Pauwi na kami ni Eva nang mapag-isipan muna naming magwindow shopping sa may SM.
"Uy, bruha! Hanggang ngayon na lang pala ang sale sa SM."
"Oh, e ano naman kung hanggang ngayon? May pambili ka? May pambili ka?" sarkastik kong pang-ookray rito.
Inirapan lang ako nito at nagpatuloy na lang kami sa paglalakad. Maya-maya ay napagdesisyunan na naming dalawa na lumabas dahil wala naman kaming mga pera. Malapit na kami sa may elevator nang mahagip ng aking mata ang bag na gustong-gusto ko.
Agad ko iyong hinawakan at sinuri. Grabe, napakagandang klase ng bag na iyon. Lumapit sa amin ang sales lady at sinabi nito ang kagandahan ng bag na iyon kesyo iyon daw ang pinakabest seller nila kaya bago pa magtagal ang aming diskusyon ay tinignan ko ang price tag nito.
Aww. 2,999! Saan ako kukuha ng pera na iyon. 50 nga lang pera ko e, sakto lang sa pamasahe ko pauwi.
"Miss, kukunin mo na ba? Last stock na namin iyan Ma'am baka gusto niyo na pong bilhin?" pang-aalok sa akin nung sales lady.
Agad akong umiling at naghihinayang na ibinalik ang bag sa dating pagkakalagay nito. Bigla naman may sumulpot na magandang tanawin sa aking harapan at hinawakan ang bag na aking sinuri kanina.
"Lex! Akin na. Mukhang kulang pera mo e." sabay ngiti nito sa akin ng pagkalaki-laki. Gosh! Nakabrace pa. Shemayyyyy! Ang gwapo talaga ni Elton. Lumapit agad siya sa counter at binayaran ang bag na iyon nang tumingin siyang muli sa akin at ngumiti.
"Gosh, Lexie! Magkakaboyfriend ka na ata tapos iyong crush mo pa." May paghampas pa ng kamay sa akin ni Eva.
"Loka, kalma ka muna. Ayaw kong mamula HAHA!" pagpigil ko sa kanya.Papunta na muli siya sa pwesto namin kaya nanginginig ang tuhod ko lalo nang tumigil siya sa aking harapan. Ayayay! Heto na, makukuha ko na ang bag na pinagkahangad-hangad ko, may free pang pogi na magbibigay sa akin nito haha. Yieeeee! Kinikilig ako.
"Lex, salamat nga pala ha?" nakangiti nitong pasasalamat sa akin at naghawak pa sa batok na tila nahihiya.
Ha? Teka! Bakit siya nagpapasalamat sa akin? 'Di ba dapat ako ang magpasalamat sa kanya?
"Ha? Bakit ka nagte-thank you?" clueless kong tanong sa kanya.
"A- ehh gawa kasi nitong bag na ito? Gustong-gusto ng magiging future girlfriend ko." Ngumiti ulit ito sa akin habang nakatingin sa aking mga mata.
Ano raw, future girlfriend? E di ako iyon? Gustong-gusto ko ang bag na iyon e. Hihi hindi ko na mapigilan na mapangiti ng pagkalaki-laki.
"Pasensya na nga pala kung kulang pambili mo ah. Naging way ko tuloy para mapasaakin ang bag na ito. Sorry huh but thank you kasi magpopropose na ako kay Lani e. Paano ba iyan? Una na ako ha. Thank you ulit." Masaya pa nitong sabi sa akin.
Hindi ako maka-ibo sa sinabi niya? Si Lani? Si Lani Gueverra ang future girlfriend niya.
Wala na! Finish na. Hindi na nga napasaakin ang bag na ninanais ko, may ibang gusto pa ang crush ko. Double kill!

YOU ARE READING
One Shot Stories
Storie d'amoreSa mga nais ng maiiksi ngunit magandang kwento. Tara rito, saglit kayo :)