Three

2.1K 64 0
                                    

MARAHANG inilibot ni Aidan ang paningin niya sa loob ng kuwarto ng kanyang kakambal na si Aiden. Maayos at punong puno iyon ng iba't-ibang paintings nito. Aiden was the artist between them.

Lahat ng hand skills ay mayroon ang kambal niya, mayroon naman din siya kaya lamang mas pinagbuti niya ang sarili para sa business ng pamilya nila at hinayaan ang fame ng pagiging isang artist sa kapatid at ganoon din naman ito sa kanya. Pero hindi rin naman nila isinasantabi ang mga kakayanang iyon. They sometimes switch places.

Payak siyang napangiti sa alaala bago pinagbuti ang pinahahanap ng kapatid. Hindi naman siya nagtagal at nakita rin niya ang hinahanap niya. Ang black hardbound notebook daw nito sa ilalim ng kama nito.

Aiden emailed him a month before he died. And he said...

Kambal, may ipapagawa ako sayo bago ako mawala. Look for my journal under the mattress of my bed. Yon lang ang bagay na naroroon. Curious why am I hiding it there? Doon lang kasi hindi naghahalungkat si Risse.

Anyway, just follow the letter I'm leaving. Tatanawin ko na isang malaking utang na loob pagsinunod mo yon.

Tandaan mo, mumultuhin kita paghindi mo sinunod to.

Thanks, brother.

Aidan was puzzled after reading it. Niloko pa niya ang kakambal na 'wag itong magbibiro ng ganoon. Hindi nga nagbibiro ang kapatid niya. After a month, nabalitan na lang niyang nasa ospital na ito. And after a few days, he died.

"Nakakainis ka, Den. Naisahan mo ako r'on," naiiyak niyang saad habang pinagmamasdan ang journal ng kapatid.

He loved his brother more than anything. Ito ang kasangga niya sa lahat ng kalokohan niya at kung anu-ano pa. And their motto was 'all for one and one for all'. And now it's just him.

Binuklat niya ang journal nito na sa hula niya ay pulos tungkol kay Risse, ang girlfriend nito, na bukang bibig din palagi nito. Kaya kahit hindi niya gaanong nakikita ang dalaga, may balita pa rin siya tungkol rito.

Speaking of Risse, he saw her. And he was sure that she wasn't crying. Her face was void of any emotion. Iyon nga lang, nakatulala naman ito sa kawalan. It has been three days at sa tatlong araw na iyon, wala itong tulog at sa hula niya ay isang baso ng kape bawat araw lang ang laman ng tiyan nito.

Napailing na lang siya sa kinahinatnan ng kapatid niya at ng dalaga. Kahit siguro siya ay ganoon ang mangyayari o gagawin niya kung sakaling mawala ang babaeng mamahalin niya.

Really, Aidan? May kakayanan ka nga bang magmahal?

Natawa na lang siya sa tinig na iyon. Kung one woman man ang kambal niya, siya naman ang kabaligtaran ng kapatid. Doon lang yata sila nagkaiba ng kakambal.

Marahan niyang pinagpatuloy ang pagbuklat ng journal nito. Hanggang sa mapadpad siya sa sketch ng mukha ni Joey. It was the most beautiful face he had ever seen.

Maraming beses na niyang nakita ang litrato ng dalaga but nothing compares to the smile drawn on her lips in that sketch. Pati kasi mata nito ay ngumingiti at iyon ang nakuha ng kapatid niya.

Wala sa sariling nahaplos niya ang drawing na iyon. Kasabay naman niyon ang pagbagsak ng isang black envelope. Sa hula niya ay iyon na ang sinasabing sulat ng kapatid.

Akmang bubuklatin na niya iyon ng may marinig naman siyang tilian mula sa ibaba. Kaya naman himbis na basahin ay mabilis lang niyang isinuksok iyon sa likod na bulsa ng kanyang pantalon at nagmamadaling bumaba ng hagdan.

Nakita niyang may pinagkakaguluhan ang mga tao. He automatically scanned the area. Looking for someone, and he didn't find what his eyes wanted to see. Doon na tuloy siya kinabahan.

Nagmamadali siyang nakigulo sa mga tao para lang panlakihan ng ulo. Joey was lying in the floor, unconscious. Walang sabi-sabing binuhat niya ang dalaga at dinala sa guest room na nasa ikalawang palapag katabi ng kanyang kuwarto.

Marahan niyang inilapag ito sa kama at kinumutan. Halata sa mukha nito ang lungkot at pagod. He fought the urge to lie beside her and hugged her until the sadness fade. Pero ang isiping nobya ito ng kapatid niya ang pumipigil sa kanya.

Kaya sa halip na gawin ang nasa isip ay nagmamadali na lang siyang lumabas ng kuwarto. Stupid it may sound, but he thought he left a part of himself in the room. Where little Joey, as he called her, was sleeping.

"Damn it!" he cursed under his breath bago nagmamadaling nagtungo sa kanilang music room.

[Completed] What Part of Forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon