HINDI mapakali si Aid sa kanyang opisina. Kanina kasi nang tawagan niya si Joey ay dinunggol na siya ng kaba. May kakaiba kasi sa tinig nito at sa gawi ng pagsasalita nito, something changed.
Pilit na lang niyang kinalma ang sarili at inantay ang pagdating ng dalaga. Malalaman rin niya iyon kapag dumating na ang dalaga. Kahit na mahuli siya sa meeting niya, uusisain niya ito.
Hindi naman nagtagal ay bumukas ang pinto ng kanyang opisina. Mabilis ding gumuhit ang ngiti sa labi na dagli ring nabura.
“Sir, heto na ho ang folder na inaantay ninyo,” bungad sa kanya ni Catherine.
“Where’s Joey?” aniya himbis na pansinin ang ibinibigay ng kanyang sekretarya.
“Eh, sir, nagmamadaling umalis. Inabot nga lang po sa akin ‘tong folder.”
Kunot-noo naman niyang inabot ang folder na ibinigay nito. Ang kabang kanyang naramdaman ay biglang naglaho, sa halip ay tila tumigil na iyon nang makita ang sulat ni Den sa pinaka-unahan ng mga papeles.
“Where is she?” sigaw na saad niya rito. “Where did she go?”
“Sumakay ho ng elevator,” nagulat na saad ng sekretarya niya. “pero alam ko ho paakyat pa sa deck 'yong elevator. Hindi na ho siguro n'ya napansin na sa executive elevator s'ya.”
Tinanguan lang niya ito bago nagmamadaling sumunod sa dalaga. He had to see her. He had to explain. Alam niyang may ibang iniisip ito, ayon na rin iyon sa tinig nito nang makausap niya si Joey sa telepono.
Alam niyang na misunderstood nito ang nabasa nito sa sulat ni Den at sa ginagawa niya ngayon. Alam niyang dinaramdam nito ang tungkol sa sulat. Alam niya dahil nararamdaman niya.
Damn it, Joey! Stay where you are! Please! Piping sigaw niya sa isip habang walang humpay na tinatawagan ang dalaga na para bang maririnig siya nito.
He lost her once. No just once. Marami ng beses. Una nang malaman niyang boyfriend na nito si Den, umiwas siya. Pangalawa ay ang makita itong lumuluha sa puntod ng kakambal niya. Muli, siya ang umiwas. And it brought him to hell. Siya ang umiwas noon kaya nakakaya pa niya pero sa pagkakataong ito, na ang dalaga na mismo ang iiwas, hindi niya alam kung kakayanin niya. He told her that he would stay hanggat gusto nito. Pero sa puntong ito, hindi niya alam kung gugustuhin pa rin nitong mamalagi siya sa tabi nito.
Please, need me Joey! Need me! I don’t care if you don’t love me!
Mabilis siyang lumabas ng elevator kahit na bahagya pa lang ang pagkakabukas niyon. Ganoon na lang ang galak niya ng makita niyang nakatayo sa harapan niya si Joey na para bang alm nitong dadating siya.
Mabilis niya itong kinulong sa kanyang bisig nang makalapit siya sa dalaga.
“I love you, Joey,” iyon kaagad ang salitang nanulas sa kanyang labi.
“Don’t,” narinig naman niyang saad ni Joey at marahang kumalas mula sa kanyang pagkakayakap. “don’t, Aid. It’s hurting me.”
His heart broke into pieces. Hindi sa sinabi ni Joey kundi dahil sa luhang umaagos sa pisngi nito.
BINABASA MO ANG
[Completed] What Part of Forever?
Storie d'amoreWhen Aiden died, Joey thought she died with him. Until she saw him again...Pero ang kakambal pala iyon ni Aiden na si Aidan. Okay lang naman sana sa kanya na palagi itong nasa paligid pero ang makasama ito sa buong durasyon ng pagluluksa niya ay hi...