Sixteen

1.4K 42 0
                                    

IISA LANG ang nakikita ni Joey na ekspresyon sa mukha ng kaibigan niyang sina Hanna, Karen at Bim nang magkita-kita sila sa paborito nilang tamabayan. Sa sky garden ng Trinoma.

“What?” inosenteng saad niya sa mga ito.

Inirapan naman siya ni Bim. “You’re glowing, dear. Anong mayroon?”

“Oo nga,” segunda naman ni Karen. “darling, sinong bago?”

“Ano? Anong ‘sinong bago’?” yukong saad niya rito. She knew who they were talking about. At ayaw niyang ipahalata sa mga ito na alam niya kung sino ang tinutukoy ng mga kaibigan.

“Sinasabi ko na nga ba, eh,” biglang banat ni Hanna. “’yang mga ganyang pag-iwas nang tingin, may ibig sabihin ‘yan.”

Tinaasan niya ng kilay si Hanna pero hindi siya nito pinansin sa halip ay nagpatuloy pa ito sa ‘trivia’ patungkol sa kanya.

“Alam n'yo kasi, hindi ko lang nasasabi sa inyo na kabisado ko na ang mga ganyang galaw ni vhesh,” simula ni Hanna. “pagnakataas ang kilay n'yan at nakatingin sa 'yo ng hindi nakangiti, galit 'yan. Pagnakangiti naman, asahan mo, sarcastic ‘yan pagnagsalita.

“Pagnakalabi ‘yan at seryoso, nag-iisip ng malalim ‘yan. At paghindi naman, nagpapacute lang ‘yan. At pagnag-iwas ng tingin tapos nagbibiruan kayo, ibig sabihin, joke ang huli n'yang banat. Pero ang ginawa n'yang pag-iwas ng tingin, at dahil seryoso ang usapan, bulls eye ka, mare. May tinamaan ka!” Nakangiti pa itong lumingon sa kanya matapos ang mahabang litanya nito.

“Salamat, ha.” Sagot niya sa ngiti nito at ganoon na lang ang pagtirik ng mata niya ng magsalitang muli ito.

“At ‘yan ang pinaghalong pagtaas ng kilay at sarcasm,” lalo pang lumapad ang ngisi nito.

Nagtawanan naman si Karen at Bim sa sinabi ni Hanna. Mabilis namang nakabawi sa pagtawa si Bim at muli siyang hinarap.

“Magsasabi ka na ba ng totoo?”

“Oo nga, sinong bago mo?”

Napahinga naman siya ng malalim sa mga tanong ng mga ito. Wala na siyang kawala. May lie detector siya sa kanyang kaliwa. May dalawang abogado na nasa harap at kanan niya.

“Mali, eh,” simula niya. “hindi ako pwedeng magkaroon ng iba.” Naghihirap ang kaloobang saad niya.

“Bakit naman hindi?” sagot ni Hanna sa kanya. “Sinong nagbawal?”

“Si Aiden.”

“Joey, excuse me lang, ha, pero patay na si Aiden. Paano n'ya naman nasabi sa ’yo ‘yon?” si Bim.

“He didn’t,” she said guiltily. “I promised that it would be only him. Habang buhay. And I don’t have any intention to break it.”

“You have broken it, darling,” ani naman ni Karen. “tingnan mo nga ‘yang sarili mo. Ikaw na rin ang nagsabi na mali. Ibig sabihin mayroon na ngang bago.”

“Pero mali nga. Hindi ako pwedeng mainlove sa kahit kanino dahil sa pangako kong 'yon. Para na rin akong nagtaksil sa kanya.”

Napabuntong hininga naman doon si Bim. “Ang pagtataksil ay para lang sa mga taong buhay. Sa mga taong nagmamahalan at parehas na buhay. Ang tawag sa ginagawa mo ay moving on, Joey Clarisse. Hindi ka nagtataksil.”

“May point si Bim, Vhesh. Hindi ka nagtataksil. Pakiramdam mo lang ‘yon dahil masyadong mabilis ang pagmove-on na nangyayari sa ’yo.”

