CHAPTER THREE

2.8K 48 0
                                    

CARE?

Pag uwi ko dumiretsyo agad ako sa kwarto ko at nag computer gagawa ako ng resume baka ano pa masabi ni echo pag nag apply ako ng walang ganun kukuhanan ko lang ng isang trabaho si hans para naman hindi mahirap ng matapos ko na ma print iyon natulog na ako

----------------

papasok ako ng company nila echo ulit naka suot ako ng puting blouse at pencil skirt nagpasundo ako kay hans sa ibaba baka harangan nanaman ako ng mga security guard

“mae ano ba ginagawa mo dito?” tanong ni hans kinindatan ko lang siya at dumiretsyo na sa elevator

dumiretsyo akong pumasok sa office ni echo na kasalukuyang may kausap na telepono tumayo lang ako sa harap niya at nasa tabi ko si hans nang maibaba niya na ang telepono na hawak niya tinignan niya ako mula ulo hanggang paa

“ano nanaman trip mo sa buhay mo?” tanong niya sa akin

“nandito ako para mag apply” sabi ko at abot sa resume ko sa kanya pero hindi niya ito binuksan at panay pa din ang tingin sa akin

“bakit ka mag a-apply? kulang ba binibigay ko sayo” tanong ulit nito sa akin

umiling ako sa kanya “bored na bored na kasi ako sa condo gusto ko naman ng pagkakaabalahan” sabi ko sa kanya kumamot siya sa badok niya

“doon ka sa baba mag apply kung may hinahanap sila” supladong sabi nito sa akin

“kaya ako dumiretsyo dito kasi sayo ako mag a-apply, gusto kong maging secretary mo” sabi ko sa kanya
“WHAT!” bulyaw nito lagi na lang ba siya bubulyaw

“si hans na ang may trabaho doon”sabi nito

“actually naisip ko na yan kagabi pa pero hindi ba body guard mo na din si hans? so naisip ko na mahirap iyon para naman matulungan ko siya ako muna magiging secretary mo” sabi ko sa kanya

“pwede ba mae kung ano mang kalokohan ito hindi ako natutuwa” sabi nito sa akin “hindi naman ako nagloloko eh gusto ko ngang maging secretary mo” sabi ko sa kanya

“sige pero kung susundin mo ang kondisyon na gusto ko” sabi nito sa akin

tumango ako “ano yun?”

“una hindi mo sasabihin kahit sino man kung sino ka sa buhay ko ikaw lang si mae chiesa azenette na secretary ko at wala ng iba si hans, ako at ikaw lang may alam kung ano ka sa akin. Pangalawa sa bawat maling galaw mo bilang secretary ko babawasan ko ang perang binibigay ko sayo buwan buwan yun ang kapalit. Pangatlo pag may nagawa kang pagkakamali na maapektuhan ang buong company aalisin kita sa ayaw at gusto mo” sabi nito sa akin agad naman ako tumango

“yes echo” sabi ko sa kanya

“president ..mae” pagtatama ni hans sa akin

“pwede bang iba tawag ko sa kanya pag tayo  tayo lang sa labas ko na lang siya tatawagin na president” sabi ko sa kanya

“ bahala ka” sabi ni echo “hans ituro mo sa kanya paano maging secretary ko lahat lahat” dagdag pa nito sa akin nag bow si hans at sinamahan ako lumabas ng office ni echo

“sorry hans inagawan kita ng trabaho yun lang kasi naiisip ko na paraan na maglalapit sa kin sa kanya” sabi ko sa kanya

“okey lang yun mae ang importante magkakalapit kayo” sabi nito sa akin pumunta kami sa isang maliit na kwarto sa ibaba lang ng floor ng office ni echo

“Nandito ang lahat ng papers tungkol sa company nasa notebook na ito ang time at date ng mga meetings ni echo” sabi niya sa akin at abot ng puting notebook “dapat lagi mong dala iyan dito naman ang mga number ng department kung may gusto man ipasabi si echo sa marketing department hanapin mo lang yung  number dito at dial mo na sa telepono” sabi ni hans at turo sa mga numerong naka dikit malapit sa telepono “ang mga natapos naman ng events ng company nasa likod lang ng pintong iyon hanapin mo na lang kung anong year pag pinahanap niya” sabi nito

umupo ako sa desk at tinignan ang lahat ng gamit

“dapat nandito ka na ng 6am kasi parating pa lang si echo nun kailangan nag aantay ka na sa pinto ng office niya pag ganoong oras at nandito ka hanggang 10pm yun ang oras na umaalis si echo. 8pm uwian na ng empleyado dito pero hindi ka lang kasi empleyado dito kaya ganyan ang oras ng uwi mo” dagdag pa ni hans

“maswerte ka ngayon dahil walang meeting si echo. Di bale ia-announce ko sa lahat na bago na ang secretary ni echo tapos ibibigay ko ang cellphone number mo sa kanila para matawagan ka nila kahit wala ka sa office.. Mostly may mga business trip si echo kasama ka din sa mga event doon kaya kung ako sayo mag aral ka na ng iba’t ibang language kasi ikaw muna ang haharap sa  mga ka business meeting niya bago siya pumunta” sabi nito sa akin shuckz akala ko madali lang ang gagawin ang hirap pala

“WHOOOH! Scary talaga si president akala mo laging may galit sa mundo kaya siguro isinumpa na maiwan ng magulang tapos walang babaeng aaruga sa kanya kasi ang panget ng ugali niya” rinig kong sabi ng mga nag uusap na emplyedo

“masanay ka na sa mga ganyan wag mo na lang patulan kasi ganoon din si echo wala siyang pinapakinggan mabait naman si echo eh hindi lang maganda ang nangyari sa kanya noon kaya ganyan ugali masasanay ka din” sabi ni hans

Umalis na ito pagkatapos ituro sa akin ang lahat umupo lang ako sa swivel chair at pinagmamasdan ng mga taong tumitingin sa akin pag dumadaan sila dito

lumipas ang oras lunch time na pala nagugutom na ako pero baka bigla akong ipatawag ni echo wala ako dito baka sabihin niya na first day ko umaalis agad ako

“mae sa taas” sabi ni hans agad naman akong nag ayos at kinuha ang notebook  na sabi ni  hans na dapat lagi kong dala

sumakay agad ako sa elevator at pumunta sa office ni echo

“Kumain ka na ba?” bungad niya sa kin

The President's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon