The Wedding

8 3 0
                                        


Ang agang gising na naman ni Pia. Ngayon na ang kasal ng dati niyang kaklase noong high school na si Anna. Tuong nagpaganda siya ng husto dahil nagbayad pa nang pagkamahal-mahal para lang sa make-up artist na ipinahanap pa niya sa kanyang barkada. Pak na pak ang kanyang kilay at ang kanyang namumulang labi. Sinamahan pa nito ng mahahahabang pilikmata na ikinabit din sa kanya kanina. Maganda na siya ay mas lalo pang gumanda ng maayusan.

- "Sana naman gwapo ang kapartner ko mamaya, malulugi ako sa pagpapaayos ko kung pangit lang din naman makakapareha ko." Sa loob-loob ni Pia.

Hindi niya kasi naitanong kay Anna kung ano ang itsura ng magiging partner niya dahil naging abala siya nito lamang sa thesis na idedepensa pa nila sa isang araw. Basta ang alam lang niya ay sinabi sa kanya ni Anna sa tawag na James ang pangalan ng makakapareha niya at hindi na niya naunawaan kung ano ang epilyido nito dahil abala siya sa pagsusulat nang mga panahon na iyon.

Pagkarating niya sa sa simbahan ay agad niyang hinanap kung sino ang makakapareha niya.

- "Daming gwapo!", sa isip-isip niya.

"James!" rinig kong pagtawag ng tita ni Anna sa lalaking nakatalikod malapit sa akin.

Napatitig ako sa likod niya. Napangiti ako nang matitigan ang matipuno, matangkad at maamoy ang angkin niyang kabanguhan. Nakaka-inlove. Haha charot. Narinig ko ang kanyang tinig sa pagtugon nito sa kanyang kausap, lalaking-lalaki at napakagalang pa niya. Kahit nakatalikod pa siya sa akin ngayon ay pakiramdam kong napakagwapo niya. Kyaaaaaaahhh! Kinikilig ako HAHAHA. Siguradong nakajackpot ako ngayon. Pwede na ako mamatay bukas. HAHA charot. Kaharot!

Ngiting-ngiti na si Pia nang bigla itong humarap sa kanya. Ang kaninang malawak nitong ngiti ay biglang nawala dahil tuluyang gumuho ang mundo niya, nasayang nga ang kanyang pera.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now