DIVORCE
Isang linggo na ang nakalipas at hindi pa din umuuwi si echo umiiyak na minsan si fort sinasabing namimiss niya na ang daddy niya
Pagbaba ko ng hagdan sumalubong sa akin si keisha
"Kailangan nating mag usap" sabi nito pumunta kami sa salas
"Asaan si fort?" tanong ko sa isang maid
"Kalaro niya si shanty" sabi ni timothy
"Anong pag uusapan natin?" tanong ko
"Tungkol kay echo" sabi ni keisha
"Hindi na natin kailangan pag usapan iyon sumira siya sa pangako niya siya ang unang bumitaw hindi ako kung sasabihin niyo na maawa ako sa kanya umalis na kayo hindi na natin kailangan mag usap" tagis bagang sabi ko
"Pwede ba makinig ka" sigaw ni keisha na ikinagulat ko "For once makinig ka naman"
"Keisha kumalma ka" awat ni timothy sa kanya
"Hindi timothy kailangan niyang matauhan . Hindi lang ikaw ang nasaktan dito hindi lang ikaw ang nahirapan . Sige sabihin na natin na mas nahirapan ka pero who chose to leave rather than hearing out her husband's explanation its you" sabi nito at turo sa akin
Tinignan ko lang siya ng masama "alam mong nangako siya" sabi ko
"Tanginang pangako yan . Oo nangako siya hindi niya sinira iyon sabi niya wag muna sa oras na iyon mainit sa media at sa tao ang issue sa papa mo . Hindi kami naniniwala doon kasi nakilala ka namin sa pagpapalaki pa lang sayo halatang hindi na masama ang magulang mo pero isipin mo naman siya . Kung inamin niya sa mga oras na iyon na mapapangasawa ka niya ikakalugi ng kompanya niya yun . Company na hindi siya ang nagtayo company na pinaghirapan ng magulang niya. Patay na ang magulang mo Mae ngayon alam mo na ang nararamdaman niya sige ipunta kita sa situation niya lahat ng pinaghirapan ng magulang mo bigla na lang mawawala pag nagpadalos dalos ka ng desisyon anong gagawin mo sigurado ako yuon din ang gagawin mo" sabi nito umupo na siya sa ngayon
"Tapos na ang lahat kahit ano pang sabihin niyo hindi na magbabago ang tapos na" sabi ko
"Sana alam mo din na umamin din siya kinabukasan mula noong gabing nawala ka, umamin siya baka sakaling mapanuod mo eh bumalik ka na sa kanya" sabi ni keisha na ikinagulat ko nasa canada na ako noon
"Hindi mo alam nuh. Hindi mo naman kasi alam lahat mae pero kung maka husga ka sa kanya parang hindi mo siya minahal . Ikaw nga dapat ang mas nakakakilala sa kanya hindi ba ? Nag back out lahat ng investor niya . Tumigil lahat ng pagpapagawa ng mga building. Tignan mo ang katawan ng asawa mo ng makita mo kung anong pinagdaanan niya kapalit ng pagamin niya dahil mahal ka niya . May isang investor sa china ang gumanti sa kanya fvck mae muntik ng umabot sa execution iyon buti na lang nahanap agad siya ni hans" huminga ito ng malalim panay na ang pagpatak ng luha ko
"Kumalma ka ang anak natin" sabi ni timothy
"Siya ang gumawa ng paraan para malinis ang pangalan ng papa mo . Naibangon niya ang kompanya pagkatapos noon at parang walang nangyari. Parang nalubog lang at biglang umahon . Akala ng mga tao ganoon talaga pagmadaming pera pero hindi nila alam ang pinagdaanan nito, kinidnap ka niya at hindi pinatuloy sa kasal niyo ni Raizen tinulongan ka niya hindi ba ? Kung hindi ka niya itinakas sana kabit ka na ni raizen ngayon .Ngayon sabihin mo sa akin sinong nahirapan ? Sinong madaming sinakripisyo . Iniwan mo siya pati ang anak mo itinago mo ng limang taon sa kanya" tumayo si keisha "Sana ngayon napatunayan mo na sino ba talaga ang taong pilit mong tinutulak palayo" sabi nito
"Hindi ko siya mahanap isang linggo na siyang hindi umuuwi hindi ko din siya ma contact" sabi ko
"1 linggo na din kaming hindi nag uusap .Yung huling usap pa namin ibinilin ka niya" sabi ni timothy