MARAHAS na isinara ni Aidan ang pinto ng music room ng makarating siya roon. He was angry to himself for letting that thought bother him.
For God’s sake, Joey was Aiden’s girlfriend. What was he thinking hugging her? At kung hindi niya napigilan ang sarili baka nahalikan pa niya ito!
Tila naman inaasar pa siya ng kanyang isip nang maalala niya ang hitsura nito habang nakatunghay sa kawalan.
Ang nakakunot ng noo ng dalaga. Ang maamo nitong mata na wala kang makikitang kahit anong emosyon. Ang ilong nitong nanlalaki ang butas dahil na rin marahil sa pagpipigil na maluha. At ang maninipis ngunit mapula nitong labi na mariin na nakatikom. Walang ngiti na nais gumuhit.
And he wanted to erase that and see the Joey that his brother had drawn.
Marahas na naman siyang napamura sa sarili. Padaskol siyang naupo sa harap ng piano at walang ingat na itinaas ang takip ng instrumento. Walang pakundangan niyang tinipa ang bawat tiklado ng piano. Wala siyang pakialam kung marinig iyon ng mga tao sa labas. He was excused. He was grieving.
Grieving from what he was thinking.
Sa pagpikit niya ay muling gumuhit sa kanyang isip ang Joey sa drawing ng kakambal. And remembering the letter.
Pagkaalala kasi sa sulat ay tila naubos ang lakas niya. Nababaliw na yata siya. Muli na naman niyang nararamdaman ang pilit na kinalimutan na dadamin para sa nobya ng kapatid niya.
Correction. Dating girlfriend.
Dati para kay Aiden pero para kay Joey…napailing na lang siya sa isip. Nababaliw na nga yata siya. Talking to him self. Inside his mind.
Huminga muna siya ng malalim bago niya binuklat ang itim din na papel na sulat ni Aiden. At ganoon na lang ang panlalaki ng mata niya ng mabasa niya sulat ni Aiden.
Aid,
I can’t believe your reading this now but this only means that...well, I’m gone. Sad to say that I am. Pero hindi ang pagkamatay ko ang pag-uusapan natin dito kundi ang pabor na sinabi ko sayo sa email.
This will be simple. I want you to take care of Joey. You know how precious she is to me. I don’t want to leave her but I have to go my way.
I love her, brother. I don’t know if she can take it pagnawala ako. Kaya pakibantayan siya. Pakialagaan. She’s a gem, Aid.
Yon lang ang ipagagawa ko sayo. Madali lang yon sayo. Ano naman ang isang babaeng dadagdag sa babantayan mo, right?
Thank you.
PS. Pagtinanggap mo ang responsibilidad na to, matatahimik ang kaluluwa ko at hindi bibiling ang katawan ko sa kakaisip kung ginawa mo ‘to. Failed to do so and I promise to scare you to death.
Den.
Hindi niya alam kung matutuwa ba o maiinis kay Aiden. Pwede naman niyang ipagsawalang bahala ang sulat na iyon ni Aiden dahil hindi siya takot sa multo. Mas takot siya sa nararamdaman niya.
Will he be able to take care of Joey and ignore his feelings?
Bakit ka pa ba nag-iisip?
“Dahil mahal ko na s'ya noon pa," mahina niyang sagot sa tinig na iyon.
Then let her fall for you. You have the charms.
Mapait lang siyang napangiti sa tinig na iyon. “She won’t fell in love with me.”
For the first time in his life. He was jealous of Aiden. He died peacefully. He died having all he wanted.
And for the first time, natakot siya sa isang babae.
With those thoughts, he absent-mindedly played the piano. Not realizing playing a very unfamiliar tune.
-
BINABASA MO ANG
[Completed] What Part of Forever?
RomanceWhen Aiden died, Joey thought she died with him. Until she saw him again...Pero ang kakambal pala iyon ni Aiden na si Aidan. Okay lang naman sana sa kanya na palagi itong nasa paligid pero ang makasama ito sa buong durasyon ng pagluluksa niya ay hi...