BESTFRIEND

29 14 1
                                        


 "Siya iyong transferee 'di ba? Mukhang mataray naman eh kaya wala tuloy sa kanya sumasama kahit ilang araw na siya rito sa room." Tsika sa akin ng aking bestfriend na si Cassey.

"Uy! Grabe ka naman, mukhang mataray lang iyan pero sa tingin ko mabait naman siya."

"Luh! E mukha ngang hindi mapagkakatiwalaan eh." Asik niya.

"La hoy. Huwag ka ngang judgmental. Tara lapitan natin."

Nilapitan ko iyong transferee kahit na alam kong tutol sa akin si Cassey. Hindi kasi ako judgmental at alam ko ang pakiramdam ng walang nakakasama dahil noong bago pa kami nagkakilala ni Cassey ay loner ako rati. Masaya ako sapagkat mag-aapat na taon na kaming magbestfriend.

"Hi, I'm Sandra and this is Cassey. Anong pangalan mo?" magiliw kong pagpapakilala sa kanya.

"Ahh. I'm Charlotte Silang" nahihiya nitong sagot sa amin.

"Huwag ka nang mahiya sa amin ni Cassey dahil simula ngayo sa amin ka na sumama." Masayang sabi ko sa kanya. Nakita ko naman ang saya sa mga mata ni Charlotte.

Sa loob ng tatlong taon ay naging masaya kaming tatlo. Magkakasama sa lahat ng gala, kalokohan at tulungan sa proyekto. Natatawa tuloy ako kapag naaalala ko na naman ang mga panahon na nakikipagplastikan pa si Cassey kay Charlotte dahil nga sa ayaw niya rito, mukha raw kasing hindi mapagkakatiwalaan. Kinumbinsi ko pa siya noon para lang tanggapin na hindi na dalawa kundi tatlo na kaming magbebestfriend. Sa hinaba haba ba naman ng mga dasal ko at pagpilit sa kanya, sa wakas! Natanggap na rin niyang magbestfriend sila. Iyon nga lang ay ang panahon na sila na lang dalawa. Napatawa na lang ako ng mapait nang maalala ko ang dati kong mga bestfriEND.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now