"AHHHHHHHHHHHH! Di pa rin ako makaget over besttttttttttt." May paglundag-lundag pa ako sa harapan niya.
"Saan na naman?" walang ganang tanong nito sa akin.
"Gawa kasi ng boyfriend ko. Kinikilig pa rin ako hanggang ngayon." Kinikilig kong sagot sa kanya.
"O ano namang meron sa boyfriend mo?" nakataas ang kilay nitong tanong sa akin.
"Wahhhhhhh! Ang sweet niya kasi. My gosh! Ikaw kaya ang haranahin sa school kung hindi ka naman kiligin. Buong campus na tuloy ang nakakaalam. Gosh may dala pa siyang bulaklak at malaking teddy bear. Mahal na mahal ko na talaga siya hihi." May paghampas pa ako sa balikat niya habang nagkukwento sa kanya.
"O tapos?" wala pa ring gana niyang tanong.
"Anong o tapos ka diyan. Sakalin kaya kita best nang makaramdam ka naman diyan. Yieee basta kinikilig pa rin ako hanggang ngayon." 'di ko talaga mapigilang hindi hampasin siya sa sobrang saya ko.
"Aray best naman! Ang sakit." Bigla ba naman akong pinitik sa noo.
"Men, umayos ka ha? Ayos lang naman sa akin na magboyfriend ka dahil hindi naman kita pipigilan kung gusto mo. Saka ayos lang na magkwento ka patungkol sa kanya at lalong mas ayos lang din sa akin na kiligin ka dahil naiintindihan kita. Pero alam mo kung anong hindi ayos sa akin?"
"Ano?" balik kong tanong sa kanya.
"Ang hampasin ako ng hampasin dahil lang sa kinikilig ka. Aba'y men, wake up! Hindi sila totoo, walang ganan sa mundo. WALAAAAAAAA! Kalokohan! Nagbasa ka na naman siguro ng wattpad ano? Ako'y tigil-tigilan mo sa boyfriend mong sa wattpad mo lang natagpuan. Sige, wattpad pa. Sisikuhin na talaga kita."
Bigla akong bumalik sa reyalidad. Oo nga pala, hindi pala sila totoo.
HINDI SILA TOTOO.
HINDI SILA TOTOO.
HINDI SILA TOTOO.
Awwwwwwww. Alam niyo yun? Mas masakit pa kaysa sa break up. Bakit ba kasi hindi na lang sila naging totoo,e di sana may happily ever after din ako o baka ito na ang panahon para mainlove na ako sa mismong author ng libro?
YOU ARE READING
One Shot Stories
RomanceSa mga nais ng maiiksi ngunit magandang kwento. Tara rito, saglit kayo :)
