Six

1.9K 58 0
                                    

"I'M SORRY," nakayukong saad ni Joey nang ma-realize niya kung ano ang nasabi niya. She knew he just wanted her well. "t-that was rude. I didn't mean to-"

"It's alright," putol nito sa sasabihin niya. Muli na naman itong tumipa sa piyano. "I know it's hard. And looking at me, alam kong parang sinusugatan uli ng mukha ko ang sugat sa puso mo. Naiintindihan kita." Mahabang saad nito na tila nabasa ang nasa isip niya kanina.

"I'm sorry," aniyang muli bago nagmamadaling lumabas ng kuwarto.

Napasandal na lang siya sa pinto ng maisara niya iyon. Ngayong malayo na siya sa binata mas naging prominente sa kanya ang lakas ng tibok ng puso niya. Kung para saan iyon, ayaw na niyang alamin pa. Dahil alam niya na mali at hindi dapat.

Damn it, Joey. Ilang beses ko bang  ipaalala sayo na kamamatay lang ni Aiden.

Inis siyang napahinga ng malalim. Natulog lang siya, kung anu-ano na ang iniisip niya. Dapat talaga ay hindi siya nakatulog para hindi nagiging maayos ang takbo ng isip niya. Kung anu-ano na kasi ang pumapasok roon.

Muli lang niyang sinulyapan ang pinto sa likuran bago nagmamadaling lumayo rito. He just played a familiar song in the piano. And try as she may, nagsisimula na niyang i-hum ang lyrics.

"Buwsit," inis niyang saad nang maglakad siya palayo.

Mabilis naman siyang napangiti ng makita niyang papalapit sa kanya si Tita Allen, ang ina ni Aiden. "Tita," saad niya nang makalapit na ang huli.

"Bakit bumangon ka na?" may pag-aalalang saad nito. "You should get some more sleep." Anito at bahagya pang hinaplos ang pisngi niya.

"Okay na po ako, tita," malungkot niyang saad rito. "ayoko rin hong matulog na. Nakikita ko rin lang ho kasi si Aiden sa panaginip ko."

Liar. Anang ng tinig sa kanyang isip. Ang totoo kasi ay wala siyang napanaginipan. Tila kasi inihele siya.

Malungkot naman siyang inakay ng ginang patungo sa hagdan. "But still, I suggest you continue resting. Hija, you're a mess," tila nahindik na saad nito.

"Tita, okay lang ho kung mukha na akong halimaw. Aiden wouldn't notice that, would he?"

Sabay silang napabuntong hininga sa sinabi niya. What was she thinking? Bakit ba niya sinabi iyon na tila siya lang ang nasasaktan sa pagkawala ni Aiden?

Muli pa siyang napahinga ng malalim bago sinulyapan ang nakahimlay na katawan ni Aiden. "Sige po, tita. I'll take a rest for today. Just let me take a look at Aiden first."

Tumango naman roon ang ginang at hinayan na siyang lumapit kay Aiden. She fought her self not to cry but it still streaked down to her cheeks.

Marahan niyang hinaplos ang salamin. "Would you be in my dreams now, love? Would you tell me that I should move on or stay to calm myself? Either way, love, please do come. I miss you." Mariin niyang inilapat labi sa salamin ma para bang mahahalikan niya ang binata bago nagmamadaling tumalikod palayo rito.

Saglit siyang napatigil ng sa paglingon niya ay naroroon sa paanan ng hagdan si Aidan. Looking so sadly at her. Bahagya lang itong tumango na ginantihan naman niya. Nagmamadali siyang umakyat sa hagdan.

Binibiro nga yata siya ng pagkakataon. Bakit sa tuwinang maalala niya kung gaano niya kamahal si Aiden ay naroroon naman ang kakambal nito?

She shivered a little when she felt a cold wind touched her skin. Pero wala namang hangin na maaring pumasok sa loob ng bahay dahil centralized aircon iyon.

Aiden? Magparamdam daw ba nang mag-isa lang ako. Himutok niya rito bago nagmamadaling ipinagpatuloy ang pag-akyat. Ignoring the nagging sensation that someone was following her.

[Completed] What Part of Forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon