LETTER, LOVE

28 15 0
                                        


Bakasyon na naman. Nakakabagot na araw. Wala kasi kaming lakad ngayon ng aking mga kaibigan. Kung magkakaroon man e tiyak na hindi rin ako makakasama dahil wala naman akong pera. Kuripot pa naman si Mama pero love ko pa rin iyon kahit ganern ahihi. Kakatapos ko lang sa mga gawain sa bahay syempre masipag ako sa istorya haha. Nagfafacebook ako ngayon dahil wala ng magawa. Mastalk na lamang ang one year crush ko, gagraduate na nga pala iyon next year kuu mamimiss ko ang isang iyon hihi. Naiinis nga lang ako kapag nagsstalk ako sa kanya dahil lagi niyang shared post ay about sa two years secret crush niya. Huhu sakit sa heart haha char. Kakaview ko pa lamang sa timeline niya nang bigla siyang nagpost.

Evan Max Tanyag

~ Si E ay para lang kay S <3

Kuu po pati naman si crush nagpapaniwala sa ganung mga bagay. Hala turn off na ako sa kanya, maiuncrush nga haha charing lang. Makapagpost na nga lang.

Shiela Mae Briones

~ Si E daw ay para lang kay S. Then kailan pa umibig ang dalawang letra? Balitaan niyo na lang ako kapag naikasal na sila. Lels. HAHA!

Dalawang minuto pa lang ng magpost ako nang may biglang nagcomment. My gosh, nagcomment si crush!

- Hi Shiela! Hindi naman mismong literal na letra ang sinasabi diyan e. May mga pangalan kasi na nasa likod ng mga letra na iyan. Si E para talaga siya kay S, siguradong sigurado siya roon ang kaso hindi niya lang sigurado e kung si S ay para nga ba kay E.

Nagulat ako sa kanyang reply. Kinikilig ako dahil S ang initial ng name ko kaso ayaw ko mag –assume. Close kasi sila ni Sam na kaklase lang niya. Makapagreply na lang sa kanya.

- Bakit ayaw mo pang pangalanan? Para malaman mo kung si E ay para nga lang kay S. Huwag ng magpakatorpe pa, gora na. Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan? Mauunahan ka ng ibang letra diyan, sigi ka.

Pinayuhan ko na siya, pag katorpe niya kasi sa mga post niya e. Alam ko namang patay na patay iyon sa kanyang ultimate crush. Kahit naman crush ko iyon ay hindi ako magagalit o maiinis sa kanya kung magkagirlfriend siya. Susuportahan ko pa nga siya. Haler? Di ako kontrabida gaya ng iba kong kawatty diyan hahaha charot.

Hindi pa siya nakakasagot sa reply ko kanina. 1 hour na rin nang mag-out siya. Maglolog-out na sana ako nang biglang sumigaw si Mama.

"Anak! May bisita ka. Manliligaw mo raw."

Hala sino kaya iyon? Si Steven, si Lev ba, si Kenneth, baka si Lex, o si Marcus? HAHA charot mga asawa ko iyan sa watty.

Si mama talaga galing magbiro may iuutos lang iyon panigurado.

Pagkalabas na pagkalabas ko sa kwarto ay nakita ko siyang nakaupo sa sofa. Biglang tumunog ang aking cellphone.

Tingggg ~

Nagreply siya.

- Sigi papangalanan ko na siya pero ayaw kong sa social media lang. Ang gusto ko ay itatanong ko sa kanya sa personal kung si E ba ay para nga lamang kay S. Nandito na ako sa inyo labas ka na sa kwarto mo. Kausap ko na si mama mo. Ang magiging mama nating dalawa.

HALA! Di ko alam kung kikiligin ba ako dahil ako pala iyong secret niya na pinagseselosan ko dati pa o mahihiya ako kasi hindi pa ako nakakaligo at gugulo pa ang buhok ko ngayon. Paktay wala pa akong kilay.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now