Heart Touching Story

28 14 0
                                    


"Inay, birthday ko po ngayon. May handa po ba tayo?" tanong ko sa aking ina na kasalukuyang tumitingin sa mga kalakal na napulot namin kanina, umaasang may mga bagay na maaari pa.

"Nako anak, pasensya ka na ah. Tamang pangkain lang maghapon at pambayad natin sa tubig ang pera na naipon namin ni Itay mo sa pangangalakal kahapon. Hayaan mo anak, babawi kami ng iyong itay sa susunod na araw. Dadayo kami sa kabilang baryo para mangalakal. Happy Birthday sa iyo Ana."

"Ayos lamang po Inay, nauunawaan ko naman po sitwasyon natin eh. Hindi naman po ako naghahangad ng malaki. Basta nandito kayo parehas ni Itay, masaya na ako." Niyakap ko si Inay.

"Hep hep! Anong kadramahan iyan. Bakit hindi yata ako kasali diyan?"

Hindi namin namalayan na dumating na pala si Itay.

"HAHA! Eto kasing anak mo, agang-aga ay pinapaiyak ako palibahasa ay kaarawan ngayon."

"Ana., happy 7th birthday sa iyo anak. Pasensya ka na ha dahil sa halip na nasa bahay tayo para magcelebrate ngayon sa kaarawan mo, heto nangangalakal tayo. Iyong Barbie na gustong gusto mo mabili natin noong isang araw, hindi ko rin mabili dahil binigay ko na sa inay mo para may panggastos tayo mamaya. Pasensya na sa mga pagkukulang ni Itay mo ha, hindi ito ang gusto ko para sa iyo anak."

Naiiyak ako sa sinabi ni Itay. Alam kong gustong gusto niya na mabilhan ako ng mga bagong damit dahil galing lamang sa pinaglumaan ng aming kapitbahay ang damit na suot-suot ko ngayon. Gusto niya rin sana bilhan ako ng bagong bag dahil magtatatlong taon ko na rin palang gamit ang bag na ipinangpapasok ko ngayon. Gusto niya rin na mabilhan ako ng black shoes dahil naaawa siya sa akin sapagkat ako na lamang ang nakatsinelas sa aming room. Gusto rin niya na magkaroon kami ng sariling bahay dahil nakikitirik lang kami ng bahay sa isang bakanteng lote. Yari lamang ito sa mga pinagtagpi tagping tabla, kawayan at bubong. Pero hindi naman ako nanghahangad ng sobra e. Masaya na akong kasama sila.

"Inay, itay Huwag na kayong malungkot. Hindi naman ako galit sa inyo e nang dahil lang sa hindi ninyo maibigay ang lahat ng pangangailangan ko. Pera,damit, bahay? Oo, kailangan ko ang mga bagay na iyan pero kung hindi pa naman kaya ibigay sa ngayon? Bakit ako maghahanap? Nakikita ko naman po ang pagpupursigi ninyo sa akin para makapag-aral. Naaappreciate ko po iyon ng sobra. Kaya pangako ko po sa inyo, magtatapos ako ng pag-aaral. Iaahon ko kayo mula sa kahirapan. Mahal na mahal ko kayo."

Napakaswerte ko sa mga magulang ko. Mahirap man kami, mayaman naman kami sa pagmamahal. "J

"Annnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnaaaaaaaaaaaaaaaaa! Kakain na." rinig kong sigaw ni Mama.

"Hala, Kaye at Bryan, uuwi na ako ah. Baka magalit si Mama e. Bukas na lang ulit tayo magbahay-bahayan ha?" sabi ko sa aking mga kalaro.

"Sigi basta bukas kasal-kasalan naman ah! Sama mo naman si Kuya mo, baka kahit doon man lang sa laro ay mahalikan ako. Yieeeee!"

"Haha loka. Grade 3 pa lang tayo, umayos ka."

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now