NAPUNO NG tawa ni Aid ang kotse nito ng mahinang hampasin ito ni Joey sa balikat. Makailang ulit na kasi niya itong tinanong kung saan sila nito pupunta. Nasabi ba niya na palaging may bago itong pakulo sa mga dates nila? At heto na nga ang bagong pakulo nito.
“Nakakainis ka na,” aniyang muli rito bago lumabi. “ang ganda-ganda ko pa naman ngayon sa little black dress ko tapos ngayon mukhang hindi sa restaurant ang punta natin. Mamumundok ba tayo at lumabas pa tayo ng SLEX?” himutok niya rito.
Muli pa muna itong tumawa bago sumaglit siyang sinulyapan. “Patience, love. Malapit na tayo.”
“Malapit na tayo! Kanina pa kaya tayo nasa kalsada.” tili niya. “Nagugutom na ako.”
“Kaunting tiis.”
Inirapan na lamang niya ito. Bakit ba kasi niya pinagtya-tyagaang usisain ito? Kahit yata mamaos siya sa pangungulit rito ay hindi siya sasagutin nito.
Kaya himbis na kausapin ang binata ay minabuti na lang niyang tumahimik at pagmasdan ang mga sasakyang kasabay nilang naglalakbay at mga ilaw sa kalsada.
Nalaman lang niyang nakaidlip pala siya sa biyahe ng maramdaman niya ang mainit na labing marahang dumadampi sa kanyang pisngi pababa sa kanyang leeg at pabalik sa kanyang pisngi.
“Sorry, I slept on you,” antok na usal niya. “nasaan na tayo?” inilibot niya ang paningin sa labas ng sasakyan.
“Guess,” nakangiting saad ni Aid sa kanya.
Pinagtuunan niya tuloy ng pansin ang kapaligiran. Nang makapag-adjust ang paningin niya, noon niya napansin ang mga puno ng niyog. Pati ang tunog ng alon. Nasa tabing dagat sila!
“M-mag swi-swimming tayo?”
Tumawa naman roon ang binata. “No, love. Dito ang date natin ngayon. So I’ll take this,” anito tsaka tinanggal ang high heels niya. “and, whoopsy daisies.”
Napatili na lang siya nang pangkuhin siya nito. “Put me down.”
“Ayoko, madudumihan ang paa mo.”
Hindi na siya nakipagtalo roon. Alam rin kasi niyang hindi siya mananalo kay Aidan at bukod pa roon napako ang paningin niya sa isang parte ng dalampasigan.
Isang candlelit dinner ang nakahain sa isang platform na kahoy na may apat na sulo sa bawat sulok ang nakaayos sa gitna ng buhanginan. Hindi kalayuan ay ang mga villa na pwedeng upahan sa private resort na iyon. May mga tao din na nakatambay mapapit sa dagat ngunit hindi alintana ng mga ito ang set up na inihanda ni Aidan. Napatawa na lang siya ng mapansin niyang may stereo pa roon.
“Sino ang kakuntsaba mo?” nakangiting saad niya rito pero nagkibit balikat lang naman ang binata.
Muli pa niyang binusog ang mata sa ‘romantic’ ambience na ginawa ni Aidan nang mailapag na siya nito roon. She knew he paid heaps for it at ayaw man niyang mag feeling humaba ang buhok at lumaki ang puso sa kilig, pero ganoon ang nararamdaman niya. She felt that she's the most beautiful girl in the world.
Tahimik silang kumain. Hindi rin naman kasi nagsasalita si Aidan, sa halip ay pulos ngiti at kibit-balikat lang ang sagot nito sa mga tanong niya. Kaya naman ng matapos silang kumain ay hindi na niya pinigilan ang sariling batuhin ito ng table napkin.
“What?” nagulat nitong saad. “Why did you throw that to me?”
“Sa wakas,” ekspaheradong saad niya at nakataas pa ang dalawang kamay sa langit. “akala ko mag-isa na lang ako dito. Kanina pa ako nagsasalita, kala ko kausap ko tuod.” Pabiro niyang saad.
BINABASA MO ANG
[Completed] What Part of Forever?
Storie d'amoreWhen Aiden died, Joey thought she died with him. Until she saw him again...Pero ang kakambal pala iyon ni Aiden na si Aidan. Okay lang naman sana sa kanya na palagi itong nasa paligid pero ang makasama ito sa buong durasyon ng pagluluksa niya ay hi...