“GO ON,” narinig niyang saad ni Aidan mula sa tabi niya.
Dinala kasi siya nito sa Antipolo kung saan gagaan daw lalo ang loob niya. Na mas magiging masigla daw siya pagkatapos noon. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maintindihan ang ibig sabihin nito at ngayon, pati ang ‘go on’ na sinasabi nito.
“Anong pinagsasabi mo?” hindi na niya natiis na itanong rito. “Hindi pa ako suicidal para tumalon diyan.” Patuloy niya ng hindi ito sumagot.
Tumirik lang naman ang mata ni Aidan bago ito bumaba at lumigid papunta sa kanya. “Come on. I’ll tell you what to do.” Anito nang mabuksan ang passenger door. “‘Yan kasi ang napapala nang nagkukulong.” Bulong na dugtong nito.
“Ano?” sikmat niya rito. Taas lang naman ang dalawang kamay na lumayo ang binata sa kanya.
Inismiran lang niya ito dahil alam niya kung ano ang ibig sabihin ng pagtaas ng dalawang kamay nito. Takot na itong madapuan ng ‘lethal’ daw niyang palad.
“Halika na,” muli ay yakag nito.
Sumunod na lang siya rito kaysa makipagtalo pa. Ilang beses na ba siyang natalo sa pakikipagtalo rito. Palagi na lang kasi itong may sagot at katwiran. Napangiti na lang siya sa alaalang iyon.
“Okay ka na yata, eh.”
Napaling ang tingin niya sa binata nang marinig niya ang tinig nito. Kunot noong nakatingin ito sa kanya.
“Alam mo hindi ko na talaga maintindihan mga sinasabi mo,” iwas tingin niya rito. “kanina may go on, go on ka pang sinasabi. Ngayon naman sasabihin mong okay na yata ako. Ano ba kasi talagang mayroon dito?” kunwari’y yamot na saad niya na sana ay hindi iyon mahalata ni Aidan.
She heard him chuckle. “I told you I would help. Now, come and step forward.” Udyok nito at nang hindi siya gumalaw, iniumang nito ang hintuturo at iyon ang ginamit na pantawag sa kanya.
“’Wag mo akong itutulak,” nakangiti niyang saad dito.
Nagkibit-balikat muna ito bago sinulyapan ang bangin. “Nah, ihahagis na lang kita para sigurado.” Anito at saka iyon binuntutan ng tawa.
Inirapan lang niya ito bago humarap sa bangin. Marahan siyang nanginig nang maramdaman niya ang mainit na palad nito sa kanyang balikat. At mariin na lang siyang napapikit ng maramdaman niya ang mainit na hininga nito sa kanyang tenga.
“Now, I want you to shout everything that’s inside this,” bulong nito kasabay ng pagturo sa kanyang dibdib. “I want to hear what you would say to Aiden.” patuloy na bulong nito na ikinalingon niya rito.
“T-to…” hindi niya masabi ang pangalan ni Aiden sa takot na mapaiyak na siya at wala pang nagagawa sa sinassabi ni Aidan.
Isang malungkot na ngiti naman ang gumuhit sa labi ni Aidan. “Yes, to Aiden.”
Hindi niya alam kung ang mainit na hininga ba nito o ang maamong mukha nito o ang mainit at may pang-unawang tinig nito ang nag-udyok sa kanyang muling ituon ang paningin sa kawalan. And when she heard his voice again, nagsimula na namang tumulo ang lanyang luha.
“Let it all out, sweetheart,” muli pa ay bulong nito.
“I…I hate you,” mabuway niyang simula.
“Louder, Joey,” narinig nanaman niyang saad ni Aidan. “louder so he can hear you.”
Pinuno naman niya ng hangin ang dibdib bago muling nagsimula. “I hate you!” sigaw na simula niya. “I hate you for leaving me! I hate you for making me…making me believe that we will be together! I hate you for loving me too much and making me feel like this!
“And I hate myself,” mas mahinang saad niya. “I hate myself from loving you more than myself. Bakit mo ba ako iniwan? And you want me to move on? How will I? Kung sa bawat ikot ng paningin ko ikaw ang nakikita ko. Alaala mo ang nakapaligid sa akin. Ikaw, ikaw at ikaw. Pakawalan mo na ako, Aiden.” halos bulong na saad na lamang niya.
She knew her knees buckled but she felt strong arms cradled her. Isinubsob niya ang kanyang mukha sa dibdib ng nagmamay-ari ng bisig.
“I hate him, Aid,” bulong niya sa binata. “I hate him for hurting me like this. At gusto ko nang makawala sa kanya tulad nang sinabi niyang gawin ko.” Himutok niya rito.
“Sshh,” narinig niyang pag-aalo nito. “you did a great job. You can even say his name now.”
Did she? Mabilis niyang hinalukay ang isip kung nagawa nga niya. And amazingly, she did.
Nakangiting tiningala naman niya ang binata. Marahan naman na pinunasan nito ang kanyang luha. Pero kahit na puno pa rin ng luha ang kanyang mata ay kitang kita niya ang lungkot sa mga mata nito. It was different earlier. This was more intense.
“Say his name, Joey,” bulong nito.
“Aiden,” walang gatol na saad niya at ang sakit na dati ay halos hindi siya makahinga, ngayon ay tila mahinang hampas na lamang. Masakit pero hindi nagtatagal.
“And that’s the start,” nakangiti nang saad ni Aidan. “now, dry your tears. Uuwi na tayo. Pinagtitinginan na kasi tayo ng tao.” Anito at bahagyang tiningnan ang mga bahay na nasa kabilang panig ng kalsada pati ang iba pang tao na nag-sight seeing na rin na kanina ay wala naman doon.
Nahihindik na tiningnan niya ang binata bago mahina na naman niya itong hinampas na sinagot lang ni Aidan ng panlalaki ng mga mata.
“Bakit hindi mo sinabi kaagad na may mga tao?”
Marahan siyang iniupo nito sa passenger seat. Medyo nanghihina pa rin kasi siya kaya inalalayan pa siya roon ni Aidan.
“Kung ginawa ko ‘yon, edi hindi mo nasabi kung anong nararamdaman mo,” anito at kinindatan pa siya at kinudlitan ang kanyang ilong. “Now, let’s mend that rosy nose.” Then he chuckled and closed the door.
Napangiti na lang niyang nahimas ang ilong niya. Muli na namang bahagyang tumawa ang binata ng sulyapan ang ilong niya bago paandarin ang sasakyan.
Amazing that she can smile after crying na hindi niya nagagawa noon. And the reason behind that was just beside her.
BINABASA MO ANG
[Completed] What Part of Forever?
RomanceWhen Aiden died, Joey thought she died with him. Until she saw him again...Pero ang kakambal pala iyon ni Aiden na si Aidan. Okay lang naman sana sa kanya na palagi itong nasa paligid pero ang makasama ito sa buong durasyon ng pagluluksa niya ay hi...