FUTURE WIFE
AFTER 1 YEAR
“Hotels, motels, apartments are they safe? Do they give you the comfort you need? Does staying makes you feel relaxed? Here in Town Suites, you will never feel uncomfortable. We offer you the best accommodation. The best homes. The best place for relaxation and the best place to be with someone you love…Never miss a chance. Grab a place and you will never regret Join our growing family and be part of our society”
Nakaupo ako sa sofa ngayon habang pinapanuod ang bagong commercial nanaman na nirelease ng town suites corporate tower isa sa pag aari ni Echo James Ford and future husband ko lang naman. Nang maiannounce sa kanya ang willing and testament ng magulang niya na kailangan niya akong pakasalanan.. Mmmmh wala siya pa din naman ang billionaryong lalakeng pinapangarap ng iba’t ibang babae hindi ko man lang naramdaman na siya ang mapapangasawa ko halatang pilit na pilit lang siya bukod sa binigyan niya ako ng condo unit sa isang condominium na pag aari niya yun lamang
Paano kaya kung pumunta ako sa office TAMA.
Pumunta na ako sa kusina at nagsimula ng magluto ng sinigang at tinola. Namalagi ako ng 3 buwan sa UK mula noong sinabi sa akin na magiging asawa ko siya pagkatapos nun ay umuwi kami rito sa pilipinas madami siyang pag aari dito man o sa ibang bansa kaya sigurado akong busy yun at walang oras para kumain kaya dadalhan ko na lang siya
Ilang oras din ang lumipas at naluto na ang mga ulam na niluto ko nilagay ko ito sa Tupperware at baon na din ako ng kanin para hindi na siya mag abala pa . Nagbihis na ako at nagsimula ng bumaba sa lounge
“Ms. Azenette” tawag sa akin ng isang staff kaya tinignan ko ito
“Asaan po kayo pupunta bilin po kasi ni Mr.Ford na alamin ko daw po lahat ng lakad niyo” sabi nito
“Balak ko sana siya bisitahin sa opisina niya dadalhan ko lang siya ng lunch” sabi ko agad naman itong tumango
Sumakay ako sa taxi na pumarada sa labas ng condominium ang init grabeng global warming ito .. Ngunit biglang tumigil ang taxi sobrang traffic medyo malapit naman na kaya bumaba na lang ako at naglakad
Tinignan ko ang buong building kitang kita ang gintong letter F sa taas nito
“saan po ang floor ng office ni Mr.Ford” tanong ko sa security guard
“sa 57th floor po” sabi nito at tumango ako papasok na sana ako ng marinig ang bulungan ng mga tao
“sino yan ang panget naman niya?”
“sa department niyo ba yan?” sabi nanaman nung isa
“baka mag a-apply siguradong hindi makukuha yan”
Tinignan ko sila ng masama kaya agad naman silang tumigil sa pag chi-chismis isumbong ko kayo sa mapapangasawa ko tignan natin sinong hindi makukuha na pinagsasabi niyo. Pumasok na ako sa loob ng company at lumapit sa information table
“Miss nandito ako para kay Mr.Ford sana free ba siya?” tanong ko dito tinignan niya yung buong mukha ko tinaas ko kaunti ang eyeglass ko kasi nahuhulog at nginitian siya
“May appointment po ba kayo sa kanya?” tanong nito
“Wala eh may ibibigay lang sana ako sa kanya” sabi ko
“hindi pwede pumunta sa kanya ang walang appointment at wala naman kasi siyang binilin na may bibisita sa kanya kaya hindi po pwede” sabi ulit nito
“Pero may ibibigay lang ako sa kanya sige na please kahit 10 minutes lang” sabi ko
Umiling ito pupuslit na sana ako ng biglang may pumunta sa harap ko na 2 security guard agad nilang hinawakan ang magkabilang kamay ko
“Bitawan niyo ako pupuntahan ko si echo” sigaw ko
Hinihila nila ako pero nagpupumiglas ako agad naman nahulog ang eyeglass ko kaya biglang lumabo ang paligid ko
“Bitawan niyo ako”pag pupumiglas ko
“Bitawan niyo siya” isang lalake ang sumigaw agad naman nila akong binitawan lumuhod ako at kinakapa sa sahig ang eyeglass ko wala akong maaninag Malabo
“Ms.Azenette” tawag ng isang lalake sa akin
“Yung eyeglass ko po” sabi ko agad naman nitong inabot sa akin pagkasuot ko nakita kong basag na ito
“Ms.Azenette” sabi ni hans ang secretary at body guard ni echo kasing age lang ata siya ni echo pinaka pinagkakatiwalaan niya na tao gwapo ito at matipuno tumayo ako sa pagkakaluhod
“alam po ba ni Mr.Ford na nandito kayo?” tanong nito
Umiling ako “ibibigay ko lang sana yung niluto ko sa kanya baka kasi sa sobrang busy niya hindi na siya kumakain” sabi ko
agad naman niya akong sinamahan pag pasok naming sa elevator
“pasensya na po sa inasta nila sa ibaba alam niyo naman pong” pinutol ko ang sasabihin nito
“na ayaw ni echo na ipakilala ako sa ibang tao” tumango ako at tumingin sa ibaba
“hindi naman po sa ganun baka hindi pa po ito ang tamang oras” sabi nito
“wag mo na nga akong i-po magkasing age lang tayo ay hindi mas matanda ka pa sa akin ng 2 taon kaya tawagin mo na lang akong mae “ nakangiting sabi ko sa kanya tumango naman ito ng makarating na kami sa floor ng office ni echo
Tumayo ako sa harap ng pinto at huminga ng maluwag bago pumasok
“Honey” sigaw ko sa kanya sa loob naiwan si hans sa labas ng pinto
“what the hell are you doing here!” bulyaw nito
“grabe naman love hindi pa nga nakakalahati yung distance natin sinesermonan mo na ako siguro hindi ka pa kumakain kaya mainit ang ulo mo nuh? kaya nga ako nandito kasi pinagluto kita kumain ka na” sabi ko sa kanya
“ilagay mo na lang sa gilid at umalis ka na” malamig na sabi nito
“ayaw ko nga” sabi ko agad naman niya ako tinignan ng masama
“bago ako umalis kumain ka muna” sabi ko
“NO” bulyaw ulit nito
“hindi ka ba makapag salita ng hindi bumubulyaw” sabi ko sa kanya
“and who are you to tell me that” sarkastiko nitong sabi nag cross arms ako sa harap niya
“Im your future wife, Mr.Ford baka nakakalimutan mo ano tawag doon fiancée oo yun, yun ako”