ISANG magandang ngiti kaagad ang nakapaskil sa labi ni Joey nang marinig niya ang tunog na nagpapahiwatig na may pumasok sa bookstore niya. Masaya niyang binati ang customer na kakapasok pa lamang mula sa kinatatayuan niya sa counter.
Anim na buwan na ang nakararaan simula ng huli silang magkita ni Aid. At sa anim na buwan na iyon, natutuhan niyang maging masaya kahit wala ang tulong ng ibang tao. Natutuhan din niyang kahit paminsan-minsan ay kailangan niyang harapin ang mga pagsubok sa buhay ng nag-iisa.
Ngayon, hindi na niya kailangan pang tanungin ang sarili kung nasa tabi ba niya ang isang tao dahil mahal siya nito, importante ba siya para rito o dahil naawa lang ito sa kanya.
“Boss, 'di ka pa ba aalis?” pukaw sa kanya ni Ruth. “Akala ko ba may pupuntahan ka?”
“Thanks for reminding me,” nakangiting lingon niya rito. “tumatanda na nga yata ako at napapadalas na ang pagiging makakalimutin ko.”“Sign of aging?” kamot ang babang saad ng kaibigan. “Hindi, boss. Masyado lang kayong masaya kaya hindi mo na napansin ang oras.” Isang ngiti lang sinagot niya sa konklusyon nito.
Siguro nga ay tama ito. She was just too happy. Muli pa siyang ngumiti rito at nagpaalam na. May kailangan kasi siyang kitain. Matagal-tagal na rin ang panahon mula ng mapadpad siya roon.
BINABASA MO ANG
[Completed] What Part of Forever?
Roman d'amourWhen Aiden died, Joey thought she died with him. Until she saw him again...Pero ang kakambal pala iyon ni Aiden na si Aidan. Okay lang naman sana sa kanya na palagi itong nasa paligid pero ang makasama ito sa buong durasyon ng pagluluksa niya ay hi...