JEALOUS
Pagdating namin sa company back to normal kami secretary niya ako at boss ko siya
Nagsimula na ang mga meetings niya at nagsimula na din ako sumagot ng kung ano anong tawag para mag sched ng appointment niya
Ng matapos ang meetings niya sumunod ako sa opisina niya dahil wala si hans parang dalawa ang trabaho ko secretary na body guard pa .
"President may meeting po kayo kay Mr.Lorenzo mamayang 2pm . Tapos may gustong kumausap sayo na bagong mag rerent ng stall sa kingdom mall mamayang 3pm tapos" hindi ko na, natapos ang sasabihin ko dahil tinaas niya ang kamay niya symbolo na tumigil ako
"Cancel all my meetings ng afternoon . Ang dami ko ng naka meeting this morning" reklamo nito
Tumango na lang ako
"Can you put down that notebook" sabi nito sabay turo sa dala kong notebook nilapag ko iyon sa isang cabinet sabay tumingin ulit sa kanya
Tumayo siya sa pagkakaupo sa swivel chair niya pumunta siya sa harap ng wooden table niya at isinandal ang sarili doon .
"Come here ! I want to hug my fiancee" sabi nito sabay bukas ng maluwag ng kanya mga kamay para yakapin ako
Umiling ako " Echo nasa opisina tayo baka may makakita na kayakap mo ako hindi ba hindi mo pa ina-announce" sabi ko sa kanya
Hinila niya ako at niyakap " Im so tired right now I need my energy" mahigpit ang yakap nito sa akin natawa na lang ako at niyakap din siya
"Lunch tayo kasama sila keisha" bulong nito
Tinignan ko siya ng masama " sabi ko na nga eh may kapalit yang pagiging malambing mo" sabi ko sa kanya
"Inexplain ko naman na sayo sino si keisha sa buhay ko hindi ba ? Ikaw na ang mahal ko at mamahalin ko walang competition dito panalo ka na mae" sabi nito sabay yakap pa din sa akin
"Sige basta ililibre mo ako sa japanese restaurant sa dinner nag cra-crave ako" sabi ko sa kanya
"Alah ! Love baka buntis ka na tatay na ako" sabi nito inupakan ko naman siya
"Hindi nuh at if ever man hindi ganun kabilis" sabi ko sa kanya
"Mmhhh . Mabilis yun mabilis ang pagtakbo ng mga alaga ko" sabi nito sinapak ko naman siya sa kalokohan niya
Nag ayos na kami at umalis ng company pumunta sa isang restaurant at nandoon si timothy at keisha nag aantay
"Sorry natagalan" sabi ni echo
"Okey lang dude kakarating rin lang namin
Pero nag order na kami para sa inyo ah ! Sabihin niyo na lang pag ayaw niyo para mapalitan" sabi ni timothy"Mukhang okey na kayo?" tanong ni timothy
Tumango ako "Thank God" sabi naman ni echo
Agad namang dumating ung order namin steak .
"Pasensya na at hindi ako nakapag paalam noon sa party may bigla kasing nangyari" pagpapaumanhin ko biglang pinagpalit ni echo yung plato ko at plato niya naslice na yung steak na binigay niya sa akin
"Echo"
"No need to hide mae . We knew na ikaw ang fiancee ni Echo sinabi sa amin ni echo noon pa before the party" sabi ni keisha
Tumingin ako kay echo at ngumiti lang ito sa akin
"Ganyan ka seryoso yang lalakeng iyan sayo pasensya na, na torpe lang ng kaunti" pang aasar ni timothy