na iyon.

“Uuwi ka na?” tanong ng binata sa kanya na tinanguan lang niya. “You’ve been crying again?”

“Ha?” napatanga niyang saad dito.

Napasinghap na lang siya ng ikulong ni Aidan sa mga palad nito ang kanyang mukha. He gently brushed the tears on her cheeks while his eyes roamed in every corner of her face.

Kung tama ang pagkakabasa niya sa mata nito. She saw hurt, agony, longing…and love. Delusional na nga yata siya at nangarap siyang pag-ibig ang nabasa niya sa mga mata ng binata.

“Aid,” tawag niya rito pero himbis na sumagot ay inilapit nito ang mukha sa kanya. She closed her eyes and waited for his lips.

Dumapo naman iyon, sa noo nga lang. Disappointment flooded her na napalitan din kaagad ng excitement ng dumapo naman sa talukap ng kanyang mata ang labi nito. She still waited pero ang tinig na nito ang sunod niyang narinig.

“I told you not cry anymore,” bulong nito. “sabi ko sa 'yo andito lang ako, 'di ba?”

Tumango siya roon at hindi pa muling dumidilat.

“I promised, didn’t I?”

“Yes.”

“Now, stop crying,” anito bago muling hinalikan ang kanyang mga mata.

“Okay.”

“Now, go.” Anito.

Mabilis naman siyang napadilat ng tanggaling nito ang mga palad sa kanyang pisngi. Para kasing bigla siyang tinanggalan ng buhay. Sa kanyang pagmulat ay nasa harap pa rin niya si Aidan.

“’Kala mo umalis na ako, ‘no?” nakangiti nitong saad. “Umuwi ka na. I’ll just talk to them.” Iminosyon nito ang ulo sa mga puntod na naroon.

Nang maglakad na siya palayo, unti-unti rin niyang nararamdaman ang pagkawala ng kalahati ng pagkatao niya. Para kasing may mali. Naramdaman na niya ang dating kaba na iyon. Naramdaman na niya ang pakiramdam na tila may kinukuha sa kanya kaya hindi siya nakatiis at muling hinarap ito.

Nakatingin pa rin ito sa kanya.
“Aid.”

“Yes?”

“You…you will stay with me, right?”

Isang simpleng ngiti ang gumuhit sa labi nito bago ito tumango. “I will.”

Pagkakataon naman niya ang tumango at muling tumalikod. ‘Di pa man siya nakakahakbang ay narinig niya ang pagtawag nito.

“Yes?”

He grinned. And before she can speak another question ay nakalapit na ito sa kanya, kabig ang leeg niya at mariin ng nakadampi ang labi nito sa kanyang noo.

“You take care, alright?”

“I will.”

“Now, get your butt out of here,” tumatawa na nitong saad bago siya bahagyang itinulak palabas ng musoleo.

Napangiti naman siyang napapalingon rito. Sa tuwina’y kumakaway lang ito sa kanya. She waved when she got into her car. At ang paninikip ng kanyang dibdib ay lalong tumindi.

And she ignored it.

[Completed] What Part of Forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon