FOREVER

37 16 0
                                    


Kasalukuyan ako ngayong nagboboys hunting sa school kasama si Claire.

"Hoy Chelsea! Magboyfriend ka na nga. Di ka matali sa isa eh." Bulyaw sa akin ni Claire.

"Hihi! Hayaan mo na. Alam mo namang isa ito sa kasiyahan ko 'di ba? Saka ayaw ko pa magboyfriend, isang taon kaya ako nagmove on doon sa ex ko tapos magpapaloko na naman ako? No way!"

"Haist, bahala ka nga diyan." May pagtaas pa ng dalawa niyang kamay tanda ng pagsuko nito sa kapapangaral niya sa akin.

Maya-maya ay tumabi sa amin ang kaklase kong born again na si Ate Redeemer.

"Uy! Hallelujah!" bati ko sa kanya.

Bigla akong siniko ni Claire at sinamaan ng tingin.

"Huwag mong asarin, grabe ka!" bulong nito sa akin na alam kong hindi natutuwa sa ginawa ko.

"HAHA, hayaan mo na. Mabait naman iyan e, hindi iyan magagalit." Bulong ko rin dito.

"Hala bahala ka diyan. Mag-ccr muna ako. Baboosh!" patakbong umalis si Claire.

Lintik iniwan baga naman ako. Haist alam kong yayayain na naman ako nito. Pang-ilan na bang lapit na niya? Panglabing-isa na yata e.

"Chelsea, invite sana ulit kita sa church namin sa Linggo." Nakangiti nitong pag-anyaya sa akin.

Wala ba siyang sawa? Humindi na ako ng humindi e.

"Ah pag-iisipan ko muna ha baka may gagawin ako sa Linggo e."

"Subukan mo lang kahit isang beses pleaseeee!"

Haist. Di ko alam kung makokonsensya ba ako o hindi. Sobrang bait kasi ni Ate Redeemer. Maka-oo na nga lamang basta isang beses lang talaga.

"Sigi. Isang beses lang ha."

Linggo:

Nagkakantahan sila ng mga awiting hindi ko alam basta nakitayo na lang ako at nakikipalakpak. Masaya naman ang tugtugin. May mga humihiyaw, sumasayaw at may mga nakataas ang kamay. Hindi ko na nauunawaan ang iba pa nilang ginagawa dahil busy na ako sa panonood sa mga naglelead. Ang galing nung nagdudrums, grabe ang astig para tuloy gusto kong magpaturo. Maya maya ay naging malungkot na ang tugtog. Pumikit silang lahat, ang iba ay nakataas pa rin ang kamay, may umiiyak na, may mga lumuluhod, may humahugulgol. Kinikilabutan ako sa nangyayari, mukha silang mga baliw. Bakit ba sila nagpapakabaliw? Bakit nila ginagawa ang mga bagay na ito? Tss. Hindi na talaga ako mauulitan sa sunod.

Sa preaching naman, masaya ang pagtuturo ng pastor kaya nautas ako ng kakatawa kanina. Wala na akong ibang naalala kundi iyong mga joke na sinabi ni Pastor kaya noong nagcellgroup yata ang tawag doon? Nakikigaya na lamang ako sa sagot ng mga kasama ko sa bilog.

Bago kami umuwi ni Ate ay pinakilala niya ako sa kanyang mga kapatid sa pananampalataya. Grabe marami palang gwapo rito. HIHI! Sisimba ulit ako sa susunod.

Mission:

Makahanap ng isang lalaki na born again dahil narealized ko na tapat at mahal na mahal nila si Lord kaya paniguradong mamahalin din niya gaya ng katapatan niya kay Lord. HIHI. Iyong lalaking mabait, maalaga, hindi nang-iiwan, tapos hindi pa niya ako aawayin dahil akung mag-aaway man kami? paniguradong siya ang magsosorry kasi mababaw konsensya niya haha. BORN AGAIN E!

Hindi nga ako nagkamali sa aking desisyon na manatili sa church dahil sa loob ng dalawang buwan ay nakilala ko ang lalaking magpapatibok ng sobra sa puso ko. Ayiee, kinikilig ako! Iyong lalaking hindi ko akalain na kababaliwan ko ng husto. Nagawa ko ang mga bagay na sabi ko noon ay hindi ko kailanman gagawin pero kinain ko lang ang lahat ng sinabi ko. Ganon pala kapag nakadama ka ng tunay na pag-ibig. Gagawin mo ang lahat mapasaya lang ang iyong iniibig. Nahanap ko rin sa wakas ang mamahalin ko ng sobra at syempre iyong mahal na mahal din ako.

"Si Lord!"

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now