"Ghelayyyyyyyyyyyy! Tara na sa Sci-Lab." Hatak sa akin ni Lorna.
Teka! Sci-Lab? Ngayon na ba ang eleksyon para sa panibagong officer ng ating departamento? Tumigil ako sa paglalakad at kinuha ang aking salamin sa bag. Tss. Iyong lipstick ko, hindi pa ayos.
"Seryoso? Ngayon na talaga ang eleksyon?" may pag-aalalang tanong ko sa kanya.
"Kahit kailan talaga Ghelay, makakalimutin ka. Doon ka na mag-ayos, never ko pa namang nakitang naging ayos iyang lipstick mo kaya hayaan mo na. Ayoko pa namang umupo sa una. Tara!" Palatak pa nitong sabi.
Pagkarating na pagkarating naming dalawa ay marami nang nakaupo sa bandang huli kaya no choice kami kundi maupo sa una. Nagmamadali na akong mag-ayos dahil baka makarating na ang aming president. Hihi, si crush. Arjay Subil <3
Crush na crush ko siya since 1st year ako kaso ahead siya sa akin ng isang taon. Never pa kami nagkakwentuhan at kung magkakausap man kami ay patungkol lang sa school. Baka nga hindi niya alam ang pangalan ko e. Hayys, yae na. Gagraduate na naman siya. Last year ko na 'to para maging crush siya.
Naglalagay pa ako ng lipstick nang dumating na ang mga officer. TSS! Paktay, 'di pa naman ako tapos. Bakit kasi hindi ako marunong maglagay. Kung hindi makapal ang lagay, lampas naman o madalas ay hindi pantay. Lagi tuloy napapansin ng mga nasa paligid ko kung gaano ako kapalpak maglipstick. Sana naman hindi mapansin ni crush. Haays, naiinis kong inilagay ang mga nakalabas kong gamit sa bag at baka masamsam pa ni crush. Mahigpit pa naman ang isang iyon pero love na love ko pa rin siya kahit ganurn hihi.
Nagsasalita na si crush patungkol sa magiging flow ng eleksyon ngunit wala akong naiintindihan sa mga pinagsasabi niya dahil wala akong ibang nakikita kundi siya, siya at siya lamang. Iniisip ko kasi na kami lang dalawa ngayon ang nasa sci-lab, nakatingin siya sa akin at kinakausap niya ako.
"Who wants to nominate to be my future wife?" rinig kong tanong ni crush. Teka kami lang naman dalawa ang naririto ah.
Tama ba ang naririnig ko? Nagtatanong siya?
Itinaas ko ang aking kamay at agad na tumayo.
"I nominate myself to be your future wife and the mother of your kids." Sigaw ko pang sabi sa kanya.
"Uy pinagsasabi mo riyan. Nomination for new president be ang tinatanong ni Arjay. Umayos ka HAHA!" bulong sa akin ni Lorna.
Narinig ko ang tawanan sa paligid ko kaya sa pagtawa nilang iyon saka ko naaalala na marami nga pala kaming naririto. Natampal ko bigla ang aking noo. Daydream pa more Ghelay, daydream pa. Nakakahiya ka na.
"Stop! Walang mag-iingay." Maotoridad na saway ni Arjay sa kanila.
Iyan na naman ang nakakatakot niyang boses kaya nagsitigil silang lahat. Yumuko ako nang papalapit ito sa akin."Ghelay!" pagtawag nito sa akin.
Teka? Kilala niya ako? Gosh. Kilala pala ako ni crush.
"Ghelay Malabanan! Tumingin ka sa akin." Buong pangalan talaga sinabi niya?
Nag-angat ako ng ulo ngunit hindi ako makatingin sa mga mata niya. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng aking puso.
Dug! Dug! Dug! My heart!
"Hindi ka na bata para gawin mong biro ang eleksyon."
Lumapit pa ito sa akin ng ilang hakbang at hinawakan ang aking baba. Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Sheeeeeemaaaaaaaay. Di ako makahinga.
"Pero kung gusto mo talagang magvolunteer na maging asawa ko..." pabitin pa nitong sabi at biglang hinawakan ang gilid ng aking labi. Gosh, anong balak niyang gawin. Maraming tao crush, huwag dito. Mahiya ka HAHA!
"Kung gusto mo akong maging asawa, ayusin mo muna ang iyong paglilipstick." Seryoso niyang sabi.
Nagtawanan lahat ng mga minion sa aking paligid dahil sa sinabi nito.
Tss! Gosh. Gusto lang siguro niya ako mapahiya. Tinampal ko ang kanyang kamay at balak ko na lang na lumabas sa Sci-Lab. Nasa pintuan na ako nang dugsungan ni Arjay ang sinabi niya kanina.
"Dahil kung hindi mo iyan aayusin, sa susunod ay ako na mismo ang maglalagay sa iyo ng lipstick."
Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi niya.
"Ibig sabihin? Bakla ka?" sabay-sabay nilang tanong sa kanya.
"Hindi! Pero willing ako magpakabakla para sa kanya."
YIEEEEEEEEEEEEEEEEE!
Ang sweet!
Walang poreber!
Kasabay nang pagpula ng aking mukha ay napuno na nga ng hiyawan ang buong sci-lab.

YOU ARE READING
One Shot Stories
RomanceSa mga nais ng maiiksi ngunit magandang kwento. Tara rito, saglit kayo :)