Mingming (The Cat Love Story Kuno)

32 14 3
                                    


"Sandy!" pagtawag ko sa aking pusa. Pakakainin ko sana siya nang mapansin kong wala na naman ito sa bahay. Haist, dalawang linggo na simula nang matuto siyang maglayas. Ang nakakainis pa nito ay doon siya nagpupunta sa bahay ng ultimate kaaway ko noong highschool pa. Si Bryle, iyong mahangin naming kapitbahay. Lagi na kami nagbabangayan at lagi kaming nag-aasaran. Nakakaasar kasi pagmumukha niya. Dalawang linggo na rin simula nang kinakaon ko sa mismong bahay nila para kunin ang aking pusa. Mas lalo talaga akong nabadtrip dahil sa kayabangan niya. Tandang tanda ko pa ang mga sinabi niya sa akin nung isang araw.

"Ayieeee. Inuutusan mo lang naman siguro ang pusa mo na araw-araw magpunta rito para palabasing sinusundo mo siya pero ang katotohanan naman ay ako ang nais mong makita. Miss mo agad ako ano? Huwag kang mag-alala, na-appreciate ko effort mo. Mingming ko." Mapang-asar pa nitong sabi.

Ewww. Yak. Nakakadiri siya! As if naman gusto kong makita ang kanyang pagmumukha, tss!

Lalabas n asana ako ng bahay para kaunin na si Sandy nang biglang may kumatok sa pinto.

"Oh, pusa mo. Nilalandi ako."

Pahagis pa niyang bigay sa akin. Buti na lang nasambot ko kung hindi malilintikan siya sa akin. Binitawan ko ang aking pusa para sana hampasin si Bryle kaso nailagan niya. Inirapan ko na lang siya.

"Ang yabang mo."

"Anong mayabang dun? Tingnan mo nga pusa mo oh, nasa akin na naman."
Tinuro niya si Sandy na nag-iikot sa kanya at naglalambing.

"Bakit ba laging nasa iyo ang pusa ko? Ginayuma mo yata, ngayon ko lang nalaman na pumapatol ka pala sa pusa." Asar ko sa kanya.

"Aba! Malay ko diyan sa pusa mo? Hindi ko naman akalaing sa sobrang gwapo ko pati naman pusa ay maiinlove sa akin, baka nga pati iyong amo niya eh denial lang."

"Iyang kahanginan mo ay sumosobra na. Akin na nga iyang pusa ko baka magustuhan mo at makuha mo pa."

"Hindi naman iyong pusa mo ang gusto ko e."
"Oh, e ano?"

"Iyang puso mo, mingming ko!"

Dug! Dug! Dug! My hart! My Hart!

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now