“Its just been two months since he died,” naiiyak niyang saad. Siguro nga tama ang mga kaibigan niya. Nagui-guilty nga lang siguro siya dahil halos hindi pa siya nakababang luksa, heto siya at umiibig na namang muli.

“Okay lang ‘yan, Joey,” pag-aalo sa kanya ni Bim. Kung hindi pa siya inabutan nito ng panyo hindi niya maiintindihan kung bakit siya inaalo. She was already crying.

“Thanks,” usal niya nang abutin niya ang panyo. “nakakainis. Bakit ba kasi may guilty pang word sa dictionary, eh?”

“Ipatatanggal ko na bukas,” tatawa-tawang saad naman ni Hanna na ikinatawa na rin niya.

“So, pwede ba naming malaman kung sino ang panggulong guy?” nakapangalumbabang saad ni Karen.

Doon naman siya natigilan. Nag-alinlangan pa siyang sabihin sa mga kaibigan. Baka kasi i-judge siya ng mga ito. But then again, atleast kung i-judge siya ng mga ito, hindi talikuran kundi harap-harapan. Hindi pa-traidor. “S-si…si Aidan.” Sa huli ay pag-amin niya.

“Aidan?” ani ni Karen. “Correct me if I’m wrong, girls, si Aidan at hindi Aiden?”

“Ah-ha,” sabay pang sagot ni Hanna at Bim.

Bahket siya?”

Kibit-balikat lang ang sagot niya sa mga ito. Napabuntong hininga naman si Karen at napailing naman ang dalawa.

“Sigurado ka?” tumango siya sa tanong ni Hanna. “Vhesh! Hindi kaya…” nailing na lang ito at hindi naituloy ang sasabihin.

“Joey, really, hindi kaya nakikita mo lang sa kanya si Aiden?” patuloy naman ni Bim. “Aidan is the perfect replica of Den. His voice, face, built and by the looks of him, parang pati ugali niya ay parehas ni Den.” Tila nahirapang saad ni Bim.

Napahinga naman siya roon ng malalim. “You’re wrong,” kontra niya. “Aid may be the same as Den, physically pero magkaiba sila ni Den sa ugali. Aid is free spirited. He’ll do everything he wants to do and no one can stop him. Den is strict, may limitations. Den is sweet, romantic. Aid is romantic but in a rugged way.

“Hindi takot si Den na ipakita kung ano ang nararamdaman niya. He speaks love and Aid…he is like a teenage boy who doesn’t know how to say his feelings. He’ll just show it to you.” Napangiti siya matapos niyang sabihin iyon.

Noon ay malabo sa kanya kung ano ang pagkakaiba ni Aiden at Aidan. Pero ngayon, she can pin point everything.

“You’re insane, Joey.”

“You’re delusional, vhesh.”

“She’s in love.” Kontra ni Karen kay Bim at Hanna. “Matutuwa si Den na mabilis kang naka-move on mula sa pagkamatay niya. But don’t be guilty or anything, you know in yourself that Den will always be in your heart. Hindi s'ya mawawala. Pero alam din ni Den na mas mahal mo na si Aid ngayon kaysa sa kanya. At maiintindihan n'ya 'yon.”
Inabot ni Karen ang kanyang kamay at magaang pinisil iyon. “Darling, ‘wag kang magagalit pero I look into Den’s death as blessing in disguise. Kung hindi s'ya namatay, hindi mo makikita si Aid at hindi ka magkakaganyan ngayon. Kaya go, be in love at ‘wag kang makinig sa mga sinasabi ng dalawang i—aray!” himutok nito ng hatakin ng dalawa ng magkabilang buhok nito.

“Ang haba ng litanya mo.” nakalabing saad ni Hanna bago siya nilingon. “Sige na, go on and multiply. Alam mo naman kami…”

“Kung saan ka masaya, suportahan taka,” sabay-sabay pa nilang saad bago nagkatawanan.

[Completed] What Part of Forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon