CHAPTER TWENTY-EIGHT

1.9K 37 0
                                    

DADDY

"Mommy" tawag ni fort sa akin ang anak ko

"Why? Anong nangyari?" tanong ko sa kanya

"Mommy si tito raizen kasi sinasabi na wag na daw tayo umuwi . Mommy please I want to see daddy" sabi nito halos magmakaawa sa akin

"Fine! Fort magimpake ka na" sabi ko sa kanya

Yes ! Fort Darrell Ford . 5 years ago when I left echo . After a month nalaman kong buntis ako . Nagpalipat lipat kami ng lugar ni fort para hindi kami mahanap ni echo .

"Hon I think its not a good idea" sabi ni Raizen .

Yes ! Raizen De Elanza my fiance. Noong umalis ako kila echo ang unang pinuntahan ko ay sa hongkong . Naging katulong ako doon, doon ko din nalaman na buntis ako akala ko mawawala na si fort sa akin dahil dinugo ako noon pero sabi ng doctor swerte daw ako at malakas ang kapit ng bata sa akin . Doon si raizen ang naging sandalan ko siya ang nagpakita sa akin na kamahal mahal talaga ako

"Alam mo naman na yun ang hiling niya sa akin.Gusto niyang makita si echo" sabi ko

"Kung sana kasi sa apelyedo ko na lang inilagay mo sa pangalan niya . Hindi na siya nagtatanong kung sinong ama niya . Ako naman ang tumayong ama niya" sabi ni raizen habang nakaupo sa sofa tinabihan ko ito at hinawakan sa kamay

"Alam mo namang hindi ko kayang gawin iyon hahabulin ako ng konsensya ko na nagsinungaling ako sa anak ko . Alam mo namang ayaw ko ng may tinatago sa kanya , lalu ng ayaw kong tinatago siya" sabi ko

"I know Im just concern . Paano kung hindi maniwala si echo na anak niya si fort edi nasaktan ito " sabi niya

"Mag pla-plano na lang ako ng bago kung sakali mang iyon ang gawin niya ang importante ay masagot ng anak ko ang mga katanungan niya sa kanyang isip" sabi ko

"Ako naman na ang mahal mo hindi ba?" tanong nito

"Oo naman, Raizen ikakasal na tayo sa susunod na buwan tinatanong mo pa din yan?" sabi ko sa kanya at hawak sa mukha niya

"Gusto ko lang ng assurance mae baka bigla ka niyang agawin sa akin hindi ko alam ang gagawin ko" sabi nito

"Hindi niya magagawa yun" I assured him hinawakan niya ang mukha ko at hinalikan . Pinikit ko ang mga mata ko pagkabukas ko ng mata ko napa urong ang patalikod

"Why hon, did I scared you?. Im sorry" umiling ako nakita ko ang mukha ni echo habang hinahalikan niya ako

"Magkita na lang tayo doon . I need to finish some business here susunod agad ako sa inyo as soon as possible" sabi nito tumango ako at nag lean on sa kanya

Madaling araw ng ihatid kami ni raizen sa airport . Madaling araw na at sobrang excited pa din ng anak ko hindi man lang ito natulog sa airplane na lang daw ito matutulog.

"Fort, alagaan mo si mommy habang wala ako doon ah ! Be a good boy sundin lagi si mommy" paalala ni raizen sa kanya

Nag salute naman ito "Yes tito raizen . See you" paalam nito ginulo ni raizen ang buhok nito

"Goodbye hon" sabi nito at hinalikan ako

-----------------

Nakarating na din kami sa wakas sinalubong kami ng mga bodyguard ni raizen dito sa airport buhat ko pa din si fort dahil tulog pa din

Sumakay kami sa kotse at dumiretsyo sa isang condominium .

"Nasa labas lang po kami Ms.Azenette kung may kailangan pa kayo" sabi ng isang men in black

The President's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon