Nandito kami ngayon ng mga pinsan ko sa baysanan. Mary (Ako), Claire, Chelsea at Lorie. Itong si Chelsea ay napakalakas ng trip, gusto na namang magboys hunting. Pagwapuhan at paramihan ng makikita.
"Ang gwapo naman nung nakapula."
"Basta akin iyong nakajacket na blue."
"Mas gwapo kaya iyong nakawhite kaso may syota namang kasama."
"Hep! Hep! Tama na kayo sa mga gwapo na iyan baka mamaya mahimatay kayo kapag nalaman ninyong pinsan niyo pala."
Sabay-sabay kaming nagtawanan sa sinabi ko.
Ipinagpatuloy pa rin nila ang kanilang ginagawa nang mapadako ang aking tingin sa lalaking nakapula. Titig na titig siya sa amin. May type ba siya sa amin? O baka naman ako ang tinitingnan niya. HAHA assuming. Maya-maya pa ay nag-announce ang host na 15 minutes na lang ay mag s'start na ang sayawan. Tumayo tuloy iyong lalaki at nagulat ako nang tumigil ito sa harap namin.
"Hi!" bati niya sa amin.
"Hello pogi ." Medyo kinikilig kilig pang sabi ng aking mga pinsan.
"Anong pangalan mo?" habol na tanong ni Lorie sa kanya.
"I'm Mark." Nakangiti nitong sabi.
Shemaayyyyyyyyyyyyy! Ang laki ng boses niya, mas gwapo kapag malapitan at ang bango pa niya.
"May partner na ba kayo sa sayaw?" pahabol ding tanong sa amin ni Mark pogi.
"Ah naghahanap pa kami. Medyo choosy kami eh. HAHA ikaw ba meron na?" balik na tanong ni Lorie.
"Meron na, kanina pa."
Sabay tingin niya sa akin. Siniko tuloy ako ni Lorie.
"Ayiee. Sino? Bakit hindi mo siya ayain. Malay mo naman pumayag siya?" may pang-aasar na sabi ni Claire.
"Gusto ko sana kaso baka masuntok ako ng kuya niya."
"Ha? E bakit naman? Papayagan naman siguro ikaw ng kuya niya na maisayaw mo si Mery."
"Haleeeeeeeer? Mga luka kayo, I mean baka masuntok ako ng kuya niya kapag nalaman niyang siya ang type kong isayaw." Palatak pang sabi nito.
Juicecolored! Ayy bakla pala!
YOU ARE READING
One Shot Stories
RomanceSa mga nais ng maiiksi ngunit magandang kwento. Tara rito, saglit kayo :)
