PAPEL

33 15 2
                                    


10 minutes nang late si Ma'am kaya ang kagulo tuloy sa aming klase. Huntahan dito, harutan doon kaya pumunta na lamang ako sa isang tabi para magbasa-basa ng notes namin noong isang araw. Mga ilang minutes pa ay dumating na rin si Mam Flores.

"Magandang umaga." Masiglang bati sa amin ni Mam.

"Mayroon tayong surprise short quiz ngayon." nakakalokong pahabol na sabi ni Mam.

"Hala!"

"Paktay!"

"Uy pagaya ako ha, hindi ako nakapagbasa."

"Di pa naman ako nakinig kay Mam, haist."

Ilan ito sa mga narinig ko sa aking mga kaklase. Panay ang kanilang pagbuntong hininga sapagkat alam nila na ang short quiz ni Mam ay 1-30 haha.

"Mam, 'di naman po ninyong sinabi na may paquiz kayo e, 'di po tuloy kami nakapagreview", pamaktol na sabi ng kaklase kong pinakamaingay sa klase.

"May surprise bang sinasabi? Kaya nga surpresa 'di ba? Bigla na lamang ito bubulaga. 15 minutes akong late kaya sana sa susunod matuto na kayong magbasa-basa ng notes, mga college na kayo! Aba saka lamang ba kayo magbabasa ng notes kapag kaorasan na? May quiz pa rin kayo kahit hindi kayo handa. Kumuha kayo ng isang buong papel, isinulat ko na sa manila paper lahat ng tanong para mabalikan niyo pa iyong iba kapag may nakakalimutan kayo, pasalamat kayo dahil hindi tayo dictation ngayon."

"Okay po Mam. Salamat." Sabi ng aking mga kaklase kay Mam na halatang kinakabahan na sa magaganap na quiz naming ngayon.

Wala namang problema sa akin kung dictation or hindi dahil nakapagreview naman ako kanina. Bahala na silang mamroblema, never naman ako nagpagaya. Magsisimula na sana ako magsagot nang bigla akong kulbitin ni crush.


"Psst! Penge ako." Pabulong na sabi sa akin ni crush.

Dali dali akong pumilas ng papel para sa kanya.

"Hindi! Hindi iyang papel na iyan ang tinutukoy ko." ngumiti siya ng pagkakatamis-tamis, sabay tingin sa aking mga mata, nakikipagtitigan siya at biglang hawak niya sa kamay ko.

DUG! DUG! DUG! My hart! My hart! Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ito na ba iyon? Iyong hihingi ng papel tapos kapag binigyan ng isa ay sasabihing hindi iyang papel na hawak mo ang tinutukoy ko, dahil ang gusto ko ay bigyan mo ako ng papel sa buhay mo. Boom!

Bigla akong bumalik sa realidad ng tinapik ako ni crush.

"Uy!"

"Ha? Ano nga pala ulit iyon." Ngiting-ngiti kong inaabangan ang kanyang sasabihin.

"Sabi ko, hindi iyan." Ngumiti ulit si crush.

"Kung hindi ito? A-a-ano?" paputol kong tanong dahil kinakabahan ako na kinikilig. Ahihi.

Lumapit siya sa tainga ko at bumulong.

"Ang hinihingi ko sayo ay ang mga sagot mo sa papel, hindi iyang papel na hawak mo, pleaseeeee!" nagmamakaawa pa niyang hawak sa kamay ko.

Wala na. Lusaw ang kaharutan sa isip ko. Walandyo! Akala ko magkakadyowa na ako!

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now