Uncrush

10 3 0
                                    


"Stefffffff! Ngayon na nga pala ang graduation ng crush mo. Pupunta ka ba?" chat sa akin ni Lyka.

"Oo,papunta na nga ako HIHI." Reply ko sa kanya.

"Wow lang ha masyadong excited. Syota ka? Syota ka?" pang-sasabon nito sa akin.

"HAHAHA. Hindi pa sa ngayon pero intayin mo soon." Lakas loob kong reply ulit sa kanya.

"Lakas ah! Assuming teh? HAHA! Bahala ka diyan."

Hindi na ako nagreply kay Lyka dahil kararating ko pa lang ay magsstart na pala ang program. Hanap, hanap, hanap. Ayon, nakita ko na siya. Sows. Ampogi niya tignan sa toga. Pogi talaga siya kahit anong isuot niya hihi.

Pasimple kong kinuhanan ng picture si crush. Boring ang program pero nag-eenjoy naman ako sa katititig sa kanya. Sulit pamasahe ko uy.

Hala tapos na pala ang program. Mamimiss ko tuloy siya ng sobra dahil baka ito na ang huling pagkakataon na makita ko siya. Hayys? Magpapicture na lang kaya ako kay crush? Baka sakaling mapansin niya ako hihi.

Malapit na ako ng konting hakbang sa kanya para sana magpapicture nang may biglang yumakap sa kanya na isang magandang babae. Siguro out of school dahil hindi siya pamilyar sa akin.

"Congrats babe!" sabay halik nito sa pisngi ni crush.

"Teka tama ba ang narinig ko? Tinawag mo akong babe? Sinasagot mo na ba ako?" masayang tanong ni crush sa kanya.

"Oo,Carlo. Sinasagot na kita!"

Nakita ko kung gaano kasaya ang mga taong nasa paligid nila para sa kanilang dalawa at lalo na ang kasiyahan na nadarama nila mismong dalawa. Hindi ko na kinaya ang eksena kaya nagpunta na lang ako sa cr para maglabas ng sama ng loob.

Sabagay, sino ba naman ako sa buhay niya? Isa lang naman ako sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya. Ni hindi nga niya ako kilala. Ni kahit kaibigan ay hindi rin. Ibig sabihin, hangin lang ako sa buhay niya. Buong-buo na ang desisyon ko. Tatanggalin ko na siya sa buhay ko. Magmomove on na ako at kakalimutan kong naging crush ko siya. Pinunasan ko ang aking mga mata at agad na kinuha sa aking bag ang maliit na notebook. Dali-dali kong hinanap dito ang pangalan niya.

Carlo John Ezperante. Iu-uncrush na talaga kita.

At sa pagbura ko ng pangalan niya sa aking listahan ay may sumilay na ngiti sa aking labi sa aking nabasa. May pag-asa pa pala!

'Di baleng mawala ka. May natitira pa namang dalawa, HAHA!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 05, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now