MARAHAN siyang naglakad sa loob ng mosuleo ng mga Escudero. Mahigit pa sa anim na buwan ng huli siyang dumalaw roon. And the last time she did, she cried. Cried while saying goodbye to Den. Napangiti siya sa munting alaala na iyon.
“Hey,” aniya sa puntod ni Den nang makalapit roon at mailapag ang bulaklak. “pasensya ka na kung ngayon lang uli ako nakadalaw. Pero mukha namang may nangangamusta pa rin sa 'yo. May tuyo’t na bulaklak ka pa rito.”
Napahinga muna siya nang malalim bago muling nagsimulang kausapin ito. “The last time I talked to you, sabi ko mahal ko na si Aid,” mapait naman syang napangiti roon. “and I still love him, Den. We were there, dahil sabi n'ya mahal n'ya ako. Nandoon na kami pero lumayo ako sa kanya para harapin ko ang bilin mo noon. Ang maging malakas ako. Ang mabuhay ako hindi para sa 'yo pero para sa sarili ko. I live, Den. I survived. kaya ko ng mabuhay hindi para sa 'yo o para sa kahit na kanino kundi para sa sarili ko. Mas malakas na ko ngayon. See, ‘di na ako iyakin.”
Napahinga na lang siya ng malalim ng walang makuhang sagot mula rito. Ano nga bang inaantay niya? Palakpak mula rito o kaya naman ay tapik sa likod. O iyong nakasanayan niyang marahang paggulo nito sa buhok niya.
Wag na lang. Nakakatakot kaya ‘yon.
Natawa na lang siya sa sarili sa naisip. Mukhang hindi pa siya ganoon katapang. Takot pa rin kasi siya sa multo.
Noon naman niya narinig ang mahinang pagpalakpak. Nanigas tuloy ang buo niyang katawan. Diyata’t nagkatotoo ang iniisip niya at minumulto na siya ngayon.
But relief flooded in her system nang marinig niya ang isang pamilyar na tinig. Ang tinig na matagal na niyang inaasam na marinig.
“Congratulations, sweetheart.”
Marahan siyang lumingon and alas, here comes her prince.
“Is this the end of forever?” anito habang naglalakad palapit sa kanya. “or will I still wait for that to come?”
“Aid…” usal niya ng nasa harapan niya ito.
“Yes, Joey. It’s me,” may lungkot na saad nito. “I’ve waited. I hope it’s enough to prove to you that I love you. Pero kung sasabihin mong mag-antay pa ako, then I’d gladly obliged.”
“Aid…” naluha na niyang saad. Hindi kasi niya alam kung ano ang sasabihin niya rito. She missed him. And she still loves him.
“Joey, what will I do to you?” anito habang pinupunasan ang kanyang luha ng tuluyan na itong makalapit sa kanya. “Nakakaiyak bang makita ako?”
Umiling siya roon. Ngumiti naman ang binata at hinalikan ang kanyang noo.
Doon na siya hindi nakapagpigil at niyakap na ito. “I missed you so much. So much it hurts to see you. Hindi ko alam kung gaano ko hinanap ang prisensya mo kundi pa kita nakita.” Hagulgol niyang saad.
“I know.” ganting bulong nito. “Have you found yourself? Your strength?”
“Yes. Can I come back now?”
“That’s all I want.”And the next thing she knew, he was kissing her. Savouring the lost six months.
“Do you really love me?” aniya ng ilayo nito ang labi sa kanya. “Hindi ka ba naudyukan lang ng obligasyon mo sa sinabi ni Den?”
Napangiti naman ito habang hinahawi ang ilang hibla ng kanyang buhok. “Sa tingin mo ba, isang simpleng papel lang ang makakapagpasunod sa akin? Isang multo na hindi naman ako kayang saktan? At isang pangongonsensya ng isang makulit na yumao?” taas ang kilay na saad nito.
“I don’t know,” irap niya rito. Napatili na lang siya ng buhatin siya nito at iikot sa ere.
“Give me some credit, sweetheart,” anito at marahang siyang muling inilapag at dinampian ng halik sa labi. “hindi mo ba naisip na pwede ko namang hindi pansinin 'yong sulat at pabayaan ka. But I didn’t, I stayed. Abmnd besides, hindi rin ba sumagi sa isip mo na kaya ko sinunod ang habilin ni Den ay dahil gusto ko din 'yong idea na alagaan ka?
“Ginawa ko lang ang alam kong dapat, kahit wala ang sulat ni Den, gagawin ko lahat ng ginawa ko. I will stay with you. By your side. Not because I pity you but because I love you. I love you ever since the first time I saw you.”
Napasinghap siya sa sinabi nito. She can still remember the first time that she saw Aid. There was sadness in his eyes every time he would look ate her. Akala niya ay wala lang iyon.
“Yes, sweetheart. Noon pa.” putol nito sa pagbabalik tanaw niya na tila alam nitong inaalala niya ang nakaraan. “Sa kasamaang palad ay nauna si Den sa 'yo. I tried to look to other girls pero ikaw lang ang umuukilkil dito,” sabay turo sa dibdib nito.
“Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa pagkamatay ni Den o malulungkot. He died at mayroon na akong pagkakataon but every time I looked at you, parang may nawala rin sa 'yo. I tried to stay away pero hindi ko kinaya kaya bumalik din ako. I was about to court you pero isang halik ko lang tumiklop ka na kaagad. Aray!” Nahimas nito ang braso ng isang malakas na hampas anf gawin niya doon.
“Kapal ng mukha nito,” himutok niya at napangiti na lang siya nang yakapin siya nito.
“Totoo naman, 'di ba? We were inseparable after that kiss,” may ngiti sa labing saad nito.
“Yes, we were. Pero di ko alam kung anong mayroon tayo noon.”
“Hindi mo alam?” gulat na tanong ni Aid. “Ako din, eh. But I’m happy that you are with me and you need me. Okay na sa akin ‘yon kaysa sa wala. Beggars cannot be choosers.”
“Right,” nakangiting sang-ayon niya rito.“Hindi ko naalala ang sulat na ni Den until you found it. But then, there you are crying over the letter.”
Mahina na naman niyang hinampas ito. Hinuli naman nito ang palad niya ng muli sana niya itong hahampasin at dinala sa labi nito.
“And that was the most dreadful day for me.” Malungkot nitong saad. “Ang araw na pinagdudahan mo ang pag-ibig ko at lumayo ka para alagaan ang sarili mo. I summon all my strength not to come to you pero di ko rin mapigilan ang sarili ko. Paminsan-minsan ay dumadaan ako sa bookstore mo. Sa bahay mo at kung saan-saan pang lugar na pinupuntahan mo just to know that you are fine and get a glimpse of you. Just a glimpse and it will be enough for days.” Huminga ito ng malalim.
“But now, I’m cutting those dreadful days,” putol niya sa pagkukuwento ni Aid. “kung pababalikin mo pa ako sa buhay mo.”
“Hell, I will!” masiglang saad nito at muling sinakop ang kanyang labi. “I love you, Joey Clarisse. Will you take me forever?”
“Yes, forever,” bulong niya bago siya na mismo ang tumawid sa distansya sa pagitan nila para halikan ito.
“Ayos ka rin magpropose. Sa mosuleo pa,” nakangiti niyang saad.
“Ayaw mo, n’on. May basbas na mula sa lolo at lola ko at sa kakambal ko?”
Nagkatawana sila roon.
BINABASA MO ANG
[Completed] What Part of Forever?
RomanceWhen Aiden died, Joey thought she died with him. Until she saw him again...Pero ang kakambal pala iyon ni Aiden na si Aidan. Okay lang naman sana sa kanya na palagi itong nasa paligid pero ang makasama ito sa buong durasyon ng pagluluksa niya ay hi...