Nagpost ako ng panibagong love advice sa timeline ko kahit never naman ako nagkadyowa. Haha wala lang trip ko lang, feeling PRO kahit hindi naman naranasan. Marami naman kasing nagshashare at nagrereact kahit papaano kaya gora lang.
Today's Advice:
Huwag na huwag mo nang ipagpilitan ang sarili mo sa taong obvious namang ayaw sa iyo. Kalimutan mo na siya, i-block mo pa para mas masaya HAHA.
Ilang minuto pa lang nung magpost ako nang may magcomment dito.
Mark Lacson: Siguro nga, ito na ang panahon para kalimutan na kita. Paalam L
Nagtaka ako sa comment niya kaya napa-stalk ako ng wala sa oras. Unang-una, hindi ko siya kilala. Ikalawa, hindi ko siya friend sa fb. Ikatlo, wala lang. Gusto ko lang magbilang HAHA.
May friend request pala siya sa akin. Sabagay hindi naman ako nag-aaccept nang hindi ko kilala. Kaschoolmate ko pala siya at hindi talaga siya pamilyar sa akin dahil magkaiba naman kami ng department. Grabe, ang pogi pala niya. Hihi pwede na to madyowa. Tiningnan ko na rin ang message request nagbabakasaling may message siya. Tama nga ang aking hinala, mayroon nga. Hindi naman ako mahilig magtitingin ng message request dahil chrome lang gamit ko HAHA de joke lang, isnabera sadya ako. Nagulat ako dahil simula pala noong 2016 hanggang 2019 ay may mensahe siyang ipinadala. Binasa ko simula sa umpisa hanggang sa huling chat nito sa akin.
"Crush paaccept!" September 2016
"Crush, alam mo crush na crush talaga kita." December 2016
"Naghi ako sa iyo kanina kaso inisnob mo lang po ako." March 2017
"Gusto sana kita lapitan kaso takot akong mareject mo lang L" October 2017
"Ako nga pala iyong ngumiti sa iyo kanina kaso nilagpasan mo lang po ako. Sakit sa heart. </3" June 2018
"Hindi mo po pa rin ako ina-accept. Naka limang ulit na ako ng friend request. Ayaw mo ba sa akin?" January 2019
"Balita ko po, hindi ka raw nagpapaligaw. Ako na lang po kaya? Payag ka ba?" March 2019
"Crush, kinulbit kita kanina kaso nagalit ka, mukhang badtrip ka yata kaya hindi ko na tinuloy ang balak ko sana na ayain kang kumain sa labas. Next time na lang." May 2019
"Star, date tayo kapag nabasa mo ito. Ito na muna ang huling mensahe ko sa iyo ha. Sana naman mabasa mo." July 2019
Gosh! Patay na patay na patay pala siya sa akin. HIHI! Iaccept ko na kaya nang magkasyota na ako HAHA.
Pipindutin ko na sana ang accept nang bigla naman itong nawala. Laaa? Anyare?
Sinearch ko ang pangalan niya ngunit wala ng lumabas.
Inulit ko ulit ngunit wala talaga. Paktay! Nablock na nga yata niya ako. Hala joke lang iyong post ko, hindi mo dapat sineryoso. Nakakainis naman oh. Kung alam ko lang na sa friend request pala ako magkakadyowa e di sana inaccept ko na lang silang lahat matagal na. Bwisit, doon sa sinabi mong balita mo hindi ako nagpapaligaw? Mali ka roOn oyyyy. Ikaw lang nagkamaling magkagusto sa akin. Takte, blessing na nga naging bato pa! DYOWANG DYOWA NA AKO UYYYYYYYYYY!

YOU ARE READING
One Shot Stories
RomanceSa mga nais ng maiiksi ngunit magandang kwento. Tara rito, saglit kayo :)