I broke her heart and left her without saying goobye but i had a reason why i let her go.
3 years! 3 years na rin pala ng huli kong masilayan ang kanyang maamong mukha at yun yung mga panahon na sobrang nasaktan ko siya sa desisyon ko noon na hindi ko mabigyang liwanag sa kanya. Kung maaari ko lang sana ibalik ang lahat.I chose my fiancee over her dahil na rin sa banta ng mga magulang ko na pababagsakin nila ang kompanya na pinagkahirapan ng mga magulang ni Ela. Ayokong maghirap sila ng dahil lamang sa gusto kong maging masaya, ayokong may madamay na pamilya kung magmamatigas ako na sa relasyon naming dalawa. Pero wala akong nagawa, nagmistulan akong puppet na sunod sunuran sa kanila, nawalan ako ng connection sa kanya simula ng pumunta kami ng London. Sa loob ng tatlong taon , i never treat Shiela as my fiancee, so she decided to end our relationship, wala ng nagawa sila Dad. 24 na ako ngayon, so i decide to have my own decision na ibinigay na nila sakin ang kalayaan ngayon. They felt guilty dahil di ako naging masaya sa desisyon nila noon.Kalalapag pa lamang ng eroplanong sinakyan ko pauwing Pilipinas. Sana lang talaga may aabutan pa ako.
Sana hindi pa huli ang lahat para sa aming dalawa. Sana lang, mahal niya pa rin ako.Palabas na ako ng airport ng mapansin ko si Robert.
"Hey, long time no see ah?"
"Ow trop, nakabalik ka na pala ulit, di ka na namin nacontact nung umalis ka kakatampo ka."
"Long story bro, pero pupuntahan ko sa kanila si Ela ngayon e."
"Nako dude hindi mo na sya maaabutan, siguro kadarating pa lang nun sa simbahan. Di ka ba nabalitaan na ikakasal na ah? I guess alam mo na, ayy break na nga pala kayo sorry di pala ikaw ang makakasama niya.""Saang simbahan ginanap ang kasal?"
"Manila Cathedral, malapit lang. Maabutan mo pa."
"Thank you bro, i need to go".
Tss! Di ako papayag na maikasal sya sa iba pero parang ang selfish ko naman kung tututol ako sa kasal. Ako yung nang iwan e, di ko siya masisisi kung nagmahal na sya ng iba. But i really love her sana marealize nyang mahal pa rin niya ako. Sana talaga di pa huli ang lahat.Nandito na ko sa wakas, rinig na rinig ko na ang sermon ng pari. Dali-dali akong pumasok sa simbahan at sumigaw,
"itigil ang kasal!!"
Nakuha ng lahat ang atensyon ko pero wala akong pake sa iisipin nila."ELA! Mahal pa rin kita, please. Wag kang magpakasal, ikaw lang ang gusto kong makasama sa habang buhay. Sorry kung nasaktan kita, sorry kung iniwan kita pero sana pakinggan mo ang dahilan ko. Sana maniwala ka sakin! Mahal mo pa ba ako? Desperado na kung desperado pero gusto ko lang malaman baka may chance pa ko"
Nagbulung-bulungahan na ang mga tao sa loob ng may biglang lumapit sakin na babaeng abay.
"Troy, ano bang pinaggagawa mo. Ate Joy ko ang ikinakasal hindi ako."
Sama ng tingin tuloy sakin ng mga tao.
"Hehe, sorry po. ITULOY ANG KASAL!"
Kinaladkad ako ni Ela palabas.
"Ano bang problema mo? di ba wala na tayo, nakakahiya ang ginawa mo kanina troy!"
"Akala ko kasi ikaw yun"
"Nakalimutan mo na bang sinabi sayo ng Ate Joy na abay ka sa kasal niya sa 2017, na partner tayo! Sabagay ganyan ka naman, madaling makalimot!"
"Ela, sorry. Alam kong galit ka sakin dahil iniwan kita pero mahal na mahal pa rin kita promise gusto ko ipakita sayo to ng maniwala ka sakin"
Pinapanuod ko sa kanya ang video na ginawa ni Shiela bago ako umuwi sa Pilipinas. Kinuwento nya lahat-lahat.
"Ela, mahal na mahal ka ni Troy. I hope na magkabalikan kayong dalawa. Goodluck!"
Yan ang huling sinabi ni Shiela sa video na ikipinatak ng luha ni Ela.
"Stop crying please, sana mapatawad mo ako. Mahal na mahal talaga kita Ella. Sana may pag-asa pa ako sa iyo, sana hindi pa huli ang lahat."
"Sorry Troy!" nakita kong pumatak ang luha sa kanyang mga mata.
"Bakit ka nagsosorry? Mayroon na bang iba? Hindi na ba ako? Wala na bang pag-asa?" sunod-sunod kong tanong sa kanya. Ansakit lang, bakit siya nagsosorry :(
"Sorry dahil inisip kong nagsawa ka lang sa akin. Sorry kasi inisip kong manggagamit ka lang. Sorry dahil inisip kong pampalipas oras mo lang ako dahil ang totoong mahal mo ay fiancee mo pero mali pala ako." umiiyak na sabi ni Ella sa akin.
"Tahan na Ella, hindi mo naman kasalanan kung bakit nag-isip ka ng masama sa akin e. Hindi ko lang nasabi sa iyo ang dahilan kaya huwag mong sisihin ang sarili mo. Huwag ka ng umiyak, nandito na ulit ako. Hindi na papayag na mawawala pa sa iyo. Lalaban na ako. Lalaban tayo! Laban?"
"Lalaban para sa forever!"
At tuluyang niyakap ko siya kasabay ng pagbuhos ng mga luha.
YOU ARE READING
One Shot Stories
RomanceSa mga nais ng maiiksi ngunit magandang kwento. Tara rito, saglit kayo :)
