"Klea, kinukuha nga pala sa akin ni Xymer ang number mo." Kinikilig na sabi ng aking bestfriend na si Maria.
Hala! Yung crush ko? Kinukuha niya ang number ko. Papahard to get ako ng konti HAHA.
"Pakisabi na lang sa kanya na ayaw ko." Seryoso kong tugon sa kanya.
"Ha?" gulat na gulat niyang tanong pabalik sa akin.
"Ha? Hak –dog!" sabi ko sa kanya na ikinataas ng kilay niya.
"Crush mo si Xymer 'di ba?" takang tanong niya sa akin.
"Oo nga. Wala lang basta ayoko lang." seryoso ko pa ring sabi sa kanya.
"Hoy bruha, crush mo iyon 'di ba? May chance ka na para maharot siya haha bigay mo na kasi dali." Pagpipilit nito sa akin.
"Sabing AYOKO! AYOKO! AYOKO!" may diin na bigkas ko rito.
"Bakit ayaw mong kuhanin ko ang number mo?" sabi ng lalaking nasa likod ko ngayon. Paktay, si crush!
"Bakit ayaw mong ibigay sa kanya ang hinihingi ko?"
"Ayaw mo bang itext kita?"
"Ayaw mo bang tawagan kita?"
"Ayaw mo na magu-update ako sa'yo?" seryoso nitong tanong sa akin. Hindi ako makaimik. Hindi ako makapag-isip. Kinikilig ako HAHA.
"Ayaw mo ba sa akin?" huling tanong nito sa akin na kinareact ng aking mga kaklase
"Woooooo"
"Ayaw mo ba sa akin?" pag-uulit na tanong niya na mas ikinaingay lalo ng mga kaklase ko.
"Hala LQ na iyan."
"Bagong love team na ba ito ng bayan?"
"Ayieeeeeeeeee!"
Hala. Ano na? Anong sasabihin ko sa kanya? Papakipot na lang muna ako HAHA!
"Oo! Ayaw kong itext mo ako kasi baka hindi lang ako ang katext mo."
"Ayaw kong tawagan mo ako kasi baka isa lang ako sa mga katawagan mo."
"Ayaw kong mag-uupdate ka sakin tapos nag-uupdate ka rin pala sa iba."
"At alam mo sa huling tanong kung ayaw ko ba sa iyo? Hindi! Ayaw ko lang talaga ibigay ang number ko kasi baka paasahin mo lang ako."
Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin. Pumantay siya at tinitigan ang aking mga mata. Gosh! Ampogi mo talaga crush. Napapalunok-lunok ako ng slight nang bigla niya akong pitikin sa noo.
"Aray! Bakit mo ko pinitik?"
"Unang-una, normal lang na kuhanin ko ang number mo dahil leader mo ako."
"Pangalawa, normal lang na itext at tawagan kita para malaman mo kung saan tayo magkikita-kita."
"Ikatlo, normal lang din na mag-update ako sa iyo kasi magkagrupo tayo.
"Panghuli, kung ayaw mo ba sa akin..." pagputol pa nito.
Ano sasabihin niya. Tuloy mo uy!
"Kung ayaw mo sa akin, mas ayaw ko sa iyo." Seryoso nitong sabi.
Nagbubulung-bulungan na ang mga kaklase ko dahil sa mga sinabi niya.
Teka hindi ko naman ayaw sa kanya ah?
"Kaso sabi mo nga kanina ayaw mong ibigay sa akin ang number mo kasi ayaw mong paasahin kita. FYI hindi kita paaasahin kita hindi naman kita gusto--..."
Hindi ko na siya pinatapos at nagwalk out na ako. Gosh Klea! Nag-assume ka na napahiya ka pa. Leader mo siya sa film making, umayos ka.
Biglang may naramdaman akong kamay sa aking balikat na nakapagpatigil sa pag-alis ko.
"Hindi pa ako tapos magsalita, where is your manner?" seryoso pa rin nitong pagkakasabi.
"Patapusin mo muna ako bago ka umalis." Ngumiti na siya sa pagkakataon na ito.
"Hindi kita paaasahin kasi hindi naman kita gusto. Klea, mahal na kasi kita."
Sobrang lakas ng hiyawan ng mga kaklase ko sa pag-amin niya ngunit mas malinaw kong naririnig ang tunog ng tibok ng puso ko. Mahal rin pala ako ng taong mahal ko.
"Okay, cut!"
Biglang sigaw sa amin ni Direk.
"Good job Airon and Diane. Napaniwala niyo kaming inlove kayo sa isa't isa, tama lang na kayo ang napili ko sa pelikula na ito. Magbreak na muna kayo, okay?" nakangiti na sabi samin ni Direk bago ito umalis.
Napalingon ako kay Airon habang papunta siya sa kanyang sekretarya. May luhang tumulo sa aking mga mata. Agad ko itong pinunasan para walang makakita. Wala pa ngang tayo tapos break agad? Bakit kasi kailangan na maging acting lang ang lahat para lang maramdaman kong mahal mo rin ako. Ayy oo nga pala, magkaloveteam lang tayo. :(
YOU ARE READING
One Shot Stories
RomansaSa mga nais ng maiiksi ngunit magandang kwento. Tara rito, saglit kayo :)