Twenty-Two

1.3K 38 0
                                    

MULI PANG hinagod ng tingin ni Joey ang sarili sa salamin at bahagya pang inayos ang pagkakahakab ng damit sa kanyang katawan. Pati ang make-up niya sa mukha ay hindi rin niya tinigilan isama na rin ang pagkaka-ayos ng bagong kulot niyang buhok.

Tinigilan lang niya iyon ng wala na siyang magawa. Napasulyap din siya sa relo na naroroon. May ilang minuto pang natitira bago dumating ang sundo niya. Napahinga na lang siya ng malalim.

Masyado yata siyang na-excite sa date nilang iyon ni Aid na kung tutuusin ay hindi ang unang beses na pag-labas nila ng binata.

Hindi naman ako excited. Napaaga lang.

Gan'on din ‘yon!

Napalabi na lang siya sa usapang iyon sa kanayng isip. Hindi rin naman kasi niya mapigilan ang sariling hindi ma-excite, everything that Aid would do always surprised her. Every date would be different. And everyday of their relationship was different.

Yes, relationship. Mayroon na sila noon. The moment their lips touched that day. The moment that promise was made that day, hindi na kailangan pa ng kahit anong kompirmasyon. May relasyon na sila simula ng araw na iyon.

Para sa'yo.

Inambahan lang niya ang sarili niyang repleksyon sa salamin nang marinig na naman ang tinig na iyon. Minsan talaga ay naiisip niyang wala naman talagang kontrabida sa buhay ng mga tao kundi ang sarili nila. Tulad na lang ngayon.

Pero kung tutuusin minsan ay may sense din namang makipag-argue sa tinig na iyon.

Kung tutuusin ay walang salitang nanggaling sa kanya o kay Aid na nobyo na niya at nobya siya nito. They just came into the understanding na mayroon nang namamagitan sa kanila and she doesn’t care kung siya lang ang nag-iisip ng ganoon.

All she care was Aid would stay with her as long she wanted him to. And she wanted him to stay with her forever.

Forever. It may sound strong but that what she felt. The last time she felt that way was when Den was with her. Ang ipinagkaiba lang nito, pakiramdam niya ay nais na rin niyang mawala sa mundo sa tuwing masasagi sa isip niyang mawawala si Aid sa kanya. That everything will be nothing without Aid.

Napapangiting napahinga na lang siya ng malalim sa isiping iyon. She never thought she would feel that way again.

Natigil lang siya sa pag-iisip nang marinig niya ang pag-hinto ng sasakyan sa kanyang tarankahan. Kabisado na kasi niya kung ano ang tunog ng sasakyan ni Aid.

Sumulyap pa siyang muli sa salamin bago nagmamadaling pumanaog sa hagdan para salubungin si Aid. Huminga muna siya ng malalim bago inantay na mag-doorbell ito. Kung bubuksan kasi niya ang pinto ng hindi pa nito ginagawa ang pag-doorbell baka mahalata nitong atat siyang makasa ito.

Kunwari ka pa. May nalalaman ka pang ganyan. Buko ka na n'yan.

Pinigilan niyang ngumiwi sa tinig na iyon sa halip ay inisip na lang niyang ilang segundo na lang ay makakasama na niya si Aid.

Napapitlag pa siya ng tumunog ang doorbell niya at walang pagmamadaling binuksan ang pinto.

Ang ngiti sa kanyang labi ay saglit na nabura dahil sa pagkatunganga niya kay Aid. Kung siya ay nagpamake-over ng buhok parang ganoon din ang ginawa nito.

Ang dating may kahabaan ng buhok nito ay pinagupitan nito. Sa dating long back ay umikli iyon. Wala ng gaanong nakatabing na buhok sa mukha nito. He looked so clean. Clean and handsome.

Kung siya ay nagulat, ang binata naman ay napakunot ang noo. Pero bago ito nagkumento ay marahan itong lumapit sa kanya at hinalikan siya noo. Bahagya nitong hinawakan ang ilang hibla ng buhok niya at kunot-noo pa ring tumingin sa kanya.

“Ilang araw ba tayong hindi nagkita?” seryosong saad nito.

“Two days?” hindi siguradong saad niya rito. Hindi kasi niya malaman kung dalawang araw iyon o dalwawang linggo. Para kasing napakatagal nitong nawala. Tuloy ang sarili niya ang napagdiskitahan niya.

“Sigurado ka?” tanong nito habang walang-anumang ibinigay sa kanya ang dalang bulaklak nito. “How did you get so pretty in just two days?” seryoso pa rin nitong saad.

Napakagat-labi na lang siya sa komento at bahagya itong hinampas. “Ang galing mo ring mambola, Mr. Escudero. You don’t look bad yourself. Buhay pa ba gumupit sa buhok mo?” napangiti na lang siya nang tumawa ito.

“Very original, Joey.” Balik pagtuya nito and before she can utter another word ay sakop na nito ang kanyang labi.

Natural na dapat para sa kanya ang pagbigay nito ng halik sa kanya pero hindi pa rin siya nasanay. Sa palagay kasi niya ay mas lalong tumatamis ang halik nito sa bawat pagkakataong gagawin nito iyon.

Marahang pinagdikit ni Aid ang kanilang noo nang paghiwalayin nito ang kanilang labi.

“Let’s go. Kung 'di ako titigil at 'di tayo aalis, masasayang ang inihanda ko. May mas maganda kasi akong naiisip,” anito sabay silay ng pilyong ngiti.

“Over my dead body, Aid,” ganting bulong niya rito.

“I’d rather have you alive, sweetheart,” anito tsaka tumawa ng nakakaloko at kinabig siya papalabas ng bahay.

Life is good when Aid is around. And she wanted that to last forever.

[Completed] What Part of Forever?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon